Chapter 13

6.4K 251 190
                                    


'No... dito ako matulog. Matagal na kaming hindi nagtabi nito.' na ginugulo ko pa ang buhok ni JD.

'Okay. I forgot what you just said in the entertainment room. Good night son.' And he kissed JD goodnight at lumabas na ng kwarto.

Hala, wala man lang akong kiss? Nasaan ang para sa akin? Ano nga ba'ng nasabi ko doon? Bahala siya. Hmmmmp.

'Nak, let's brush your teeth na.' I led him towards the bathroom. After makapag-toothbrush ay binihisan ko na rin siya ng pampatulog. Maghalf-bath rin sana ako pero nakalimutan ko, wala pala akong dalang damit maliban sa dalawang pares na panty at bra na nasa maleta. Saan na kaya ang maletang iyon? Aside from toiletries-panty-at-bra, pasalubong lang ang laman ng maleta ko dahil ang akala ko ay sa Davao ako makapag-touchdown.

Haayyyy, pa'no na to?

Think.

Think again.

Think again and again.

Ahhhh, I remember namention ni Edward na may swimwear daw ako sa cabinet niya, baka may iba pang damit doon. Pa'no na 'to uli? Makakapunta talaga ako nito sa kwarto niya. Haay, tsaka na nga lang, patutulugin ko muna si JD. As usual nanghingi na naman ng bedtime story kaya pinagbigyan ko na but we did pray first kasi kadalasan makatulugan na niya ang storytelling namin.

Nang makatulog na siya... nararamdaman ko na ang pag-aalangan na pumasok sa kwarto ni Edward baka kasi.... hindi na ako makabalik sa kwarto ng anak ko. Pero hindi rin ako makatulog pag nakamaong pants e.

Bahala na...

I knocked at his door five times pero walang sumagot. I knocked again at wala pa rin kaya naisipan kong ikutin ang door knob at hindi naman pala lock. Tinuloy ko ang pagbukas ng pinto at nag-expect talaga akong makita siya doon pero wala. Napakalaki ng kwarto niya, may malaking kama, may sofa pa. And gosh!!! may picture pa kaming dalawa na nakaframe at nakasabit sa wall. I remembered the picture well, ito iyong photoshoot namin noon sa Star Studio magazine. Ang babata pa namin sa picture at hindi pa ako masyadong kagandahan. Hahahaha.  Pero si Edward kung gaano siya kagwapo noon, mas nadadagdagan pa ngayon. Sana makapagpicture kami ng bago para madisplay na rin ngayong umaangat na ang ganda ko. At si JD, may solo picture din siya, kuha no'ng 6th birthday niya. May isa pang malaking frame na kung sa malayo hindi mo matanto kung anong mga pictures ang nakalagay, iyon pala ay photo collage, mga maliliit na pictures na kaming dalawa, walang solo ha, as in kaming dalawa talaga at sa tantiya ko ay nasa two thousand ang bilang. Hmmnn, nasaan na kaya ang Edward na iyon? Walang kaluskos sa buong kwarto. At nandito pala ang maleta ko. Naisipan kong buksan ang cabinet para maghanap ng maisuot ngunit pagbukas ko ay puro damit ni Edward ang laman. Pagbukas ko sa isa pang cabinet, doon bumungad ang damit pambabae. Sa akin kaya 'to lahat? Baka kay Heaven to at swimwear lang ang sa akin. I randomly checked kung ka-size ko nga ang damit... parang sa akin naman kaya naghanap ako ng pajama ngunit wala... kaya maingat kong hinalungkay ang iba pang damit at nang nakita ko ang mga nakahanay na,,, nighties!?! At mga lacy at iksi pa talaga. Eeeeewwww!!! Hindi ako nagsusuot ng ganito. I closed the cabinet. Binuksan ko ang cabinet niya at kumuha ng shirt niya. Ito na lang ang susuotin ko. Bumalik na ako sa kwarto ng anak ko na dala ang aking maleta. Kinuha ko ang dalang panty sa loob ng maleta pati na rin toothbrush. Pagsampa ko sa pinto ng bathroom, naisipan kong mag-swimming na lang. Gusto ko talaga magswimming kanina kaya lang  nawala ang mood ko sa mga rebelasyon ni Edward. Pa'no na to, babalik na naman ako sa kwarto para sa swimwear. Hindi ako mapakali... pabalik balik na ako sa paglalakad bago ko napagdesisyonang balikan ang much-needed-swimsuit.

Pagbalik ko, wala pa rin siya. Ayyyy, salamat! Pumili ako sa mga nakahanay doon... may rash guard, may two-piece, may one-piece. Rash guard? parang nasa beach ako nito kaya X. So it's gonna be two piece or one piece. Since ako lang naman mag-isa ang maligo, pinili ko na ang two piece, kaya √. At kinuha ko na rin ang roba na nakasabit sa bathroom at kumaripas sa paglabas ng kwarto niya. Bumalik ako sa kwarto ni JD at doon nagbihis. I checked myself in the mirror. Hmmmnn, may curve pa naman kaya okay na 'to. Anyway, solo ko naman ang pool kaya... self-conscious? Go away!

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now