Chapter 8

6K 227 61
                                    


Pagkagising ko sa umaga...

Ayyy, ang sarap ng tulog ko!

Paglingon ko sa orasan, 10:00 am.

Shit ang dami ko pang gagawin.

Pagbuklat ko ng kumot, doon ko napansin, iba na pala ang suot ko sa nakatulugan ko kagabi. Isang tshirt at isang pajama. Doon na nasync-in sa akin ang lahat ng nangyari kagabi.

Si Edward, si Edward, si Edward, baka siya ang nagpalit ng damit ko. Imposibleng si Kisses kasi panty ko, iba na rin. Mas higit na imposibleng si Marco.

Napabalikwas ako ng bangon at nagpunta ng banyo para maligo. Hindi ko akalain na nangyari ang mga ganap kahapon. After eight long years, nagpakita siya... tapos sa loob ng isang araw, nakadalawang beses kaming nakapagniniig.

Kailan kaya masusundan iyon? Wish ko lang naman. Huwag na kayong epal, okay.

Kailanman, hindi ko na inaasahan na babalik pa ang isang Edward John Barber. Kahit na aminado akong anak ko lang ang binalikan niya at hindi ako, may saya pa ring hatid sa pinakasulok-sulukan ng puso ko. Sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon, kahit saang anggulo, dehado ako. May plano siyang magclaim ng parental rights, hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan. Ang sigurado ako, si JD lang naman ang iclaim niya, hindi ako. Huhuhu! May isasaklap pa ba do'n? At isa pa, habang ginagawa niya ang plano, nakuha na niyang muli ang alindog ko. Hahay! Iba ka talaga Edward. Nakakabobo ang presensya mo. Masilayan lang ang mukha mo, nawawala na ako sa wisyo. Tumatanda akong paurong. Nakakainis. Grrrr!!! Dapat makahanap agad ako ng trabaho, kasi pag hindi, mas lalong mapatibay ang pagclaim niya sa anak ko. Worst comes to worst, mawala pa sa akin si JD. Saan na lang ako pupulutin nito. Today I have to send application letters through online sa lahat ng airlines. Ang hirap pa naman dito sa Pinas, sa linya ng trabaho ko, mga fresh graduates ang mas may edge kasi mga bata pa diba. Pero sa edad kung 27, may ibubuga pa naman ako. Bahala na nga si Batman.

Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng kwarto at milagrong andun pa si Kisses, kumakain.

'Good morning.' bati ko sa kanya.'Hindi ka ba pupunta sa office mo?' dugtong ko.

'Mamayang hapon na, late na ako nakauwi kagabi. Hehehehe'

Bakit siya tumatawa? May nalaman kaya siya sa nangyari kagabi? Napaparanoid tuloy ako.

'Ang saya ng bff ko ah. Saan ba kayo nagpunta ni Marco at ang tagal niyong umuwi?' sabi ko kahit na alam ko kung bakit late sila nakauwi.

Nakakakonsensya.

'After mabisita namin si Viv, nanood kami ng sine at pagkatapos ng sine, tumambay kami diyan sa plaza malapit dito at nagkukuwentuhan at syempre hindi mawawala ang kainan.'

'Ah... anong napagkwentuhan niyo?'

'Madami... Alam mo ba Te May, may napansin ako kay Marco.'

'Ano?'

'Iba siya kung makatitig ngayon.'

Naawa ako sa bff ko. Baka na-misinterpret na naman nya ang moves ni Marco na kagagawan naman ni Edward.

'Ayan na naman tayo K ha... huwag ka munang mag-isip nang anong kahit espesyal sa titig ni Marco. Dapat sigurado tayo. Dakilang chicksboy pa naman 'yon. Hindi lang kay Viv nalink 'yon. Huwag tayong susulong agad. Baka, maisahan pa tayo.'

'Hmmmm. Okay.... Oo nga pala. Hindi man lang sinabi sa atin, host pala siya sa Bb. Pilipinas.'

'Talaga?'

'Oo. Partner ata sila ni Ms. Debbie, 'yong Bb. Pilipinas-Universe 2023 ata 'yon.'

'Nagamit talaga ang hosting talent niya.'

OUTFOXED (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon