Kabanata 19

150 44 2
                                    

Kabanata 19

His Embrace

"Naniniwala ka ba sa Reincarnaton?" tuloy niya.

Napatulala ako sa kawalan. Mula sa isang salitang binigkas ni Elen ay naglaro ang isipan ko sa napakaraming ideya patungkol sa salitang 'yon.

"Ang reinkarnasyon na nangangahulugang "maging laman uli", ay ang paniniwala na ang pagkamatay ng katawan, ay muling bumabalik sa lupa sa ibang katawan. Ayon sa paniniwala, isang bagong ang nabubuo sa bawat buhay sa mundo, subalit ang kaluluwa ay nananatili sa mga pabago-bagong buhay. Na ang buhay daw natin ay parang isang siklo lang. Paulit-ulit na nangyayari at walang humpay sa paguulit-ulit ng pangyayari. Na kakambal ng tadhana ang reinkarnasyon na kung ang tadhana ay ang nagtatakda ng dapat mangyari, ang reinkarnasyon naman daw ay itinakda nang mangyari ang dapat mangyari dahil ang buhay ay isang siklo lang at hindi mo na mababago pa."

"S-sino ka ba talaga?" I asked trying not to be desperate in tone.

He sighed deeply. Even his breath was manly and baritone.

"Hindi pa ito ang tamang oras para malaman kung sino ako."

He stopped by a moment and continued.

"Sabihin na lang nating nahanap na muli kita na matagal ipinagkait sa'tin ng tadhana."

Kahit pa sa hindi inaasahang pangyayaring sa gitna nang pagdaan ng kalungkutan sa gabi ko ay makakatagpo ako ng isang lalaking kahit pa ngayon lang kami nagkita ay parang matagal ko nang naramdaman ang pag-iba ng tibok ng puso ko.

Nakadama ako ng kalinga sa gitna ng mainit niyang yakap habang inaalo ko. Nagpa-ubaya ako sa kaniya hanggang sa hindi ko na lang namamalayan na nagiging komportable na ako sa mga bisig niya at nakakadama ng antok. Bago ko pa man iangat ang ulo ko upang makilala ang lalaking iyon ay...

Napabalikwas ako mula sa mahimlay na pagkakatulog.

"Celestina deserves to know the truth," sigaw ng boses ni mama mula sa sala.

"Not now, Rebecca. Hindi hanggang sa naisasagawa ko na ang matagal ng plano," sambit ni ama.

Dinig na dinig ang pagtatalo nila mula sa ibaba. Pinakatitigan ko ang oras sa side table ko.

4:30 am pa lang pala. Ang aga naman nang pagbabangayan nila. Teka, natulog ba sila?

"H-hindi ko na kaya. Nakokonsensiya na'ko, Rico!"

Dinala na ako ng mga paa ko pababa ng hagdan habang dahan-dahang humakbang at sinisikap na hindi nila matunugan ang pakikinig ko sa kanila. May bagay silang tinatago sa'kin at lumulukso ang dugo kong malaman ang bagay na'yon.

May kinalaman ba'to sa mga panaginip ko?

... O baka sa bias na pakikitungo nila sa'kin?

Bewildered by my thoughts, I managed to stomp my feet without making any slightest noise. Madaling- araw pa lang ngayon at makapal ang katahimikan na tanging bangayan lang nila ang maririnig.

"Not you, Becca. Hindi ikaw ang haharang sa mga plano ko," sabad ni papa sa mahabang katahimikan.

"Basta, Rico, I didn't say I haven't warned you. Kapag pumalpak ka sa plano ay maaaring ikasira ito ng buhay nating lahat!"

Naramdaman ko ang mga yabag ni mama palapit sa hagdan. Kagat-labing pumaripas ako nang takbo paakyat muli at sinasabayan ang mga hakbang ni mama para hindi niya mahalata.

Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay habol-habol ko ang hininga ko. Napasandal ako sa pinto at dahan-dahang sumalampak ang pang-upo ko sa malamig na sahig.

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon