Chapter 42b

3.6K 222 341
                                    

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakuha ko pang ihakbang ang mga paa ko. Di ko talaga alam kung saan ako tutungo. As mother as I am, my steps guided me towards my son. Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat na nakatayo lang siya malapit sa kinatatayuan ko which gave me a better advantage to take few steps only before reaching his frame. Dahil kung nagkataong malayo siya, baka lugmok na ako bago ko pa maabot ang kinatatayuan niya. The disadvantge though was the possibility that he might heard everything, the fact that he has a sister he hadn't known.

Nang marating ko ang kinatatayuan niya, kaagad ko siyang niyakap.... ng mahigpit. Aside from the fact na siya ang pinagsilbi kong lifeline dahil feeling ko siya ang makahilom sa nararamdaman kong sugat, I too wanted badly to protect him from the all the cruelty of the world... of his father's poor choices, and it may be too hard to admit but of my own terrible mistake. Kung nasasaktan ako ngayon, mas nasasaktan ako para kay JD, at para na rin kay CJ. Sa lahat ng nangyayari ngayon, silang dalawa ang kailangan ng proteksiyon. Alam kong magawa nila iyon for CJ kaya gagawin ko rin sa abot ng aking kakayahan na maproteksiyonan ang aking John Dale.

From this moment baby, it'll be you and me. I'll be more stronger for both of us. Promise. I'll try not to cry. Let's show the world how tough we are.

Kahit na namumuo na ang luha sa mga mata ko, pilit ko itong pinigilan. Ayokong magmukhang kawawa lalo na at nasa paligid lang ang babaeng sumira ng lahat... na sadyang pinatulan naman ni Edward.

'K, can you drive us home.' Di ko matantiya kung saan nakatayo si Kisses pero dahil parang napalibutan na kami ng mga tao na di ko kayang tingnan sa mata, alam kong nasa malapit lang siya.

Hawak ko ang kamay ni JD na tinahak ang daan palabas.

'May, you don't have to do this?' I heard it from Edward.

At anong akala niya? May lakas pa akong sagutin siya? O sulyapan man lang? Buwiset siya!

'Mama, where are we going?' JD's voice.

'Sa malayo baby.'

'Can we bring Papa along?'

Napahinto ako... kaya yumuko ako at kinausap ko siya.

'Say goodbye to Papa now, okay?' Alam kong hindi kaya ng puso kong pagbawalan silang magkita. Ama pa rin niya si Edward magunaw man ang mundo.

Lumingon siya sa Papa niya. Hindi ko sinundan ang mata niya dahil ayaw kong maaninag man lang ang mata ni Edward. Dahil... baka matunaw lang ako at magmukha akong tanga na tanggapin siya sa kabila ng lahat.

The next thing I knew nilapitan ko si Heaven. Inabot ko ang kanyang libreng kamay, in fairness nakuha ko pa itong hablutin na wala man lang puwersa at ipinatong ko ang singsing na hinubad ko sa aking daliri on her palm.

'Sa iyo na iyan. May nagkamali kasing iabot iyan sa akin. Ipatunaw mo na lang at ipa-mold ulit para maging swak sa disenyo na gusto niyo. And since may anak din kayo, ipagpatuloy niyo na lang ang nasimulan niyo. Okay lang sa akin iyon kasi mula't sapul wala naman si Edward nung iniluwal ko si JD kaya sanay na kaming wala siya.'

Nakita ko ang balon ng luha sa mga mata niya.

'Ate May... patawarin mo ako. Mahal na mahal ko si Edward.' I felt her sincerity though.

'Nakita ko naman e... Alam kong nagmahal ka rin lang. Malas ko lang dahil iisa lang ang minahal natin pero nakayanan ko naman ang walong taon. At walang rason na hindi ko kakayanin ang darating pang taon. Masakit iyon, oo, pero ang maranasan mo ito at kasama ang munti niyong si CJ, mas nanaisin kong ako na lang ang magpatuloy dahil kaya ko. Oo, kaya ko.' muntik ng mabasag ang boses ko at ang luha ko'y muntik na ring traydurin ako.

'I'm sorry 'Te May. I'm really sorry.'

'Para sa akin iyang bulaklak di ba? Sa iyo na rin iyan, pabaon ko sa maligaya niyong pagsasama. Best Wishes!' sabay kong talikod, inabot ang kamay ni JD at humakbang na palabas.

I never treated goodbye as real goodbye. Not... until this very moment.

A/N I know it hurts guys... kaya inuunti-unti ko lang. Kayanin niyo dahil sa huli masasanay rin tayo.

OUTFOXED (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon