Chapter 5

7.1K 271 91
                                    


'Huh??? Eh... Saan ang kasexyhan do'n? Engot lang?' patanong kong sagot sa kanya na pilit tinatago ang kilig na nararamdaman.

'It's sexy twinnie, I feel it everytime...'

'Gusto mong magluto or uuwi na?'

'See... other than my six-pack-abs, I know it's one thing that makes you feel...' sadyang binibitin sa buang.

'Ano ba???' habang tinatakpan ang aking mga tainga.

'Okay, I'll zip my mouth kahit alam kong gusto mo rin.' habang pinapatuloy ang pagluluto.

'Gusto, mukha mo! Kung makapagyabang ka sa abs mo parang six-pack talaga, e, puro taba lang naman 'yan.'

'I'll let you touch this later...' na pilit iniangat ang dulo ng polo niya na naka-insert pa sa pants niya. 'I won't mind, really.' dagdag pa niya.

'Asa...'

'Yeah, I'm not hoping because I'm sure it's going to happen.'

'Ang confidence level mo dong, babaan mo naman ng konti. At pwede ba magluto ka na lang, dahil kung puro ka ganyan, mas gugustuhin kong umalis ka na lang.'

'Your wish is my command my twin.'

'At may dalawa pang pabor, huwag ka nang mag-ingles ingles dahil kahit na may kaalaman na 'ko ng konti diyan, mas hiyang pa rin ako sa tagalog. Kung pwede nga bisaya e. And lastly, huwag mo na akong tawaging twinnie. May sweetheart ka na, may twinnie ka pa. Ikaw na ang pinagpala.'

Nagmamaktol lang po ang beauty ko kasi mas gusto ko 'yong Babe e.

He smiled.

I frowned.

Lumapit ako sa kanya at tinanaw ang niluluto niya.

'Ano nga palang niluluto mo?' I asked.

'Chopsuey and ampalaya with egg.'

'Anak ng tokwa, ba't puro gulay???'

'Di ba kumakain ka naman ng ganito?'

'I did before pero nung umalis ka, hindi na rin.'

'So you should start eating veggies again, now that I'm back. Lulutuan kita araw-araw....'

Huh???

Tinititigan ko siya ng seryosong-seryoso na hindi mapigilan ang sarili kong malilito. Kung makaasta siya parang walang nangyaring kapoot-poot noon...

... parang wala siyang Heaven

... parang itinataguyod niya kaming mag-ina at hindi iniwan

... parang espesyal na espesyal ako para sa kanya

Pwede na ba akong aasang muli? Enebe??? Linawin mo naman Edward, huwag ganito. Gulong-gulo ako sa 'yo.

'Wait... are you for real? Hindi ibig sabihin pinatuloy ka ni Kisses dito ngayon ay makakabalik ka pa. Sa sinabi ko sa iyo kanina, huwag masyadong taasan ang confidence level mo baka kung mahulog ka, bali-bali ang buto mo pabagsak sa lupa. Kung makapagsalita ka parang okay lang ang lahat. May pa-claim claim ka pa sa rights ng anak ko. Tssss...'

'May, let's not dwell on the past, okay? Why keep on bringing it when we can both be happy now...' binigyan niya ako ng plato, kutsara at tinidor at hinain na lahat ng niluto niya. 'Let's eat together now as if nothing happened..as if you were not hurt... I was not hurt either. Let's dine together as normal couple.' Hinila niya ang isang upuan at ako'y pinaupo. 'Sit down here so we can start .'

He's really good at pretending, no wonder. At take note, may pa 'I was not hurt either' pa siya. Engot talaga. Pero in fairness, couple ang ginamit niya (I expected friends lang naman e) kaya kahit konti nakaramdam ako ng pag-asa. Slight lang naman. Hmmmp.

OUTFOXED (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin