Kabanata 13

196 69 14
                                    

Kabanata 13

Huling Sandali

Pilipinas, 2020

Ala-una ng madaling araw.

Hindi pa rin naiibsan ang mga luha ko sa pagpatak. Samahan pa ng malakas na ulan na tila nakikidalamhati sa nararamdaman ko ngayon. Hindi pa'rin maialis sa isip ko ang eksena habang nakikita ng dalawang mata ko ang lalaking mahal ko ay mahal ang best friend ko. Like some cliched story where a guy fell for a girl who's a friend with the protagonist. Pero hindi e, we're living in a reality and this is reality, this occasionally happens.

I just felt so drained... physically and emotionally.

Pagod na'ko sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko. 

Pagod na ako.

Pagod na pagod na.

Why was love been this complicated? Ako dapat 'yun e. I should be the one caged in his arms. I should be the one felt his warm love. I should be...

Mas lalo pa akong napahagulgol. Tinakpan ko na ng dalawang palad ko ang mukha ko baka lumabas pa ang ingay sa kuwarto ko. I don't have the energy to entertain my parents, answering their question why was I mourning in the dawn.

Yet I question myself, why was I mourning? Hindi dapat ako nagluluksa dahil sa isang lalaki. Masaya na siya roon at una pa lang alam ko nang hindi ako. Bakit ba hindi magawang maturuan ang puso ko ng tama?

But some wise men said that people do stupid things for love... I guess this one's mine.

Kaya nga nasa ibabaw ang utak. Ito dapat ang pinapagana sa lahat. Loving costs you emotionally but you should be rational at the same time.

Dahil ano ba ang sinasabi ng puso? Kung ano ang nagpapasaya sa'yo. Walang pinipili ang puso na isang bagay na kapag napasayo ay hindi ka sasaya. But there are precautionary measures that not all things fall in your place. Nandiyan ang utak mo na magsasabi kung ano ang tama at nararapat. Our brain saves the heart for pain yet the heart is crazily stubborn. Susuongin lahat ng tinik at sakit para lang sa minamahal, but sometimes love just ain't enough.

Gusto ko na lang matapos ang gabing ito at matulog sandali upang takasan ang reyalidad. True to words, matapos ang pagdanak ng luha ko ay napagod rin ako at kusang dinaloy ng antok.

Month of August.

Nandiyan ang mga tradition ng Princeton University kagaya ng balagtasan, debate, poster making contest at inter-school quiz bee competition sa larangan ng iba't ibang subjects kagaya ng History, Math, Science, and English. Filipino goes with History na but solely focused about the origin of the country.

Bawat professor na pumapasok sa'min ay naghahanap na ng mga contestant each department. As far as I know, ang English department ay nakuha ng isa kong kaklase. She's just so incredible by her peculiar vocabulary and extensive knowledge about the English matter itself.

"Sir Albert, si Celestina po magaling sa History," sambit ng isa  kong kaklase na hindi ko kilala ang pangalan.

Lahat naman ng atensiyon ay napako sa'kin. Ano namang kinalaman ko diyan? Admittedly, I often aced the written tests given by Sir Albert pero wala naman akong balak sumali sa mga ganiyan! That wastes a lot of time!

Now, everybody's waiting for my answer. Para akong nasalang sa hot seat. 

"Eh?" I wanted to disagree! There's no way I would be joining the contest! 

"Ms. Concepcion, come to my office." 

In a snap, wala na akong nagawa. Hindi ko alam kung bakit napa-oo na lang ako sa lahat ng mga sinasabi niya. He's just good at convincing, nauto tuloy ako! Paglabas ng faculty office ng History Department ay mabigat ang balikat ko habang naglalakad. 

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now