Chapter 29

4.9K 252 105
                                    

A/N: Matagal na rin mula nung last update, hindi po ba? Naging busy lang ako sa mga bagay-bagay. Hindi na natin patagalin pa, alam kong atat na atat na kayo. hahahhaah.

~~~~~~~

Lagaslas ng tubig sa shower ang gumising sa katinuan ko.

I really hate myself. Ugggghhh!!! Wala pang isang linggo ang plano ko, wasak agad. Nauwi sa kawalan ang pagnanais kong hindi na muling magpapaalipin sa alindog ni Edwardo. Panalo na lang siya palagi at ako itong talong-talo. Gggrrrrhhh!!!! Nakakahiya. Wala na akong mukhang maiharap sa sarili ko. Goodbye mirror na ete. Kung pwede lang paluin ang sarili ko, ginawa ko na. O di kaya hilahin ang sariling buhok at itali ito sa puno. Ayyy. Tama. Mas mainam ilagay ang sarili ko sa isang sako at itali sa punong mangga na nakatiwarik. Matawagan nga si Kisses mamaya para siya ang atasan kong magparusa sa akin. On the other hand, hindi rin naman siguro ako sobrang talo. Slight lang siguro.... dahil kahit papaano natikman ko rin naman ang lasang Edward.. Ahem! Ahem! Ahem! Bawal po ang mainggit.

🎼🎶 Walang iba pang sasarap, Sa pagtitinginan natin, Sana ay di na magwakas, Itong awit ng pag-ibig 🎼🎶 Totoo talaga ang sabi-sabi, pag nadiligan daw, bigla ka na lang mapakanta at sadyang gaganda ang boses at ang sarap pang ikinding-kinding.

Matapos akong magbihis, I picked up my phone to contact Kisses but it showed 10 missed calls and 16 messages, from no other than, Babe. Mabuti na lang naka-silent mode ito. Dahil kung hindi, malamang gising na ang JD ko.

-Babe

-Hey

-Babe

-Sleep already?

-Please answer me.

-Please.

-I miss you.

-I miss my Manok.

-I miss my Brad.

-I miss my Maymay.

-Don't sleep yet, please.

-Lonely Baboy here. Take this loneliness away.

-Manok text me back please.

-I wish you'll sleep in my arms tonight and every succeeding night.

-I need to hear your voice.

-Please answer my call.

'Ang OA ng baboy na 'to. Baka nakalimutan niyang hindi na siya teenager.'

Babe Calling

I rejected his call.

He texted me again...

-You ended my call, why?'

Babe Calling

I rejected it again.

'Masakit talaga pag na-reject. Ngayon mo lang alam? Ako, matagal na. Ang engot mo Edwardo. Hurt ka na sa rejected call, samantalang ako, ilang taon kang hindi nagpakita. Walong taon din iyon Edward, kaya kung hurt lang... ako ang mas nakakaranas nun.' para tuloy akong baliw na kinausap ang phone.

Babe Calling

Rejected again.

Ang sarap pala mang-reject. Ganito pala ang feeling. Hahahaha. Ma-practice nga ito.

Babe Calling

Again.... R-E-J-E-C-T. The best talaga ako, hooooh!!! Ang sarap italon. Ang sarap isayaw. Basta ang sarap talaga. Ngiti ko'y abot hanggang tuktok ng aking ulo. BITIN and REJECT, iyan dapat sa iyo Edward e. HAHAHA. Shocks, grabe. Kiniliti talaga ako.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now