Chapter 36

3.4K 152 33
                                    

A/N Transfer ko lang dito ang entry ko for MES' Holidays in Love. No need to read again kung nabasa niyo na ang entry ko sa MES.

We took our dinner with big smiles on our faces. Chitchat here and there. And JD reminded us once again of the family day on Saturday to be held in their school playground to which we all promised to attend into.

Nasa kalagitnaan na kami ng hapunan nang marinig namin ang katok sa pinto. Si Ate Loreng na ang tumayo upang buksan ito.

Nang makabalik si Ate Loreng...

'May may bisita ka.'

'Sino? Si Kisses po ba?'

'Hindi. Tyler pangalan niya.'

'Wait... yayain ko lang na makapaghapunan.' aakma na akong tumayo ngunit...

'Niyaya ko siya May pero tapos na daw siya. Maghintay na lang daw siya sa sala.'

'Ah okay.' Bumalik ako sa aking upuan.

'Wow, ang ganda ng bulaklak ha.' Pabulong sambit ni Ate Loreng.

'Huh?!?' napatingin ako kay Edward na sobrang seryoso sa pagkain.

Hindi man lang ito natinag sa bulaklak na bulong ni Ate Loreng. Alam kong narinig niya kaya sinulyapan ko kung ano ang reaksyon niya. Pero wala. Poker face lang ito. Sumulyap ako ulit, umaasang mababanaag ko ang konting selos, NGUNIT WALA. As in walaaaaaaaa... Patuloy lang ito sa pagsubo at....

'Huwag kang tumunganga diyan, may bisita ka raw.' sambit nito na nahuli akong nakatingin sa kanya.

Bushak. Nahuli pa talaga. Natameme tuloy si ako. Pero wait, wala ba talagang konting selos diyan Edwardo?

'Tayo ang binisita noon. Hindi lang ako.' giit ko pa. Hindi naman siguro ako lang ang binisita niya. Malay ko si Edward ang sadya niya.

'Di mo ba narinig ang sabi ni Ate Loreng? "May may bisita ka, that means ikaw lang ang binisita.'

'Alam mo naman pala.' I uttered silently. Bakit ang cool mo lang diyan? gusto kong idugtong pero buti na lang napigilan ko pa.

Hmmmnnn, nacurious talaga ako sa reaksyon ni Edward kaya napasulyap ako ulit sa kanya.

My expectation hit the ground when I sensed nothing from him. Hindi siya apektado,period. Anyway, dapat bang ikaselos ang dalhan ka ng bulaklak? Hindi naman siguro. But I remember that day na dinalhan ako ni Quen ng bulaklak at buffalo wings. Ramdam ko ang selos niya noon. Pero ngayon, waley talaga e.

Nawalan tuloy ako ng gana. Nang maubos na ang laman ng aking plato ay hindi na ako nagdagdag pa.

'Sobrang excited ka yata sa bisita mo...' Huh, baliw talaga. Paano ako naging excited? Excited ba ang mukha kong parang namatayan ng kalabaw? Engot talaga. Tsk, tsk, tsk.

'Siyempre, maganda daw ang bulaklak e.' ang namutawi sa labi ko dahil sa inis.

'Go, I'll take care of JD.' dugtong niya. At ipagduduldulan ba naman? Ang saklap!

Tumayo na lang ako at naghugas ng kamay. Deep inside alam kong may mali. Hindi dapat masaksihan ni JD ang ganito. Kaya kung nainis ako kay Edward dahil feeling ko ay parang pinamigay niya lang ako, nainis rin ako kay Tyler dahil nagkusang loob pa talagang dalawin ako na may pabulaklak skrengge pang nalalaman.

'Baby, si Papa muna bahala sa iyo okay? Don't forget to brush your teeth. At huwag mong kalimutan i-half bath iyan Edward bago matulog.' bilin ko sa dalawa bago ko nilisan ang kusina.

'Bakit? Matagalan ba ang bisita mo?' kaswal na tanong ni Edward.

'Maybe. Alam mo naman si Tyler, sobrang daldal. Kung ano ang kinatahimik ni Tanner, siya naman ang kabaliktaran.'

OUTFOXED (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora