Chapter 6

6.5K 250 90
                                    

📌 Gusto kong i-dedicate ang chapter na 'to kay ayzel_nat2338 dahil kung makapag-comment parang bumubuo rin ng isa pang chapter. Salamat girl.📌

'Hi, you two.' sambit ng isang gwapong lalaki sa pinto na may dala-dalang bulaklak at isang box ng... wow, buffalo wings!!!

'Oiii, Quen pasok ka.' nakaramdam tuloy ako ng hiya. Sobrang guilty ng aura ko ngayon.

Pumasok naman siya.

'I just drop these. Malapit lang kasi ang location ng shooting namin dito.' habang iniabot sa akin ang kanyang dala. Lumingon siya kay Edward and started a conversation... 'Pare, kumusta. Long time no see ah.'

'I'm good, yeah.' sagot ni engot.

'Salamat nga pala nito. Kain ka muna... katatapos lang namin e.' pag-aanyaya ko sa kanya na nilagay ang bulaklak sa lamesita sa sala.

'Hindi na. Babalik na ako sa location.' Pagtanggi niya. Parang na-o-awkward siya. Feeling ko hindi pa ito nakapagdinner.

Nilingon ko si Edward, hindi maipinta ang mukha niya pero pilit ko pa ring inanyayahan si Quen na maghapunan.

'Sige na... kain ka muna para matikman mo 'yang buffalo wings na dala mo. Actually, nagluto rin si Marco ng ganyan e.'

'Ganun ba. So... lilipad na pala tayo nito.'

'Huh, eh...'

'Sa dami ng buffalo wings baka liparin na tayo. Hehehe.'

'Ah... Hahahaa. Akin na yang jacket mo para makakain ka na.' at hinubad niya ang kanyang jacket at binigay sa akin.

'Ang ganda ng offer para tanggihan? Namiss rin kitang kasabay kumain e, kaya sige na nga.... pero sa isang kondisyon...'

'Ano?'

'Sabayan mo ako.'

'Tapos na kami, ikaw na lang.'

'E, di... babalik na lang ako sa location namin.'

'O sya. Sige na. Upo ka muna. Ikukuha lang kita ng kubyertos.' binigyan ko siya ng plato, kutsara at tinidor. At dinagdagan ko na lang ang tinimplang juice nila Kisses kanina.

'What is it you film this time, a movie?' dinig kong tanong ni Edward.

'No, a series for primetime.' Sagot ni Quen.

'Wait, excuse muna... bihis lang ako sandali.'

'Okay.' Sabi ni Quen

Paglingon ko kay Edward ---- 😠, ganyan ang mukha niya.

Kumaripas ako patungong kwarto at naghalf bath ng sobrang bilis... feeling ko kasi, ibang-iba ang amoy ko. Nagbihis ako ng spaghetti top at skimpy jeans... hindi 'yong masyadong ikli, katamtaman lang naman... para aaliwalas ng konti ang init na nararamdaman ko sa aking kapaligiran.

Paglabas ko ng kwarto... mabuti naman at hindi masyadong tahimik ang atmosphere. Nagkukuwentuhan rin naman sila at nilingon ako ng dalawa.

Edward --- 😯😠

Enrique --- 😯😉

Ibinaling ko ang atensyon kay Quen. 'Ituloy mo ang subo mo.' sabi ko sa kanya.

At nang biglang hinawakan nilang dalawa ang pitcher na may lamang juice.

'Ah, you first.' Quen offered Edward.At nagsalin si Edward ng juice at ininom 'yon ng isang lagok lang, diretsong-diretso na parang hindi dumaan sa esophagus.

And then Enrique did the same thing ngunit dahan dahan lang ang ginawa niya.

Bumalik ako sa mesa at umupo sa dating puwesto.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now