Chapter 18

4.9K 179 114
                                    

NOTE: Ngayon ko lang napuna, one week pa lang mula nang magkitang muli si Edward at Maymay pero umabot na ng 18 chapters. Parang naging teleserye tuloy ang format niya. Hahaha. Di ko alam kung paano i-cut. Any advice?

I know how lousy the story is so with the updates but one thing you'll get when this is all over..... you'll master patience-stretching. Happy outfoxed everyone!

~~~~~~~~~~

Tama ba ang dinig ko? Mom and Dad ang tawag ni H kay Tita Cathy at Tito Kev?

Oooorrrr, nabingi lang ako?

Nabingi lang siguro ako.

Nakipagbeso siya sa lahat pati sa akin at sa mga Mama ko.

Pagkakita niya sa anak ko….

‘Hello little boy. Such a cutieeee!!! Kamukhang-kamukha ni Edward?’ yeah, inlab kasi ako sa Papa niyan. ‘May anak ka na pala Ate Laura?’ Whaat!!! Nananadya ba siya? Ang sarap tusukin ng bbq stick.

‘My mama is Mama Maymay.’ sagot ng anak ko. Ang talino lang di ba? May pinagmanahan.

Nakita ko kung paano nagbubulungan at nagtitinginan ang mga alipores niya.

‘Ohhhh, ba’t kamukha siya ni Edward?’ parang aligaga siyang nakatingin sa kung sino sa amin.

‘He’s my son Heaven.’ ohhh, i love you so much Edward.

‘Really???’ Bakit? Hindi pwede? Imposible ba talaga? ‘How old are you baby boy?’ tanong niya sa anak ko.

‘I’ll be seven this coming May.’

‘Ohhh…’ wait..wait… bakit may pabilang-bilang siya sa kanyang daliri? ‘...the roller coaster and… oh I remember.’ ang walanghiya pinahiya talaga ako.

START OF FLASHBACK

‘O Te May saan ka galing ba’t may tuyong dahon diyan sa pants mo?’ pansin ni Kristine sa pants ko.

Shocks!!! Huli si ako!

‘Huh, saan?’ iniliyad ko ang aking katawan para makita ang nakita nila sa likod ko. Mayro’n nga.

‘Wait, at may tagos ka Te May.’ pansin naman ni Kisses.

‘Ahhh, nadapa kasi ako doon at napagulong-gulong.’ wala akong ibang naisip e.

‘Roller coaster lang Te May? Hahahaha.’ sabad naman ni Heaven

‘Oo, sobra pa sa roller coaster e.’

END OF FLASHBACK

Nahihiya talaga ako sobra. Mabuti na lang at nasa tapat ako sa nag-uusok na bbq kaya hindi halata ang pag-iba ng kulay ng pisngi ko. At buti rin lang hindi niya na isiniwalat ang dugo…. dahil matutusok ko talaga siya ng bbq stick.

‘Edward samahan mo naman kami oh…’ Bushet!!! Sumusobra na siya..... At si Edward, di man lang tumingin sa akin. ‘Ate May, pasama lang kami ni Edward. Wala kasing magpipicture sa amin e.’

‘Siya…’

‘Let’s go.’ putol ni Edward sa sasabihin ko.

Aray! Gusto ko sanang sabihing “siya ang bahala” pero hindi talaga hinintay matapos ako.

‘You wanna come with us? What’s your name nga pala little boy?’ baling niya sa anak ko.

‘I’m John Dale Entrata but you can call me JD po.’

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now