Chapter 4

6.7K 334 126
                                    


Dumaan kami ng Jollibee drivethru para makatake-out para sa lunch namin. Hindi pa kami nananghalian kaya maki-fastfood muna ngayon.

Pagdating namin ng bahay, dumeretso na ako sa aking kwarto at itinihaya ang buo kong katawan sa kama. Feeling ko pagod na pagod ako. Wala naman akong ginawa kundi ang makipagtagisan kay Edward, parang naubos tuloy lahat ng energy ko. Nanumbalik lahat sa isip ko ang nangyari sa araw na 'to...

Jusko! Ang gwapo pa rin niya at ang kisig pa. Ganyan siya, kahit na ma-stress ako sa kaiisip sa kanya, mapapangiti pa rin ako sa huli. Iba talaga ang karisma ng lalaking 'yon.Hmmmp. Siguro dahil mahal ko siya kaya kahit saang anggulo ko siya tingnan, gwapong-gwapo ako sa kanya.

Condominium nga pala 'tong tinitirhan namin ni Kisses dito sa may Makati kaya kung tutuusin pwede lang talagang lakarin 'to from her office. Tig-iisa kami ng kwarto pero paminsan-minsan tabi kaming matutulog. Pag international flight ang byahe ko, siya lang maiwan dito. Mabuti na lang at hindi na masyadong matakutin kaya kahit siya lang, okay lang sa kanya. Minsan dumadalaw din parents niya at ang family ko. Buhat nung nabuntis ako, sa Davao na nakatira sina Lola, Mama at kapatid ko kasama ang anak ko at mga pamangkin. Feeling ko kasi mas safe doon at walang mambwibwisit. Takot lang nila kay Duterte noon hanggang ngayon. E, si Sarah ang sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang Pangulo ng Pilipinas. Hahaha. Kung zero na ang crime rate at drug cases ngayon, pati paparazzi, wala ka ring makikita sa Davao.

Makapagbihis na nga at makapanood na ng movie. Kumuha ako ng maluwag na shirt at pajama at sinuot 'yon.

Paglabas ko ng room. Nandoon na si Kisses sa harap ng tv at inilapag na niya ang tinake-out namin kanina. Plus may chichirya pa at isang pitcher ng juice. Ang sexy ng best friend ko. Naka-tank top sya at naka-mini-short pa, kaya kahit saang anggulo tingnan, sexy talaga plus gifted pa ang hinaharap. Bongga! Kung gaano ako pinagkaitan ng hinaharap, oppossite naman siya. Buti na nga lang nung nagkaanak ako, hindi na kasing laki ng lemonsito, naging ponkan na. Then I touched my chest to double check. Mas malaki pa to sa ponkan nuh, parang pomelo na 'to e. Hindi 'yong sobrang laki ha, 'yong katamtaman lang.

'Hindi ka naman 'ata handang-handa sa pagdating ng prince charming mo.' sabi ko sa kanya.

'Heheheh. Ano ka ba? Erase na 'yon. May iba na akong prince charming.'

'At sino naman? Sobrang hina naman yata ng signal ko at hindi ko man lang nabalitaan.'

'Hindi ko pa siya kilala, e. Siguro... nasa sinapupunan pa siya ng kanyang ina o... baka nasa ibang planeta pa. Hahahaha.'

'At nakakatawa 'yon?'

'Ang hirap mo naman patawanin ngayon Te May. Smile naman diyan. Hehehe'

'Ano bang panoorin natin?' tanong ko sa kanya na nagpipigil na rin ng tawa. Ewan ko ang init-init ng ulo ko.

'Ano pa e ang paborito mong Music and Lyrics para naman gagaan 'yang pakiramdam mo.'

I then managed to curve my lips to form a smile para sa ikagagaan na rin ng bff ko.

'See, 'yan lang naman makapagpagaan ng loob mo, e.'

And she played the video. Gusto ko talaga to e. Hindi ako masyado mahilig sa love story, gusto ko nga horror at action movies pero gusto ko ang mga kanta sa movies na 'to plus ang bidang babae, songwriter e kaya gustong gusto ko. Sa totoo lang, memorize ko na nga ang mga kanta sa movie na 'to lalo na ang "Way Back Into Love".

After ng Music and Lyrics, isinunod namin ang John Wick hanggang sa nakatulog ako sa sofa.

Pagkagising ko. Umaalingawngaw na ang bango ng niluto ni... paglingon ko sa kusina, andun na si Marco at Kisses. Ang saya nilang panoorin. Kung sila man ang magkatuluyan balang araw, isa ako sa pinakamasayang tao sa mundo. Kaibigan ko naman si Viv pero syempre alam kong si Marco lang ang lalaking nakabihag sa puso ng bff ko kaya ako ang unang taong magcelebrate pag nangyari 'yon. Magalit man kayo sa akin, sabihin ko pa ring mas match si Kisses at Marco. May the best woman wins na lang di ba.

OUTFOXED (Completed) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt