Kabanata 10

246 94 19
                                    

Kabanata 10

Unrequited Love

Lumipas ang nakaraang linggo ay nananariwa pa'rin ang kakaibang pangyayari sa buhay ko. Paulit-ulit na nagpapahiwatig ang kakaibang panaginip na naglalaro sa isipan ko gabi-gabi. Paulit-ulit na senaryo. 

Mabuti na lamang at matapos ang pagpapakilala ni Sir Albert noong first day of class ay hindi pa ko pa ito nami-meet. Monday, Wednesday and Friday ko lamang siya makikita kapag unang klase at Tuesday and Thursday naman ay papalitan ito ng Practical Research 1 namin. Wednesday ang unang klase namin at iyon pa lang ang unang pagkikita namin dahil naging nagpa-late talaga ako noong friday. 

At iyon nga't linggo ang nakalipas ay hindi ko talaga magawang titigan sa mata si Sir Albert dahil sa paulit-ulit na pagsikdo ng puso ko. Buong klase niya ay nakayuko lang ako o 'di kaya haharap sa bintana. Parang pilit bumabagabag sa puso ko ang eye patch niyang may tatak na kakaibang simbolong pamilyar na pamilyar sa'kin.

Lunch time na namin ngayon at may tatlong oras kaming break time. Ang isang oras kasi ay kanina pang last subject at hindi naman pumasok ang prof namin sa Creative Industries. Naka-tambay ako ngayon sa college library habang nagii-sketch para sa ipapasa kong painting sa recommended art gallery sa'kin. 

Magandang tambayan ang library, mabuti't nahanap ko ang spot na ito habang naglilibut-libot ako. Wala rin naman akong kausap and hindi ako mahilig maki-sosyo sa mga tao so I don't mind having business alone.

Sa kalagitnaan ng pagii-sketch na tanging pagkaskas lamang ng lapis sa drawing book ko ang maririnig, napuno ng ingay ang paligid sa pag-vibrate ng cellphone ko. Napatingin ako sa paligid at lahat nang nagbabasasa ay napako ang tingin sa'kin habang ang masungit na librarian ay pinapatay na ako sa talim ng tingin.

Kagat-labi kong tinignan kung kanino galing ang message na'yon. It's from Apollo. Ito na naman ang pagkabog ng dibdib ko kahit mababasa ko pa lang ang message niya. Nitong mga nakaraang linggo rin ay hindi ko na siya nakikita. Mabuti na rin 'yon dahil wala namang patutunguhan ngunit eto na naman siya't binabagabag ang nananahimik kong buhay.

'Where are you?'

Importante ba'ng malaman niya kung nasaan ako? Diba mas masaya na siya kay Elen? Madalas ko na nga rin silang nakikitang lumalabas. Madalas din nagkukuwento si Elen sa'kin ng kanilang happy moments. Puwede bang makalayo na ako sa sakit kahit man lang ngayon? Dahil ang pagkikita o ultimong pagbasa lang ng text mula kay Apollo ay unti-unting nabubuhay ang napupulos na kandilang matagal na dapat patay.

'Why aren't you answering?'

Muling pagba-vibrate ng phone ko pero mabuti't naagapan ko nang i-silent iyon upang hindi na mag-cause ng attention sa paligid. I really hate that. Nai-imagine ko na naman ang pagkunot ng makakapal na kilay niya at pagtiim ng bagang niya maging ang paglisik ng mga mata niya sa tuwing nagkakatampuhan kami. Ayaw na ayaw niya kasi ng hindi ko siya pinapansin, nilalambing niya 'ko, sinusuyo---TEKA NGA?! Akala ko ba magmo-move on na, Celestina?!

Muling tumunog ang cellphone ko pero hindi na galing sa text kundi tawag na at galing sa number ni Apollo!

In-end call ko kaagad at nagtipa ng mensahe sa kaniya.

'Wag ka tumawag, nasa library ako'

Ilang sandali pa'y nagreply na siya.

'Nakakatampo naman, bakit hindi mo sinasagot ang mga replies ko?'

'I'm sorry'

Iyon na lang ang nasabi ko. Nagpatuloy na ako sa pagii-sketch at hindi na pinahaba ang usapan. Huminga ako ng malalim upang maibsan ang kaunting pagbigat ng dibdib ko. Ilang sandali ay naka-dama ako ng pagdilim sa ginagawa ko dahil sa malaking bulto sa likod ko. Tinitigan ko ang nasa likuran at siyang pag-awang ng bibig ko at pagbilis ng tibok ng puso ko na parang tumakbo ng sampung milyang layo.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now