Kabanata 4

328 125 24
                                    

Kabanata 4

Escape

Sabay naming tinutungtong ang aming mga paa sa paghakbang sa bawat hagdan papasok ng headquarters nila. Sa labas ay mapapansin mo ang mga sundalong nagsasanay, maliit na grupo lang iyon at mukhang break time nga nila ngunit puspusan pa rin sila sa mga drills and training.

Malaking field ng semento ang papag no'n. Mabuhangin bungsod ng alikabok sa tuwina'y iihip ang hangin ng malakas ay magmimitya ng maliit na hamog ngunit bakas sa mga sundalo ang blankong eskpresyon na tila sanay na sa sabak ng buhangin na tumatama sa kanila.

They are prim and proper in their posture. Determined and competitive.

Sa gilid ng napakalaking field nila ay masukal na kagubatan. Nagsasayawan ang mga puno dahil sa malamyos na ihip ng hanging may dalang init galing sa sikat ng araw.

I love the view. I love the ambiance. I just can't help but appreciate the loveliness of this place.

Apollo's head cocked in my direction with curiosity and worry. "What are you thinking?"

Ngumiti ako. "Wala naman,"

Pinagpatuloy na namin ang pag-akyat sa hagdan patungo sa loob ng headquarters. He comes up and grabs me from behind, making me feel his warmest calloused hand on my back. Napaigtad ako, halos itingkayad ko na ang sarili ko sa halu-halong nadarama habang nakalapat ang kamay niya sa likod ko.

Nang makapasok ay bumungad sa'min ang mga mesa at upuan, sa kabilang panig ay may mga pumipila upang makakuha ng pagkain. Their canteen, perhaps. Malaki ang silid ng cafeteria nila at halu-halo ang boses sa loob. 

Kahit pa canteen 'yun ay para bang nasa loob ako ng prestihiyosong unibersidad. Ang malaking pader ay napapagitan ng transparent glass. Kitang-kita ang kabuuan sa labas. Kapag kakain ka ay dama mo ang sikat ng araw na magdadala ng magandang atmospera sa bawat subo mo ng pagkain. The interior designer was indeed a great.

"Naroon sila."

Umangat ang titig ko kay Apollo. Batid kong hinahanap niya ang mga kasamahan niya. By my hunch guess, group of people bid their wave towards Apollo. Puro kalalakihan iyon at habang lumalapit kami ay hindi ko maiwasang mailang ngunit nagtitiwala naman ako kay Apollo kaya patagong hinawakan ko ang dulo ng damit niya at sa hindi malamang dahilan ay nawala ang mumunting kaba sa puso ko.

I bit my lower lip as we stepped in front of their table. 

"Apollo, dito," turo ng lalaking pamilyar sa'kin. Isa yata siya sa mga kasama ni Apollo nang makiinom sila ng tubig sa bahay namin.

Umiling siya. "Magtatabi na lang kami," then he subtly pointed at my waist.

"Oh," tugon ng kausap niya habang lumilipat-lipat ang malisyosong tingin sa'min.

"Here." 

Iminuwestra ni Apollo sa'kin ang dalawang bakanteng upuan na magkatabi. Ang mesang iyon ay karugtong lang doon sa mga kasamahan niya na abalang nagkukuwentuhan, mukhang hindi pa namamalayan ang pagdating namin ni Apollo.

"Kukuha lang ako ng pagkain. What do you want to eat?"

Napaisip ako. "Kung ano na lang din 'yung sa'yo, iyon na lang din ang akin."

Hindi ko rin naman alam ang mga menu rito and hindi naman ako pihikan. I just had a glanced lately of their food and nagutom ulit ako.

"Hmm.. ok, wait me here."

Although, nag-umagahan na'ko kaya lang hindi naman ako ganoong nabusog dahil kaunti lang ang nakain ko. Dad's been in his usual demeanor kaya kanina ay nawalan ako ng gana. 

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon