Chapter 25 (third part)

4.7K 280 184
                                    


A/N Credit to the song... Tanging Pag-ibig Ko by KYLA

~~~~~

'I can't Ate May, mapapatay ako ni Edward.' saad  ni Marco.

Tiningnan ko siya ng maigi. Nababanaag ko ang takot sa mukha niya.

'Hmmmmm... Okay, to Edward's house...'

'Ayyy salamat...Next time huwag kang magbiro ng ganun, alam mo na ang mangyayari pag kinonsente kita.'

'Alam ko... magkakatay siya ng limang baboy... lelechonin at ipapakain sa lahat ng friends niya... di ba masaya iyon? parang fiesta lang.'

'Kabaligtaran nun alam mo iyan, baka ako pa ang ipapalechon nun.'

'Magdrive ka na nga lang... Gusto ko lang naman aliwin ang sarili ko... ang epic talaga ng mukha mo.' Ipinikit ko ang aking mata. 'Gisingin mo ako pag malapit na tayo ha. Iidlip lang ako.'

Feeling ko kasi sobrang pagod ko, physically and emotionally.

FLASHBACK

Usapan namin ni Manong Drayber kanina sa taxi....

'Manong masakit po ba'ng sumuntok ng pader?' tanong ko ni Manong.

'Masakit syempre. Pero pag galit ka, di mo na maisip iyon. Pagkatapos ng suntok, doon mo na maramdaman ang sakit. Bakit sino ba ang nanuntok ng pader?'

'Hmmmm, di po ako.'

'Iyong asawa mo?'

'Hala, wala pa po akong asawa. Char char lang po.'

'Baka nagpasaway ka?'

'Ako? Mabait po ako manong.'

'Madali lang iyan... romansahin mo lang, maging maayos din ang lahat.'

'Ngeeeeek, ayoko nga. Siya ang may kasalanan, ako ang lalambing? Di naman 'ata fair iyon. Dapat ako ang lambingin niya.'

'Pag magtigas-tigasan ka, di mo makamtan ang katahimikan... kaya di ka sasaya.' Siya po ang may matigas e. 'Dapat marunong kang magpakumbaba at marunong ka rin makinig sa side niya.'

'Ganun po ba? Kahit na sinasaktan niya ako ng paulit-ulit?'

'Paano ka sinaktan? Sinuntok ka ba niya?'

'Di naman po ganun... ni sampal nga di ako nakatikim nun.... Hmmmm, basta sinaktan niya po ako ng bonggang bongga.'

'Baka agam-agam mo lang iyan.'

'Hala ang nega mo manong.'

'Hahahah. Alam mo ineng. Sipag ang kailangan sa isang relasyon. Hindi lahat ng bagay na pagsasaluhan niyo ng boyfriend mo ba kamo?.....'

'Hindi po boyfriend. Char char lang po.'

'Ah okay ng char char mo... hindi lahat masarap ang pagdadaanan niyo kaya dapat tibayan mo ang iyong loob at dapat masipag ka rin.... maging masipag kang intindihin siya, maging masipag kang makinig sa kanya, maging masipag kang punan ang pagkukulang niya at maging masipag ka rin sa ano......' at naging silent siya kaagad.

'Sipag po sa ano manong?'

'Na romansahin siya.... ng bonggang bongga. Hahhahah.' ang lutong ng tawa niya.

Susundin ko kaya ang payo niya? Matawagan nga si Marco.

Pagdating ko ng condo ay nagbigay ako ng pamasahe.

'Manong maraming salamat po.'

'Hala ang laki nito...'

'Kulang nga iyan sa tips na binigay mo sa akin. Maraming salamat po Manong. Ano nga pala pangalan mo?'

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now