Chapter 25 (first part)

4.6K 218 121
                                    

A/N Short lang po ito... Please play the song inserted, Sino Nga Ba Siya by Sarah Geronimo.

Ang pagtangkang katukin sana si Edward sa kwarto niya ay hindi ko naituloy matapos marinig ang hikbi niya. Kahit na hikbi lang ay grabe ang kirot na dulot noon sa dibdib ko. Shet! Ba't ako nasasaktan? Tumuloy ako sa kwarto ni JD at pagdating ng alas diyes y medya ay bumaba ako para magluto ng tanghalian. Nakita kong may beef, taiwan pechay at egg noodles kaya nagluto ako ng beef noodles. Hinintay ko siyang bumaba for lunch pero wala. After lunch ay pumanhik ako sa kwarto ni JD at bumaba ulit nang kinuha ko ito sa school. Tinanong ko si Ate Loreng kung bumaba ba si Edward, bumaba naman daw ito at kumain. Sana nasarapan siya sa beef noodles ko.

Pagdating namin ni JD sa bahay after ko siyang masundo ay hinanap niya kaagad ang Papa niya nang makita niya na kumpleto ang sasakyan sa garahe. Sinabihan ko na lang na may tinapos pang report, buti na lang di na ito nagpumilit pa. After ko siyang bihisan ay nagluto agad ako ng hapunan. As usual di naman sumabay si Edward sa amin. Hmmmp, siya pa ang may ganang magtampo e ako itong sinaktan niya ng ilang beses.

Nang matapos namin ang assignment ni JD ay natulog na agad ang anak ko. Humiga din naman ako pero ayaw akong dalawin ng antok. Nagtataka talaga ako kung bakit siya umiyak e kung makakapit nga iyong Ventot niya parang ahas lang. Katukin ko kaya siya? Hmmm.... Ayyy, huwag na. Makaligo na nga lang sa pool... ayyyy, huwag na rin.

Nakatulog na lang na ako na di nawalay sa isip ko kung paano ko lalapitan si Edward.

Kinaumagahan...

Nasa hapag kainan na kami ni JD pero si Edward wala pa din... Nakakapikon na ahhhh!

'Nak subo ka na. Huwag na natin hintayin ang Papa mo baka may tinapos pa e.'

'Okay Ma....'

Pero nakita ko sa peripheral vision ang paglabas ni Edward sa kwarto niya at pagbaba niya ng hagdan...

'Andiyan na pala Papa mo..'

'Good morning son.' sabay halik sa anak ko. Kita ko ang mugto niyang mata.

'No kiss for Mama?' tanong ng anak ko.

Salamat baby koooooo!!!!!

Tumayo lang ito at bumuntong hininga..... ng malalim... sobrang lalim. Humakbang naman siya pero parang may nakakapit na hollow block sa paa niya dahil parang nabibigatan ito.

'Ah okay lang, walang kiss. Sanay na ako.' sambit ko naman.

Pero humalik pa rin siya....... sa ulo ko. Di sana aantig ang puso ko pero hinawakan niya kasi ito sabay halik.

Shet, my heart!!!

Umupo siya sa usual niyang upuan pero di ako gawang tingnan.

'Gusto mong magkape?' tanong ko sa kanya.

'Ako na....' tumayo ito at nagtimpla.

Nag-iinarte na naman. Ang sarap sapakin.

Busy na kami ni JD sa pagsubo... at siya ay humihigop lang ng kape gamit ang kaliwa niyang kamay. Nang sumubo ito ng pagkain ay gamit pa rin ang kaliwa niyang kamay.

Ayaw niya 'atang ipakita ang kanang kamay niya. Alam ko na... iyon ang ginamit niyang panuntok kahapon.

Nang matapos kami ng agahan ay tumayo ito at dumiretso sa labas.

'Edward...' tawag ko sa kanya.

Lumingon naman ito.

'Pakita ng kamay mo...' I asked him.

'Huwag na.'

'Sige na... para magamot ko bago ka pumasok.'

'I'm fine.' sabay talikod.

Nakakabwiset na siya ah... Parang babae kung susuyuin, mas matindi pa nga.

Nasa sasakyan na kami... nang nasilayan ko ang kamay niyang may pasa nga. Grabe ang pamumula. Nainis tuloy ako. Ayaw man lang magpagamot sa akin.

Nang pababa na kami ay humalik muna si JD sa Papa niya kaya nakita nito ang kamay niyang may pasa.

'What happened to your hand Papa.' tanong nito.

'I punched someone.'

'Who?'

'Your Mama's suitor...'

'Edward...' saway ko kaagad sa kanya. Umulbo tuloy balakubak ko.

'Isn't Papa not enough Ma?' tanong naman ng anak ko.

'No baby... your Papa's overthinking. Tara na. Baba na tayo.'

Bumaba nga kami pero grabe ang galit ko... iyong dugo ko umabot hanggang dulo ng buhok ko. Buti na lang hindi ako highblood. Mamaya ka sa akin Edwardo.

Ang sakit talaga sa dibdib... walong taon siyang nawala pero ni minsan di ko siya siniraan sa anak ko, ngayon, sinabi talagang may suitor ako.

GRRRRRRRRR!!! Parang makakapatay ako ng tao sa galit ko.

Pagkatapos kong mahatid si JD sa room niya ay di ko na nakuhang makipagchika kina Kaishy at Aly G, lumabas na ako diretso at nag-abang ng taxi. Buti na lang nakasakay ako kaagad.

Pagdating ko ng building ay diretso ako ng elevator at pinindot ang 18th floor kung saan naroroon ang office ni Edward.

Pagbaba ko ng elavator ay inaasahan kong mabungaran ko si Heaven pero wala ito.... at nawala rin ang mesa niya. Nagresign na kaya siya?

Kakatok na sana ako ng marinig ko ang boses ni Edward...."Dammmnnn.... Fvck"

Biglang nanlumo ang katawan ko... Posible kayang? Shet!!!

I decided na uuwi na lang kaya napahakbang ako paaatras. Tumalikod ako at walang lakas ang katawan kong tinunton ang elevator.... ngunit hinatak ang paa ko pabalik at pagdating ko ng pinto ay binuksan ko agad ito.

I saw Heaven on her mini skirt sitting on Edward's table habang ang kanang kamay ni Edward ay nasa lap niya at ginagamot ito.... na may paihip-ihip pang nalalaman.

Mga walang hiya, di ba?

'Ow! Sorry, nadisturbo ko 'ata kayo.'

'May?'- Edward 'Te May?' - Heaven

Parang silang dalawa pa 'ata ang na-surprise. Pinasadahan ko ng tingin ang office niya at nakita ko ang table ni Heaven sa loob.

'Ituloy niyo lang iyan... Uuwi na rin ako. Bye.' sabay sara ng pinto at humakbang ng mabilis.

A/N I'll update the soonest... Ito na lang po muna.

Love you guys.








OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now