Prologue

19.5K 459 124
                                    


JANUARY 6, 2025

I was on my way to the big boss' office. My fidgeting was out of control. Unusual talaga. Five years na ako dito pero kailanman hindi pa ako napatawag ng CEO. Wala naman siguro akong kasalanan. Naging mabuti naman akong empleyado. Nagka-award pa nga e. Char!!! Best Employee lang naman for five consecutive years.

Pagdating ko sa elevator.. Ba't ang daming tao?

'Anong nangyari?' tanong ko sa isa sa mga nagkukumpulan doon.

'Sira daw Miss?' sagot ng isang lalaki.

Sira na naman. Pag minamalas ka nga oo. Sana magawan na 'to ng paraan ng bagong management. Kahapon pa nga daw dumating ang bagong CEO na nag-take-over sa palugi na kompanyang 'to. Isa lang naman ang dahilan ng pagkalugi, mishandling of funds that leads to bankruptcy pero may chika-chika na kinurakot daw ng VP-Finance dahil sa bisyong pambababae. Huhay! ba't kasi may babae pang magpapalinlang at manlinlang kung alam naman nilang may asawa na. At ito namang mga lalaki, lahi ng mga taksil. Taksiiiiil!!! Mga bushet! Iyan tuloy, maraming naapektuhan. Mabuti na lang at may international airline na sumalba kaya busy ang lahat ngayon sa transition.

May kinalaman kaya sa transition ang pagpapatawag sa akin ngayon? Baka may retrenchment na mangyayari at isa ako sa mapapatalsik. Lord, huwag naman sana.

Time check, 07:48am. Parang di ko yata kaya akyatin ang 18th floor sa loob ng labindalawang minuto. Pero wala na akong ibang paraan. Akyatin ko na nga lang. Bahala na si Superman Tanner! I took off my shoes and do the run. I ran straight until the eight floor but on the succeeding floors, lakad na lang ang nakayanan ko with matching pahinga-hinga from time to time. Hingal na hingal ako e, at pawis na pawis pa. Ang ilong ko, lumalaki na yata at ang mga mata ko parang lalabas na. Hindi ko na inantala kung ano ang magiging hitsura ko, nakapalda pa naman ako, ang importante hindi ako ma-late, kuno, eh obvious namang lagpas na ako ng 12 minutes. Akala ko talaga kaya ko. Huhuhu! Naisip ko tuloy ang bestfriend kong si Kisses. Dakilang linya niya 'yan e, no'ng nasaktan siya kay Marco. Minsan nagamit ko rin iyan. Hahaha! Oo, natutuwa ako, I mean kaming dalawa ng bff ko, kapag mahagip ng aming usapan ang mga bagay na ganun. Kung gaano namin iniyakan 'yon noon, ngayon hindi na. May mga tao talagang darating sa buhay mo na akala mong mag-stay forever pero hindi pala. I hate him! Grrrr!

Pagdating ko sa 18th floor, nagpahid ako ng pawis, sinuot ang sapatos kong 3 inches lang naman ang taas at hinarap ang sekretaryang nakangiti...

'Good morning Maam.' bati ko sa kanya.

hingal...

'I'm Mary Dale Entrata. I have a scheduled meeting with the CEO today at 8:00am.' habang napangiwi ako nang napadaan ang mata ko sa orasan na nasa likod niya. 'I suppose you're the one who called me yesterday.' I smiled

'Oh, yeah. I am Novah, the secretary. Good morning Ms. Entrata. Wait..', she smiled back and press a built in button sa desk niya... 'Sir, Ms. Entrata is here.' still smiling. Mabuti na lang napakafriendly ng secretary. 'Go inside Maam. He's been waiting for you.' she continued.

'Thank you.' after taking that first stride I came to a stop and face the secretary again. 'Do I look okay?' I asked her politely because the truth was... I lose my confidence. Though slight lang naman 'coz I didn't know if my dress was still on the right places and my breath was clearly unsteady.

'Beautiful...indeed.' she said in a broad smile.

Naiintriga ako sa indeed na iyon ah.

Knock. Knock. Knock.

'Enter.' said he. Aba lalaki pala, ba't napakasexy naman ata ng boses. Akala ko matanda na, ba't parang hindi naman. Kinabahan tuloy ako. Ni wala man lang akong nasagap na balita kung anong hitsura ng bagong amo.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now