Chapter 45

3.3K 214 149
                                    

A/N: Para sa kaalaman ng lahat, I did publish this story at NoInk. Abangan niyo, malay niyo maiba ang takbo ng story doon. Hehhehe.

I turned my head towards his direction. I didn't take a step. Ayaw ko siyang lapitan dahil alam kong hindi kayang suwayin ng katawan ko oras na malanghap ko ang amoy niya o makita ng malapitan ang mga mata niya.

'Lagi mo na lang ba akong pangunahan?' I asked him calmly to start the undesirable conversation as I deemed it was. But finger crossed it would not lead to confrontations because God knew how much I hated one.

Hindi siya sumagot.

Instead he took few steps. Upon reaching the center table in the living room, he halted and placed his mug swiftly over it.

He stood still which I appreciated in silence.

'Babe---' sabi niyang nakamaywang pa.

'Babe???.' I hissed in disgust. At pinamaywangan ko rin siya nuh. Siya lang ba marunong?

'I know how much you hate me. I made mistakes. I owned it. And I'm sorry. But we don't have to compromise our son's future just because you and I are not okay.'

'And I have to break this to you... things will never be okay. And there's nothing to compromise because there will never be you, me and JD anymore. From the moment I knew of your child with your SWEETHEART TSUPTSUP, that left ME and JD alone. At hindi ako pumarito para titira ulit dito Edward. Nandito ako para kunin ang mga gamit namin ng anak ko.'

'So you're taking me out of the equation---' I saw him taking strides.

'No, I didn't. You did.' I quickly turned and continued my way up to JD's room.

'EVER SINCE... EVERY TIME na magkaproblema tayo, tatalikuran mo ako, lalayuan mo ako.Taking me out of the equation will just make the situation worst May. Alam kong ikasusuklam mo ang ginawa ko pero... pwede bang pag-usapan natin 'to ng maayos?'

Narinig ko lahat ng iyon kaya napahinto ako... Pag lingon ko nasa hagdanan na rin siya paakyat.

'Maayos? Ha-ha-ha. Aayusin ko ang buhay ko kasama ang anak ko. At ikaw... dapat ayusin mo rin ang buhay mo kasama si Heaven at ang anak niyo. At pwede ba? Tigil-tigilan mo ang paggamit ng equationg bushak na iyan dahil hindi tayo mathematics na kaya mong solusyonan gamit ang basic formula. Tao ako Edward, tao ang anak mo. May pakiramdam. Hindi kami x and y to the power of two---'

'Yeah, you're right. Hindi ka math. Tao ka na may kakayahang makinig. Sana pakinggan mo ang pakiusap ko na ayusin natin ang lahat ng ito.' Leche lumayo ka Edwardo, huwag kang lalapit! At leche again dahil hindi man lang naibsan kahit konti ang kagwapuhan nito sa nakuha niyang pasa kahapon. At leche again and again dahil ang puso kong baliw ay nakaramdam ng awa.

Lumapit pa rin siya ng lumapit hanggang naging sa tantiya ko ay isang dipa na lang ang distansiya namin sa isa't isa.

Baha manuyo ka, all by yourself!!!

'Maayos lang 'to kapag ipaubaya mo sa akin ang katahimikan. I need peace Edward. And I have to tell you that it's the kind of peace that requires you to shut yourself out of my life. Totally out of my life.' Thank God I successfully managed to save myself from the impending flood.

'In one condition---'

'Ikaw ang may kasalanan at ikaw pa ang may pakondisyon?' I asked him in disbelief.

Tinalikuran ko siya at tumuloy sa kwarto upang simulan ang pagligpit. Kinuha ko ang maleta at kinuha ko lang ang mga damit na sariling pera ko ang pinamili.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now