Kabanata 7

283 101 0
                                    

Kabanata 7

Heranyo

Kinabukasan, naisipan kong gawin na ang lahat nang naayon sa schedule ko. For now, nag-ayos ako at nagbihis. Tutungo kasi ako ngayon sa Avellana Art Gallery upang mapag-usapan ang magiging deal tungkol sa painting na ipinasa ko.

Pagbaba ko, naabutan ko sina papa sa gitnang dulo ng lamesa, katabi nito si mama at katapat naman ni mama si kuya. I just thought of eating at first but I became hesitant nang makita ko silang tatlo sa hapag. Natatakot akong maulit na naman ang pangmamaliit nila sa akin. Natatakot ako kay papa--- sa kanila ni kuya.

"Iha, saan ka na naman pupunta? Mag-umagahan ka muna rito," wika ni mama nang may ngiti sa labi.

"Busog pa ho ako ma, alis na po ako." 

Hindi ko na nilingon at pumaripas na ako ng mabilis na lakad. Lilisanin ko muna ang bahay na puno ng kaguluhan sumandali. I hailed a cab to reach my destination.

Nang makarating ako ay sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy ng museyo. 

"It's nice to see you again, Ms. Concepcion. This way, ma'am."

Hindi na ako nagtaka kung bakit nakilala niya ako agad. Sumunod ako kung saan niya tinuro ang direksiyon. Buong minutong iyon ay nakasunod lang ako sa staff ng art gallery. Pagpasok sa glass door ay hindi pa pala iyon ang pupuntahan namin. Naglakad muli kami at tanging naririnig lang ay ang malakas na kabog na dibdib ko at ang ingay ng takong na nagmumula sa heels niya.

"This way, Miss," muwestra niya sa pinto.

Hinila niya ang makintab na knob ng glass door at hinintay akong makapasok. Sumalubong sa'kin ang dobleng lamig ng air conditioned room. Ako na lang ang mag-isang pumasok at hula ko'y bumalik na ang babaeng kasama ko kanina sa counter.

I rummaged the whole area to familiarize the entirety of the room, screaming elegance and wealth. Doo'y natanaw ko ang babaeng nakaupo sa swivel chair habang matamang nakatitig sa'kin. Siguro'y hinaayan niya muna akong mag-adjust sa place na ito at pinagmasdan muna ako.

"So you're the one who sent us the 'Bona Fide' entry?"

Bona fide kasi ang tawag sa title ng painting ko na nangangahulugan ng 'authentic' and 'genuine'.  Siya'y may katandaan na ngunit hindi pa rin alintana ito dahil sa natural na kutis porselana nito at mabata-batang mukha. Mataman lang siyang nakangiti habang inaantay ang pahayag ko.

"Yes, po. Ako po iyon."

She motioned her hand. "Have a seat."

Umupo na ako ngayon sa tapat ng table niya. Nabasa ko ang pangalan niya sa glass plate: MFA. Mira Villavivencio. Ang MFA ay abbreviation ng Master of Fine Arts.

"Nakarating sa'kin ang iyong obra. You did an excellence job for making it at a young age."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I just heaved a faint nod and wait for her to continue her spiel.

"We'll take your painting as display for our Avellana Art Gallery. The painting will be owned by us if you'll sign this contract. You don't have to worry because the work will still be credible by yours. You'll receive your payment as you signed this paper and here's a catch,"

Nilapit niya sa'kin ang paper at tinuro ang ispesipikong pangungusap at ipinaliwanag iyon sa'kin.

"If your painting has chosen to be bought by our merged company or if someone got an interest in your painting, you'll receive additional payment. I have observed that you don't have a bank account so you'll claim it here personally, kung saan tayo nagkita ngayon."

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now