Chapter 35

5.6K 221 106
                                    

Lying in bed I was thinking of how things get too knotty. Without Edward, my life was at peace, yet full of longing. With him around, it turned into a higgledy-piggledy yet contentment was all there to celebrate... every minute of it.

Eight years... eight long years, ganun katagal ko siyang hinintay. Umabot na nga sa puntong gusto ko na siyang kalimutan pero hindi kaya. Hindi ko siya kayang kalimutang dahil nakaukit na siya sa puso ko at walang sinuman/anumang makabura kahit na magpalit pa siya ng mukha. Hahanap-hanapin pa rin ng puso ko ang puso niya. Cheesy, hindi po ba? But I tell nangyayari talaga iyan sa totoong buhay, kagaya ko. Inaamin kong galit ako kay Edward pero nung nasilayan ko siya, nandoon ang puot, ngunit nanaig pa rin ang kagustuhang mayakap siyang muli o di kaya'y masundot man lang ng aking daliri para patunayang totoo siya at hindi bunga ng aking imahinasyon. Kahit na pinilit ng utak kong kamuhian siya pero walang nagawa ang puso ko... lalo na ng katawan ko.

My heart screamed of him... of him alone. And so disappointing dahil bumalik nga siya, hindi pa rin buo. Buntot pa rin ng buntot ang bentot. At lalong naging kumplikado dahil... huhay!... paano niya naisip na totoo ang sinabi ni Quen na nanligaw ito sa akin? Di ba niya naisip na malaking joke lang iyon? Baliw talaga. Di ba niya ramdam sa bawat pagniniig namin na siya lang? Siya lang at wala ng iba... how I surrender myself to him... how my kisses yelled how much I love him. Paano niya naisip na maging ganun ako sa iba? Matalino sana, pero nakakainis dahil di niya maintindihan ang gusto kong iparating.

Knock... knock... knock.

'Bukas iyan.'

'Mamaaaa!!!' sigaw ni JD habang si Edward ay nasa likod nito na bitbit ang kanyang bag.

'Hi baby ko.'

Mabilis itong naghubad ng sapatos at umamba sa akin sa higaan at nilunod ako ng halik.

'Ang bango pa rin ng baby ko ahhh.' Habang yakap-yakap ang anak ko.

'Wala bang halik si Papa?' sambit ni Edward nang lumapit ito sa higaan matapos ilagay ang bag sa study table.

'Wala.' Kaaano lang natin kanina ahhh nanghihingi ka na naman. That's how my eyes silently screamed with the hope he could read it as I stared at him.

'Mabango rin ako.' I got it right. He was able to read it.

Yet, insisted anyhow because the moment JD stood up and left the bed... he kissed me.

He's too persistent.

At ito namang anak ko, kung makakampi sa ama niya. Iniwanan ba naman ako bigla.

At kung akala niyong smack lang, hindi bes. It's the kind of kiss asking for another round of what we had earlier.

Enebe Edward, amoy sex ka pa... I mean tayo. At nagsimula ka na naman!!! Joke lang po, kasi ang bango talaga nito. Mukhang naligo ito bago umalis para sunduin ang anak ko.

'Mmmmm, bihisan ko pa ang anak mo.' I told him as soon as the kiss ended. I kept my stare on his lips, not on his eyes, dahil baka malunod na naman ako at malimutan ko pang hindi lang kaming dalawa sa kwarto.

'Stay right where you are my princess.' Ang sagot ni Edward. 'Ako na ang magbihis sa anak natin.'

Hindi na ako kumontra pa dahil ang totoo'y pagod pa rin ako sa exhibition namin kanina. Exhibition na kaming dalawa lang naman ang audience.

I stayed lying in bed and watched my two boys. My two boys? Char, char, char!!! Muntik ko nang makalimutan isa lang pala ang totoong akin, iyong maliit lang, kasi iyong malaki ay pagmamay-ari ng iba. Hindi ko ito solo. May nagpupumilit umagaw sa eksina. Mabuti sana kung kasing ganda ko, charot! Pasensya, minsan lang akong mamintas. Wala naman itong katotohanan kaya huwag kayong mag-alaala at huwag niyong dibdibin. Kabisado naman akong hindi ako kagandahan... pero aminado akong maganda ang loob ko, iyon ang sabi ni Mama e. Hehehe.Wait... asan na ba tayo? Ayun, naaaliw ako dalwang lalaki sa harapan ko. The sight in front of me was bliss beyond compare. Ang sarap pala pag buo. Ang sarap may katuwang sa buhay lalo na kung ang katuwang mo ay ang taong mahal na mahal mo. Ano kaya ang buhay naming tatlo kung nasa tabi lang si Edward sa loob ng walong taon? Siguro, di ko iniwan si JD kina Mama. Siguro, hindi ako nagtatrabaho at ako lang nag-aalaga sa bata... or baliktad. Siguro may isa pa sa amin na nag-stay sa showbiz. Siguro, marami na kaming anak ngayon at lumobo na ako ng todo. Or hiwalay na kami ngayon at kasal na siya sa iba. Erase... erase... erase.

OUTFOXED (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon