Kabanata 20

152 40 2
                                    

Kabanata 20

Letter

Pabaling-baling ako sa hinihigaan ko. Ilang posisyon na ang ginawa ko ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Tumulala ako sa kisame at huminga ng malalim. Nagbilang na ako hanggang isang-daan pero bigo akong dalawin ng antok.Kipp

Hindi pa rin mawala ang 'di normal na pagtibok ng puso ko matapos kong yakapin si Apollo. Kahit pa air conditioned ang kuwarto ko ay nakukuha pa ko pa rin maka-dama ng init.

I stood up to adjust the aircon into lower temperature. Daig ko pa ang uminom ng kape sa sobrang pagsikdo ng dibdib ko.

Bago pa man ako bumalik sa kinahihigaan ko ay naanigan ko mula sa ilaw ng poste galing sa labas ang anino ng isang bulto sa labas ng veranda. I have my own terrace so as sure na dito ako maaaring pasukin ng magnanakaw. Dahan-dahan akong humakbang kasabay nang pagdagundong ng dibdib ko hindi na dahil sa alaala kanina kundi dahil sa maaaring masamang-loob na nagkukubli sa dilim hindi nalalayo sa direksyon ko.

'Dahil sa pagkikita niyo, may buhay na mabubuwis.'

Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko ang katagang sinabi ni Sir Albert.

As I was about to satiate my thirst to the sudden curiousness with the mysterious shadow lingering on my sight, a sudden knock on door interrupted.

"Anak? Gising ka pa ba?" boses iyon ni mama.

Dahil wala akong ganang kausapin ang kahit na sino sa kanila, at nagdaramdam pa rin ako sa sikretong bagay na tinatago nila sa'kin, pumaripas ako pabalik sa kama ko at nagtulog-tulugan.

Bumukas ang pinto at nadama ko ang mahihinang yabag niya palapit sa'kin. Naisip niya sigurong mahimbing na ang tulog ko.

Marahang dumampi ang labi ni mama sa gilid ng sentido ko at ilang sandali pa ay lumabas na siya ng silid.

Babalakin ko pang silipin ang aninong sa tingin ko'y hindi isang guni-guni pero mas nangingibabaw na ang antok ko kaya nagpaubaya na'ko at dapat sana'y isang pagkukunwari lang ay tunay na akong nakatulog.

***

Pilipinas, 1893

Abala kong pinagmamasdan ang naggagandahang makukulay na bulaklak sa hardin ng aming bahay sa tapat ng mansyon nang magawi ang paningin ko sa pamilyar na itsura sa pinto.

Lumapit ako upang silayan iyon. "Ano po'ng sa inyo?"

"Magandang tanghali, Binibining Rosa."

"Pasok ka. Sino ho ang hinahanap niyo?" tanong ko.

Mababanaag ang pag-aalinlangan sa mukha niya. "Hindi na rin ako magtatagal, binibini. May nais lang ipabatid na mensahe si Don Sebastian."

Ngayon ko lang napagtanto, siya ang kawaning bumulong kay Don Sebastian nang nasa hapag kami at kumakain.

"Si ama ay abala pa sa kaniyang silid-opisina. Kung maaari, ako na lang ang maghahatid ng sulat," suhestiyon ko pa.

Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang-isip kung ibibigay niya ba sa'kin. Wala na rin siyang nagawa at binigay na iyon sa'kin ng may pagkabalisa. Sakay ng kaniyang kalesa, lumisan na siya at nawala na ang bakas ng iniwan niya.

Sandali namang nagbago ang ihip ng hangin at parang nabagabag ako sa sulat na ipinahatid ni Don Sebastian. Para bang kinutuban ako at may nag-uudyok na basahin ko iyon.

Luminga ako sa paligid upang siguraduhing ako lang ang tao. Ang mga katulong ay nag-siyesta sa kani-kaniyang silid.

Ilang sandali pa ay binuklat ko iyon at binasa.

Her Karmic FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang