Kabanata 3

389 129 17
                                    

Kabanata 3

Dream

Sino bang naniniwala sa karma?

Sino bang takot sa karma?

Lahat tayo ay may kani-kaniyang paniniwala pero ang isang pinanghahawakan ng sarili ko— nothing happens by chance, by fate. You create your own fate and the result of your actions being judged by what you deserved. That's karma.

Ang buhay ay parang isang boomerang. What you give is what you get.

Pero 'di ba dapat mangamba ang lahat na kapag gumawa sila ng pagkakamali o kasalanan ay magsukli iyon ng doble at mabigat kabayaran.

But not all mistakes are made by malicious intentions.

Lahat naman ay may rason. Kahit ang pagkakamaling nagagawa ng isang tao ay may rason.

Ngunit ano ang sabi ng karma? Ang lahat ay may limitasyon. Ang lahat ay may hangganan.

When bird is alive, it eats ants. But when bird has died, the ants eat it. One tree can make a millions of matchsticks but it takes one matchstick to burn a million trees. Circumstances can change at any time. Don't devalue or hurt anyone in this life... you may be powerful today but time is more powerful than you.

Maaaring pagdusahan mo ang lahat sa nalalabing buhay mo sa mundo... o kaya'y abutin ng kabilang buhay para pagdusahan 'yun. Reincarnation kung tukuyin nila.

At mas mabigat na pataw 'yun.

"Rosa" tawag ng boses sa kung saan man.

Napalingon ako. Kahit hindi ko pangalan 'yon ay lumingon ako. Parang may nag-uudyok sa'kin na bigyang-pansin ang tumawag sa'king Rosa.

Para bang napaka-pamilyar na pangyayari at nasa normal na buhay lang ako.

Ngunit malayo sa buhay na kinagisnan ko. Anong lugar ito? Nasa gitna ako ng palapag ng hagdanan. Makikita ang kabuuan ng bahay sa baba.

May nagniningning na chandeliers ang nakasabit sa ibabaw ng sala. Malaki 'yun at magarbo ang disenyo. Gargoyles fitted above the prestigious Ionian pillars. Everything is too vague to describe. I cannot put it into words.  This is way FAR in the definition of Mediterranean interior style of our house.

Compared to this, para bang nasa sinaunang panahon ako.

Suot ang bestidang pang-filipiñana na sumasayad sa sahig ay sinikap kong hanapin ang boses ng tumawag sa pangalan ko.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan upang tunguhin ang labas at hanapin ang boses na lumulukob sa kalooban ng bahay. Hawak-hawak ang palda ng suot-suot ko ay sinuong ko ang labas.

"Rosa,"

Tila ba pinaglalaruan ako ng boses na 'yun pagka't ang boses na 'yun ay parang nasa tabi ko lang ngunit ang hirap hanapin. Nasa hangin lamang ang himig no'n at nananatiling abstrak.

Nilinga ko ang buong paligid at nakita ko ay dalawang bulto ng isang babae at lalaki na magkadikit ang noo. Para bang napakatamis ng sandaling 'yun para sa kanila. Para bang sa mundong ginagalawan nila ay sila lang dalawa— masaya at hindi iniisip ang magulong mundo.

Sa likod no'n ay kulay lilang kalangitan sa pag-aagaw ng kadiliman at sikat ng araw. Nababalutan ng pulang ulap na nagpaganda sa tanawin.

Sa halip na makadama ng kapayapaan sa lugar ay dumakong muli ang mga mata ko sa dalawang taong ngayo'y naglapat na ang mga labi. Malabo ang nakikita ko, wala silang mukha.

Pero kahit pa gano'n ay para bang biglang may sumaksak na libu-libong karayom sa dibdib ko sa literal na sakit na nadarama ko. Napahawak ako ibabaw ng dibdib ko at naikuyom ang mga palad upang mapunta ro'n ang presyur na nadarama ng pisikal na sakit.

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon