Chapter 21

4.7K 245 137
                                    

A/N I think this is the shortest chapter... pero dahil sa mga kuliters (mga mylabs kong readers), nagawa kong ipost ito.

Happy OUTFOXED reading babies!!!

Namilog bigla ang mga mata ko at paglingon ko kay Quen ay ganun din siya…. pero ang mga labi niya'y nagbabadyang tumawa.

At dahil di na niya napigilan….tumawa nga siya.

Pero ako? Di ko alam kung anong nararamdaman ko.

MASAYA? Dahil sa pagkakaalam ko nasa office lang siya madalas dahil siya nga ang nag-manage ng POSA. Di kaya… hmmmnn… siya ang nagpipiloto ngayon dahil naalala niyang flight namin ni Quen ngayon? Ayokong mag-assume pero iyon ang naisip ko. Na eepal na naman siya sa lakad namin ni Quen….dahil... dahil…. nagseselos siya?

KABA? Dahil posibleng may balak na naman siyang gulatin ako sa mga moves niya.

LUNGKOT? Dahil hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ang mga bagay na lalong nagpapahulog ng loob ko sa kanya.

‘....... Once again thank you for choosing Pearl of the Orient Seas Airlines. Now, sit back. Relax. And enjoy the flight.’ as Edward ended his speech.

Paano ako makapagrelax nito kung andyan lang pala siya sa harap ng eroplano? I haven’t seen him in pilot uniform maliban nung sa PBB house.. Ano kaya porma niya ngayon? Ang daming na-fall sa porma niya noon, sigurado akong mas lalong hihigit pa ngayon. Ayyy ewan!

‘MAY naisip mo ba naisip ko?’ putol ni Quen sa muni-muni ko.

‘Hindi ako si B2 Quen.’ tipid kong sagot sa kanya dahil aligaga talaga systema ko.

‘How about ituloy natin iyong nasimulan natin doon sa condo niyo ni Kisses.’

‘Alin dun?’ patay malisya kong sagot pero may hint na ako kung anong balak niya.

At bigla ba naman niya akong inakbayan. Wohhh!

‘Quen di naman niya tayo makita kaya kunin mo na ang kamay mo sa balikat ko.’ utos ko sa kanya.

‘One thing you should keep in mind May… never underestimate Edward John Barber. I have this feeling na nakita niya tayo kaya… play along.’

Hindi ko alam pero… natagpuan ko na lang ang sarili kong sumunod sa kanya. Isinandal ko ang aking ulo sa kilikili niya at sinamyo pa niya ito.

Loko talaga.

Masaya ang kwentuhan namin sa ganung posisyon… Pag si Quen talaga kasama mo sa aktingan, madadala ka. May papisil-pisil pang nalalaman sa ilong ko.

Ang weird pero I hoped too na makita kami ni Edward para kahit papaano makaganti man lang ng kahit konti. Nakakainis kaya ang di mapansin.

Gusto ko sanang umidlip pero dahil sa kakulitan ni Quen ay nadadala ako, hanggang sa nasali sa usapan ang sitwasyon ko…

‘Balik artista ka na lang…’ Quen suggested again.

‘Ayoko na. Ang gulo kasi sa showbiz… at saka madamay pa anak ko.’

‘Balik ka na lang muna sa condo niyo ni Kisses. Ako ang susuporta sa inyo ni JD hanggang sa makakita ka ng trabaho.’

‘Hala, grabe siya oh.’ na tiningnan ko talaga siya sa mata. ‘Alam mo, di ko pa rin matanto kung bakit biniyayaan ako ng isang kaibigang tulad mo… pero kahit napaka-tempting ng offer mo, di ko rin matatanggap.’

‘Why?’ he asked.

‘Una, alam na ni Kisses na nasa poder na kami ni Edward. Tinawagan ko kasi siya the other day at pinaalam na di na ako babalik sa condo namin. Nagdadrama pa nga iyon. May paiyak-iyak pang nalalaman. Tapos… ngayon babalik ako? Nahihiya ako. Pangalawa, ayokong abusuhin ang sobrang kabaitan mo. Baka magselos na si Maam Liza sa akin.’

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now