Kabanata 23

142 34 0
                                    

Kabanata 23

Buwan

Pilipinas, 2020

Posible ba'ng makatulog ka ng 12 hours?

Oo, posible. Nang imulat ko ang mga mata ko ay pasado alas-sais na ng umaga. Sa pagkakatanda ko bago ako mawalan ng ulirat, uminom ako ng maraming alak. I already lost count after the 6th bottle. As far as I remember, it was in the afternoon at nagising na ako ngayong umaga.

"You're awake," bungad ng boses mula sa bukana ng pintuan.

Yes, I'm awake. Obvious ba?

Humakbang papalapit si Apollo papunta sa'kin. "Hindi ko alam kung ano'ng damit ang gusto mong suotin so I bought you variety of styles."

Nakita ko nga 'yon. Mga mamahaling damit galing sa iba't ibang sikat na brands like Chanel, Gucci and Balenciaga shirts and pants. May underwear pang kasama!

"Bakit ang dami mong binili? At ang mamahal pa?!"

His fiery orbs of eyes bore into me. Intense and ruthless. "You shouldn't absent kahit may hang-over ka. I thought of buying you, wala ka namang damit dito," he smiled sincerely. Nang mapako ang tingin ko sa kaniya ay parang may nagbago. It's a sort of light feeling. Ang gaan sa pakiramdam at nawala ang mabigat na pasan ko sa dibdib. 

Ganito ba kapag umamin ka sa isang tao? Nawala lahat ng pangamba na umuukil sa puso ko. Kung umakto naman siya ay parang hindi niya maalala ang nangyari kahapong lasing ako. I remembered everything. It was vivid in my memory. I kissed him and that's the last thing I did before my senses collapsed.

Sabay na kaming pumasok ni Apollo lulan ng sasakyan niya papunta sa Princeton. We parted our ways. Tinitigan ko ang likod niyang unti-unti nang lumiliit sa paningin ko.

Lalong kumakabog ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang engkwentrong iyon kahapon. Kagaya ng isang araw na lumulubog sa pagdadapit-hapon, muling umusbong ang nananahan kong damdamin sa pagsapit nang pagbubukang-liwayway. Mas tumindi at sumidhi pa ang pinipintuho ng nararamdaman ko sa kaniya. 

I can still wait, right? Gano'n naman talaga e, maghihintay ka kasi mahal mo. Ibubuwis mo ang oras mo kasi mahal mo. Sa oras na makuha mo na kasi 'yung pagmamahal na inaantay mo sa isang tao, it was fulfilling and satisfying. Dalawa na lang siguro ang kahahantungan ng puso ko: either one day matutunan niya rin pala ako na mahalin at bigyan siya ng mainit na galak sa pagpasok sa buhay ko o mapagod na lang ang puso ko sa paghihintay hanggang sa tuluyan nang manamlay, hanggang ang pagkabog at paghuramentado nito sa pagtibok ay tumigil.

Nang marinig ko ang pag-amin niya sa'kin kahapon ay sumigla ang pag-asa ko, ngunit sa kabilang banda, nariyan si Elen na kayang-kaya pawiin ang maliit na apoy na nadarama ni Apollo sa'kin. That a small room in his heart could fill with Elen's love and affection. Kayang-kaya niya iyon. Dahil kung ang nararamdaman ni Apollo sa'kin ay isang ambon lang na maaari ring tumila, ang pagmamahal na ibinubuhos niya kay Elen ay kasing-lawak ng karagatan na tila luhang naibuhos ko na sa sakit na hatid ng komplikadong pag-ibig.

Binuksan ko ang locker ko para kunin ang libro para sa susunod naming subject. Akmang isasara ko na iyon nang mapaawang ang bibig ko sa nahagip ng mata ko. Ang tinapon kong letter ay narito muli sa loob ng locker ko. 

Binuklat ko iyon at may panibagong saknong na parang dinagdagan lang kamakailan.

'Alinsunod sa pangakong binitawan'

'Saksi ang buwan sa bawat pait na aking nararamdaman'

'Pagka't ang pag-ibig kong hindi mapaparam'

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now