Chapter 11

5.5K 249 76
                                    

'SURPRISE!!!' tili ng isa sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.

HoyGinooNaunsaNaManNingKalibutan, Diyos ko! Pwede lamunin mo kami ng pamilya ko Lord at ibalik sa condo? Isama mo na rin si Edward, kung pwede.

'Eskrenggeeee' tili ulit ni Ate Laura, oo, si Ate Laura. At ang kasama niya ay si Tito Kevin, Tita Cathy at si Ms. Novah lang naman. Napaisip ako kanina na sila ang mameet ko dito pero hindi ko inaasahang magkatotoo.

'Hi everyone!' si Tito Kevin at ang nakasmile na si Tita Cathy.

Tumayo si Edward para salubungin ang pamilya niya and the seconds that followed parang naging bingi ako. Nakita kong bumuka ang bibig nila pero wala akong marinig.

Diyos ko parang gusto kong sumakay ng totoong roller coaster kaysa maranasan ang pagulong-gulong ng buhay ko, ni hindi ako makakilos sa kinauupuan ko.

It was the second moment in a day na naging slow motion ang lahat. I saw everyone smiling, hugging and then suddenly stopped when the visitors caught the sight of my son.

'Maymay, I missed you so much.' doon na ako natauhan sa pagyakap ni Ate Laura sa akin.

'I missed you darling.' Si Tita Cathy na nakayakap rin sa akin.

Tumayo ako at binati ko sila. 'Hello po.' at niyakap din ako ni Tito Kevin. 'Hi Tito.' dagdag ko pa.

'Hey, how many times did I tell you to call me Daddy, huh Maymay?' pagalit niyang sabi.

'Huhhh? Ahhh... Eeee...Ngayon lang po.' sagot ko sa kanya na di napigilang mapaisip kung nabanggit na niya noon, pero wala akong matandaan.

'Hahahahah' bigla niyang tawa. Actor na din pala 'to, may pinagmanahan si Edward. At sinabayan ng lahat ang tawa niya.... ngunit biglang huminto.

Lahat ng mata ay nakatuon sa anak ko. Nilingon ko si Edward at tumango ito.

I took it as a go signal.

'JD nak, I'd like you to meet your Papa's family... Lolo Kevin, Lola Cathy and Tita Laura.' habang itinuro ko sila isa isa. 'And meet also Ms. Novah, your Papa's secretary.'

'Thank God they're here too. Hi, Lolo... Lola, Ms. Novah and Tita Gwapa. I am John Dale Entrata.' bumaba siya sa kanyang silya para magmano.

He took first the hand of his Lola.

'Oh baby...' at kinarga ng Lola niya na naluluha pa ang mga mata. 'You're a mirror image of your father.' at niyakap ito ng sobrang higpit. 'Edward ang lakas ng genes mo anak.'

Hindi po sa genes iyan Tita, inlababo lang po talaga ako sa ama niyan.

At nagmano siya sa iba pa habang karga-karga ng Lola niya.

'Honey, can I carry him?' si Tito Kevin.

'Me first Dad pleaaase.' agaw naman ni Ate Laura.

Hindi ko namalayan, lumapit na pala si Edward at hinawakan ang aking kanang kamay. He pressed it tightly kaya nilingon ko siya. And I saw him smile... so I smiled back.

Everything fell into place.

Lahat nga ba?

'Ah kain po muna kayo.' tugon ko sa kanila.

'Tapos na kami May.' sagot ni Tita Cathy. 'Apo, you finish your food muna ha.' utos niya sa apo.

'I'm done Lola.' sagot nito.

Paglingon ko sa plato niya, ubos na nga pero may gatas pa sa baso niya.
'You still have milk nak... finish this one first.' At ibinigay ko sa kanya ang baso.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now