Chapter 15

6.3K 260 94
                                    

*I have twitter account nga pala, @iamgreenmeadow . Sana ifollow niyo po at saka... huwag niyo rin kalimutan i-follow ang wattpad account ko ha. Maraming Salamat.*

Gosh! ang sama ng tingin niya sa akin!?! Ako pa ang masama ngayon? Dalawang strike kaya ang ginawa niya at isa lang sa akin. Kung makasimangot parang ako ang nang-uuna. Hmmmppp.

'Bleehhh' I tongued-out right through his face and quickly took strides so I could walk ahead.

Manigas ka Edward! Huwag kasi puro kalaswaan ang itatapon mong salita sa akin dahil naiimbyerna ang hormones ko. Ang lakas mampukaw ng aking mahal na libido, hindi naman pala kayang panindigan kapag pupukawin ko ang sa kanya. Hmmmppp. Kumusta na kaya ang hotdog niya ngayon? Panigurado akong kasing tigas na iyon ng narra tree. Tiisin mo dahil hindi ka nag-iisa.

At nang humabol ang loko at nasabayan niya ang hakbang ko.... at pinagdidiskitahan na naman ang ilong kong pango. Pero in fairness, like niya 'to. Hehehe. Lumabas na naman ang mannerism niya. Iyong biglang tatabunan niya ang butas ng ilong ko... kaya hinampas ko siya sabay dampi ng aking daliri sa bibig niya at sinimot ko ito...

'Shiit! Ang baho!' saway ko na parang nandidiri.

'Hindi kaya sa iyo 'yan?' tanong niya. 'Ninanamnam mo kaya ang bibig ko kanina.'

'Mabango ang sa akin nuh...' dinampi ko ang likod ng aking kamay sa bibig ko at dinilaan ito ng bahagya at inilapit ko sa ilong niya. 'Langhapin mo, di ba walang kaamoy-amoy?'

'I know. You smell like heaven.'

'Pwede ba huwag mong isali iyang babae mo. Kung ikumpara mo na man lang ako, doon na sa bulaklak... kahit na anong bulaklak, kahit utot-utot pa iyan... huwag lang sa Heaven mo.' galit na si ako.

'Hey, I didn't mean my girl. Look at the sky... it's that kind of heaven.'

'So inamin mo nga...' nakakainis... gusto ko pa sana ilabas ang galit ko ngunit narating na namin ang car kaya binuksan ko na lang ang door sa passenger's seat. Pag-upo ko ay siya namang pagbukas ng door sa driver's seat at nakangisi lang talaga. Gusto kong sapakin pero di ko magawa.

'What took you so long?' tanong ni Tita Cathy.

'I forgot my wallet Mom.' sagot naman ni Edward.

Aba, nakaisip agad ng sagot... parang pinaghandaan.

Kinakabahan ako dahil feeling ko uulanin kami ng mga tanong. But before I heard another question ay biglang trumiple ang kaba ko... bigla ba namang idinikit ang mukha niya sa mukha ko. Sheeete naman oh! napalanghap tuloy ako ng hangin. 'Your seatbelt babe.' sabi niya. Napakasexy naman ata ng pagkasambit nun kaya hindi ko mailabas-labas ang na-freeze kong hininga. Akala ko hahalikan niya ako... seatbelt lang pala.

'Pwaaaah' tunog ng....

Waaaaahhhhhhhhhhh!!! Shit! Itinuloy talaga niya ang halik... sa tungki nga lang ng ilong ko pero  shit kinilig pa rin ako.  Paano kumalma??? Kilig ko'y umabot hanggang balakubak. Leche, paano ko ilabas ang kilig ko, e, ang daming audience? Huhuhu. Nagsimula na siyang mag-drive pero hindi pa rin ako makakilos.  Lumabas na lang kami ng main gate ng subdivision pero ang kilig ko baist ay nanalaytay pa rin sa aking kalamnan.

Nang dahil sa halik na iyon, hindi na ako nakarinig pa ng kaakibat na tanong galing sa likod. Ginawa kaya niya iyon para wala nang magtatanong? Bad thoughts go away please! Kahit noon pa, strategist na talaga si Edward, kaya sumagi sa isip ko na baka pa-char-char lang niya iyon. Huhay!!! Ano kaya ang reaksiyon ng mga tao sa likod ko? Gusto kong lumingon pero hindi ko kaya dahil sigurado akong kitang-kita nila ang kilig na nararamdaman ko.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now