Chapter 48

4.1K 249 113
                                    

'Tama na K baka mapasugod ako sa bahay ni Edward ng wala sa oras.'

'E di mas mabuti at para ipaalam mo na rin sa kanya ang kalagayan mo. Life is too short TeMay to spend it holding back... to spend it in ways na ikaw ang mahihirapan. At ang mga anak mo. Edward chose you, why not give him a chance? Because of Celestine?'

'Yes.'

'I get it that you feel and care for Celestine but hey Edward can father her even if he's with you and JD and Little.... Little Kisses---'

'Who's Little Kisses?'

'Ang baby sa tiyan mo. Wala pang pangalan e, so Lil Kisses muna.'

'Baliw!'

'Mababaliw ka talaga sa akin dahil ipipilit ko sa iyong bigyan mo naman ng kalayaan at kaligayahan ang sarili mo.'

'Paano si CJ?'

'Take it this way TeMay. JD came out of this world because of love. CJ on the other hand... because of... plain friendship.'

'What? He doesn't love me K? And plain friendship between Heaven and Edward? Impossible!'

'Hey, pwede bang iset-aside muna ang selos diyan. Kung love niya si Heaven, he could've given his sperm through intercourse. Pero wala. Wala. It was pure help TeMay. And the question is tanggap mo ba si CJ?'

'Walang kasalanan si CJ kaya ayaw ko siyang masaktan.'

'At wala ring kasalanan ang mga anak mo kaya huwag mo rin silang saktan sa kakaitsos mo. At sa tingin mo magsasama si Heaven at CJ sa iisang bubong?'

'Malay ko.'

'Ang sabihin mo malayong mangyari iyon. Dahil ikaw ang mahal niya. Kung maamin mo iyan sa sarili mo, maging madali na lang ang lahat.'

'Sabing hindi niya ako mahal.'

'Ang kuliiiiiit. Matulog ka na nga para makapagpahinga ka na at nang maisip mo rin kung gaano ka kagaga.' Sabay tayo at iniwan ako.

'Kisses...' Dumiretso ito sa kwarto niya at hindi na lumingon pa. 'Kisses lumabas ka diyan, maaga pa. Alas nuwebe pa huyyyy!!!'

Deadma talaga. Pumasok na rin ako sa kwarto at nagbihis para matulog.

Fifteen minutes nang nakadantay ang likod ko sa bed pero di talaga ako makatulog. Grabe si Kissses kung makapagbitiw ng salita, tagos sa laman. Antok, dalawin mo ako! I need beauty rest dahil may rampa pa ako bukas.

After fifteen minutes, wala pa rin. Thus, I decided to mend my broken heart... este, get sleep by granting my heart its acute need... see Edward... and see if we can start all over again. I think K is right about deep-sixed and clean slate thingies. Kung hindi ko kasi gagawin ngayon baka maubusan na ako ng lakas ng loob gawin ulit. So, it's now or never.

Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si K na naghihigop ng kape base sa amoy nito. Mabuti na rin at hindi na ako kakatok pa.

'K, labas ako saglit. Tulog na si JD. Kung magising man, tawagan mo ako agad. Pwede?'

'Sure. Anong gagawin mo sa labas?'

'Bibili lang ako ng test kit ulit.' A lame excuse I know.

'Meron pa akong extra---' Sabi ko na nga ba. Waley ng excuse ko.

'Gamitin mo na lang iyon para sa iyo. May bibilhin pa rin kasi akong iba.'

'Okay.' Tipid niyang sagot kaya napahakbang na ako palabas. 'Te May...' She intentionally cut it off para mapalingon ako sa kanya. So I did. 'Save everything while you still can, while Edward can. You're turning 28 this coming May right?' I simply answered her with a nod. 'If you're lucky enough to reach 50, then you only have less than your age right now to spend your lifetime with Edward, JD and Lil Kisses.' Baliw talaga 'to, am not good at matikmatik. Pero bakit 50 lang?

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now