Chapter 7

8.3K 280 110
                                    


WARNING: VERY MATURED SCENE. Pag hindi kaya, huwag niyo nang ituloy ang pagbasa baka makasira lang sa inyong sistema. Salamat.

Dedications: Sa mga nakahula kay Mr. Gil, ito sila:

@itsmeapril06
@MhilletezElmidoMuya
@KimberlyMaeParreo
@PatriciaAckles

Note: May naedit po ako sa last part ng previous chapter, basahin niyo ulit para mag-coincide sa chapter na ito.

FLASHBACK

Nang paglabas ni Edward ng pinto. Nilingon ko si Quen. Ayyuuunn, mukha niya'y pulang-pula sa kapipigil na tatawa. Iyon bang parang lobo na nasobrahan ng hangin at nagbabadyang puputok na.

'Ilabas mo na 'yan.' sabi ko sa kanya

'Hahahahahaaaa... Hahahahahahhahahhh... Hahahahahahahhahahahahahahhaaa' habang pinipisil ang tiyan sa kakatawa.

'Huwag mong biruin iyon ng ganun.' Mahal ko pa naman 'yon.

'Hahahahahha... okay lang iyon para malaman din niya kung sino at ano ang binalewala niya ng ilang taon.'

'Ang totoo... nagkatampuhan talaga kayo ni Liza?'

'Nope, in fact alam niyang pupunta ako dito.'

'At may pabulaklak-bulaklak ka pa talaga ha.'

'Nakasanayan lang. Di ba dinalhan kita ng bulaklak no'ng binisita kita sa Bahay ni Kuya?'

'Ah...'

'Para naman sa inyo ni Kisses 'yan, huwag mong solohin. Hahahaha'

'Loko ka talaga. Ang angas mo pa rin sa aktingan.' at inihampas ko ang aking kamay sa braso niya. Slight lang naman. 'Kumusta na nga pala si Liza.'

'Ayon masaya sa achievement niya. Mag-stay pa siya sa Las Vegas ng ilang months pero bibisita rin daw siya dito. Homecoming niya nga pala first week, next month.'

'Ah. Ang swerte mo, ang ganda ganda ng Queen mo. Baka magselos sa akin iyon ha. Hahaha.'

'Hahaha. Gusto niya nga ikaw lang makasama ko kasi safe daw ako sa iyo.'

'Ano??? Kung maka-underestimate 'tong si Liza sa kagandahan ko e...'

'Hindi ganun ang ibig sabihin niya. Alam daw kasi niyang tunay kang kaibigan.'

'Peksman? May contact ako sa kanya...'

'Alam ko kaya nga nagsabi ako ng totoo. Si JD, grade 1 na di ba?...'

'Oo, buti na lang may hilig din sa pag-aaral. Sana tuloy tuloy na ang pagiging top 1 niya sa klase.'

'Wow! Ang witty talaga ng batang iyon.'

'Buti nga hindi nagmana sa akin e. Hehehe.'

'Ah, wala ka bang planong itransfer siya dito?'

'Mahirap. Si Mama Ludy kasi, hindi hiyang manirahan dito. Kahit na anong pilit ko, hindi papayag. At saka ang hirap pag lahat kami andito, hindi ko afford. Kahit na gusto ko siya makasama araw-araw, mas gugustuhin kong doon siya, safe pa at presko ang hangin.'

'Paano 'yan, andiyan na ang Daddy niya.'

'Iyan ang pinoproblema ko ngayon. Kasi alam niya pala ang existence ng anak ko. At ang walang hiya, hindi man lang nagparamdam at ngayon gusto pang i-claim ang rights niya.'

'Andito ako para tulungan ka. Sabihin mo lang kung ano ang mapagdesisyonan mo. Andito kami ni Liza para sa iyo. Okay?' at tinanguan ko lang siya. 'O, paano babalik na ako sa set.'

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now