Chapter 24

6.3K 264 252
                                    

A/N Sirang-sira ang once-a-month UD sched ko dahil sa mga kuliters lalo na sa solid team MM na si AnnaBanana0405, SkrenggeCharLo @MDaleBarber(TA) @itsmekimmee01, LurkerAnonymous at sa nag-iisang pinaglaban si E, itsmealyg_.

Special mention also to gaildtorres. Salamat po sa matiyagang pagsubaybay.

At sa lahat na nag-aabang diyan, maraming salamat po.

~~~

06:00am flight namin ni Quen pabalik ng Maynila kaya alas kwatro pa lang, andito na kami sa airport. Probably mga 08:15 am na ako makarating ng bahay. Di ko na maabutan ang anak ko kaya tama lang na binilin ko kay Ate Loreng ang pag-aasikaso ni JD today pati ang paghatid nito sa school.

After sa scene kagabi umuwi din kami kaagad pero naubos ang bilib ko kay Quen nang nakiusap siya sa mga nag-cover ng event at mga tao doon na hindi ilabas sa social media ang nangyaring suntukan.

Sa totoo lang naawa talaga ako kay Quen. Nasabit tuloy siya sa gulo ng buhay ko. Kung wala siyang Liza, more than willing akong sungkitin siya. Naks!!! Feeling lang naman na kaya ko siyang sungkitin. E, napakaimposible naman.

Ito namang si Edward, kung makapagsinungaling din. Kailan ba niya ako naging asawa? Wala akong natandaang may pinirmahan akong papel o seremonya ng kasal namin. Ang tindi ng imahinasyon, dinaig pa si greenmeadow sa kabaliwan. May topak talaga, kaya napasubo si Quen na sabihing niligawan niya ako. At saka may pa i-hate-you-too-for-hurting-me pang nalalaman. Shete di ba? Ako na nga ang nasaktan sa pinagkakagawa niya. Pffffttttt!!!!! Bushak talaga ang baboy na iyon. Pero impernes ang gwapo niya kagabi. Noong pagpasok pa lang niya sa entrance last night, nagkagulo na ang hormones ko. Naglalaway na si bulaklak ko. Nag-uumapaw nga e. Basang-basa pero tigang. Ang weird di ba? Pero totoo. Pag naranasan niyong matanaw ang babe mo sa malayo na may nakalambiting iba, ay naku tigang is real talaga. Kagabi, kahit anong refill ng red wine... di talaga maibsan ang pagkatigang ko. Kung hindi niya dinala ang Ventot niya, e di sana nakapagsayaw kami ng theme song namin at saka pwede nang tuloy-tuloy di ba. Haist, palpak siya! Pati theme song, inagaw pa. "Isayaw-mo-ako-Edward", may pa ganorn pa e. Nakakainis. Sila na. Sila na ang pinagpala. Saan kaya nagcheck-in ang dalawang iyon kagabi? Magkasama kaya sila? Ginawa din ba nila ang aktibidades namin ni Edward in private? May pa-wet-tissue din kaya sila? Parang mabaliw na ako sa kakaisip. I really hate you Edward. Palagi mo na lang akong sinasaktan. Mas mabuti sigurong di na siya bumalik, payapa pa ang buhay ko. Di bale nang mangulila kaysa andyan naman pero parang wala rin. Iiyak na naman ba ako? Hindi. Dapat wala nang luhang papatak sa mga mata ko nang dahil sa isang Edward John Barber.

Tama, tama lang na aalis kami ni JD. Pero paano? Konti na lang ipon ko. May binabayaran pa akong AXA educational plan para sa anak ko. At ang mga lecheng kompanyang inaaplayan ko hanggang ngayon di pa ako tinawagan. Naisip ko tuloy baka kagagawan na naman ni Barber kung bakit ni isa wala man lang tumawag sa akin kahit for interview man lang. Hmmmmn, mag-apply na lang ako ng ibang trabaho. Babalik kaya ako sa pag-aartista? May kukuha naman siguro sa akin kahit sidekick ni Quen o di kaya katulong, o di kaya Nanay ni JJQ (Justine James Quilantang). Orrrr tatanggapin ko ang offer ni K na maging paralegal sa firm niya. Hayjusko! Nakakalito.

Hinatid ako ni Quen hanggang entrance ng bahay ni Edward. Niyaya ko siyang pumasok pero baka daw makarating pa kay Edward at kung ano pa ang gagawin. May iniingatan pa naman siyang imahe. Speaking of imahe, di talaga mawala ang inis ko pag mabungaran ko ang mukha ni Quen na namaga sa suntok ni Edwardo, lalo na ang ilong niya.

OUTFOXED (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon