Chapter 16

8.4K 252 118
                                    

*Nakatulugan ko kagabi ang pagsulat ng chapter 16. Hindi ko talaga namalayan na nakatulog na ako at nang paggising ko sa umaga, nashock dahil na-post na pala ito, e hindi pa tapos, kaya binawi ko. In-unpublished ko ang chapter 16, lingid sa kaalaman ko, ma-unpublished pala ang buong libro kaya ibinalik ko lahat hanggang chapter 15. At dahil tapos na si 16, ito na... Masayang pagbabasa sa lahat!*

Pagdating namin sa kwarto...

Expect ko talaga ididiin na naman niya ang katawan ko sa likod ng pinto at susugurin niya ako ng mababangis at matatamis niyang halik... pero waley. Hindi nangyari ang inaasam-asam ko.

Disappointed si ako? Aba,oo.

Pero ba't iisa lang ang kama? Disappointed na naman ba si ako? Aba, hindi na. Hahaha.

Si Edward ay diretso na sa cabinet at nilagay ang bag namin doon, umupo sa reclining chair, ipinatong ang phone sa may lampshade at pumikit.

Ayyyyy!!! Salamat at makapagpahinga rin ako.

Pero bago iyon ay sinuri ko ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito masyadong kalakihan. Ang ganda ng lighting dahil na rin siguro sa natural na liwanag na nagmula sa pinto ng veranda. Sliding glass ang pinto kaya kitang-kita ang magandang tanawin sa labas pero may nakatupi namang kurtina sa gilid. Ang kama naman ay may apat na unan na malalaki at ang gaganda ng pillow cases, naka-match talaga sa bedsheet. Tingnan mo pa lang ito ay malambot na kaya di ko mapigilang isampa ang pang-upo ko. Wow!!! Lambot nga. Isinampa ko pa ulit. Lambot talaga. Gusto kong humiga pero baka susunggaban ako bigla ni Edwardo. Alam niyo naman iyon, naka-red-alert ang mga senses. Imbes na hihiga, tinungo ko ang banyo. Wow, may bathtub rin katulad sa bahay ni Edward. Sa totoo lang parang hotel din ang bahay niya sa ganda. Malayong-malayo sa nakasanayan ko. Ang sunod na tinungo ko ay ang veranda. Medyo malamig nga sa labas. Hindi naman ito kasing lamig ng kwarto na dulot ng aircon pero parang kakailanganin ko ng jacket. Since wala akong dala kaya kinaya ko na lang. Nilingon ko ang bawat gilid, wala nga pala kaming katabing kwarto dahil corner room ang kwarto namin kaya wala ring katabing veranda. Mas gusto ko iyong may katabi para pag may gwapong nagche-check-in sa kabilang kwarto, pwede kong pakukyutan or... pwede ring pagnasaan. Hahaha. Pero malabong mangyari din iyon kung nagkataon kasi pamilya namin ang nag-occupy ng buong floor. Nagpasalamat rin ako dahil kung mamalasin, baka kafloor namin si Langit. Noong nabungaran ko siya sa office ni Edward for the first time in eight years, nawala na parang bula ang inis ko sa kanya noon pero nung tumalikod ako at tinawag niyang sweetheart ang Edward ko at may patsup-tsup pa, bumalik ang inis ko sa kanya kaya di ko napigilan ang nararamdaman ko kanina sa may reception area.

Huhay, maka-erase na nga ang eksinang iyon. Nakakasira ng mood.

Itinuon ko na lang ang aking mga mata sa likas yaman sa aking harapan. Nahihipnotismo ako sa ganda ng kalikasan. Lahat ng makikita ko ay kulay berde kaya nakalma ang aking mga mata at mga kalamnan.

Sana may ganitong view din sa condo namin ni Kisses.

Hmmmmn, ang sarap ng hangin na pumapasok sa ilong ko.

Sa bahay nga pala ni Edward may maraming puno din dun... pero hindi naman akin iyon, kaya waley.

Dahil sa kabubuyo ko sa paligid, hindi ko napigilang ipikit ang aking mga mata at isigaw ang laman ng aking dibdib... 'Ang gandaaaaaaaaa' habang ang kamay ko'y idinipa ko sa hangin dahil sa... feel ko lang at para ma-wash out na rin ang lahat ng stress.

'Mas maganda ka.' boses ni Edward sa likod ko.

Naging estatwa ako bigla.

Ba't umeksena pa siya? Ang saya na ng solitary moment ko.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now