Chapter 26 (first part)

4.3K 229 138
                                    

A/N Gusto ko mang habaan 'to pero ewan biglang na-excite ako. Lumalalim na kasi ang gabi kaya pagtiyagaan niyo muna ito. So parang chopped na naman 'tong Chapter 26.

~~~~~~~~~~

He walked towards me like a flash of light. Ni hindi ko man lang naabisuhan ang bibig ko na takpan kaya nalusob niya ito ng walang kahirap-hirap.

'Edw...hmmmm.....' ginamit ko ang buo kong lakas para mailayo ang katawan ko sa kanya. Nang napagtagumpayan ko na ay sinampal ko siya kaagad...shet ang sakit sa kamay! 'Huwag na huwag mo na akong dadaanin sa pahalik-halik mo Edwardo. Ang hilig mong pagsamantalahan ang kahinaan ko. Magmula ngayon huwag mong madapo-dapo sa katawan ko ni kuko ng daliri mo nang hindi ka makakatikim ng paghihiganti ko..... Ang lakas ng loob mong halikan ako... kakasaksi ko lang ng kababalaghan niyo ni Heaven kanina sa opisina, tapos ako na naman? Tell me, ano pang kababalaghan ang nangyari sa loob ng mahigit walong oras na magkasama kayo, six days a week?'

SILENCE.

'Sagutin mo...' boses kong punong-puno ng galit.

'Ilang beses ko bang sabihin sa iyong ginamot lang niya ang kamay ko.'

'Ha-ha-hah. Ang lamya kahit kailan. Kahit isang diyes anyos na bata ang makakita sa inyo, mababanaag niya na may something sa inyong dalawa kaya huwag na huwag mo akong bigyan ng ganyang rason Edward.'

'You got it wrong May.'

'Never underestimate a woman's instinct Mr. Barber.'

'And never ever underestimate my proficiency on ignoring other women Mrs. Barber... why would I have them when I have you?'

Fishtea!!! Bushak!!! Lechon Kawaliiiiiiii!!!! Di ko mapigilang kumurba pataas ang labi ko.

'Huh...' napailing ako at ngumiti ng bahagya na may bahid na pang-uuyam para di niya mahalatang lumulundag ang puso ko sa tuwa. 'Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na Mrs. Barber dahil magkaka-northern lights na lang ang Pinas, hindi mangyayari iyon..... Kahit kailan, ang tamis talaga ng tabas ng dila mo Brad. Bilib ako.'

'I know Moymoy. Kaya huwag mong aayawan ang labi ko dahil nag-iisa lang 'to.' nakuha pa talaga niyang magbato ng linyang sobra sa kaengotan.

'Diyan ka nagkakamali.' pagmamatigas ko.

Sumugod siya ulit kaya napaatras ako.

'Susubukan mo lang Edward... at itutuloy ko ang planong aalis sa pamamahay na 'to.' He froze. 'Nga pala, para sa ikakakunsumi mo, I changed my mind. Di na kami aalis sa bahay na 'to.' Ipapatikim ko sa iyo Edwardo kung paano mo dinurog ang puso ko. 'Magmula ngayon ay magsasama tayo nang dahil kay JD... NANG DAHIL KAY JD LAMANG, all caps iyon para intense... kaya huwag kang feeling close dahil hindi tayo close. At para sa ikatutuwa mo, malaya ka nang makipaglumpungan sa Ventot mo... at di na rin ako susugod sa opisina mo para di kayo maiistorbo. Gawin niyo ang gusto niyong gawin dahil gagawin ko rin ang gusto ko.'

He glared at me....

And after a few seconds he pulled out his wallet and handed me an ATM CARD.

'Use this...' said he.

'Di ko matatanggap iyan.' akala siguro niya masusuhulan ako, pweh!

'Gamitin mo... bilhin mo ang lahat ng gusto mo, for you and JD. Kung gusto mong ipaayos ulit itong bahay nang naaayon sa kagustuhan mo, feel free to do so.'

'I have my money. I can find a job and provide for myself and my son.'

'Okay, do what your heart wishes... But....I'm asking you to accept this...' nangangalay na ata ang kamay niyang kakaabot ng card sa akin na sadyang tiningnan ko lang, 'Providing you and JD is my only sense of direction right now May.... Please don't deprive me of such a thing... kahit iyan lang.... Don't take that little happiness I can indulge myself with.'

Whaat???

I didn't move. Not because I didn't want to lay my hand to take the card but because I was too stunned of his words. Moving an inch could led me to drop on the floor breathless so I just stared at him and soon enough decided to break it when my heart couldn't handle the shattering sight right in front of me.

I felt he step back... so I took that chance to glance at him but his back was all my eyes could spot on. He left the ATM card on JD's bed and headed towards the door. He held the knob for a number of seconds, 'Thank you for coming home May.' he uttered the words with his whole body still facing the door's surface. Hindi man lang siya lumingon o kahit sulyap man lang.

Nang mabuksan na niya ang pinto ay tuluyan na itong lumabas.

Shet! Patawarin niyo po ako Diyos ko.... habang ang kamay ko'y sapo-sapo ang buo kong mukha.

A/N Bitin I know. Same here. Still I wanna hear your thoughts.

Song credit to Ms. Jaya's song, Dahil Ba Sa Kanya.

Labyu all,

green

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now