Chapter 31

4.4K 228 196
                                    

A/N Guys... guys... dahil sa kakulitan niyo nakapag-update ako. I owe you big time. Hahahah. But before that, I encourage you to vote for our babies. This encouragement is the only support I can give for MayWard. So please I ask you to click the links below and vote.

For Rawr Awards: (Three categories: new comer, love team and pride fan club)

http://www.lionheartv.net/rawr-awards-2017/

For Star Cinema:

https://starcinema.abs-cbn.com/2017/10/10/news/sca4-main-categories---vote-here-31155

https://starcinema.abs-cbn.com/2017/10/10/news/sca4-main-categories---vote-here-31156

https://starcinema.abs-cbn.com/2017/10/10/news/sca4-main-categories---vote-here-31157

https://starcinema.abs-cbn.com/2017/10/10/news/sca4-main-categories---vote-here-31158

Maraming salamat po.

And one more thing... itodo ko na. Sa mga gustong magtravel here and abroad, we can book your tickets. We, too, can book your hotel accommodation and tour packages. If you're interested or you have travel plans, you may send a message here in wattpad since I'm still in the process of finalizing my facebook page. See you there soon for inquiries and bookings.

Ito po talaga ang kinaabalahan ko kaya madalang ang update... pero sana it won't stop you guys from making inquiries.

Again, maraming salamat po.

Ito na talaga...

~~~~~~

Nag-alarm na lang ang cellphone ko ngunit hindi talaga ako nakatulog. Pabaling-baling lang ang katawan ko. Huhay, magiging zombie ako nito buong araw. Isip ko'y sumabay lumabas ng bahay kasama si Edward. Dala-dala niya isip ko. At ang nakakalungkot, hindi kasama ang mga mata ko kaya di ko makikita ang mga pangyayari. Batay sa reaksyon niya kanina parang may hindi kanais-nais. Iyon ang ikinabahala ko. Ano kaya iyon? Or... sino? Kung miyembro ng pamilya niya, imposible naman kung hindi niya sasaabihin sa akin. Halong abala at inis ang naramdaman ko. Bakit ayaw niyang sabihin? Kahit kailan, he always remains a mystery. Hindi ko matanto minsan kung ano ang nararamdaman niya. Hindi lang pala minsan, kundi palagi.

Ginising ko ang aking anak after kong magluto at pinaliguan pagkatapos. Nang nasa kainan na, hinanap niya ang kanyang Papa, sinabihan ko na lang na maagang umalis dahil may inasikaso.

Hinatid ko si JD sa school at umuwi kaagad dahil feeling ko napakahaggard ng mukha ko. Ganito talaga ako pag walang tulog, parang walang buhay. Nagtaxi na lang ako pauwi dahil tinamad akong maglakad. Nang papasok na ang taxi sa loob ng subdivision, napansin ko ang nagsisitayuang mga puno sa gilid ng kalsada. Naalala ko tuloy ang puno kagabi. Haayyyy.... Sayang talaga. Kailan kaya iyon uuwi? Nakatulog kaya siya ng maayos? Saan? O baka naman nasa kwarto lang siya at natulog lang. Pero imposible naman dahil wala akong narinig na yapak. Gising ang diwa ko buong magdamag. Atsaka wala ang sasakyan niya. Baka nagtaxi pag-uwi dahil nakainom ... o di kaya nasiraan ng sasakyan... .o di kaya hinatid ni kung sino man. At kung sakali mang dumating siya, sana ininform niya ako para mapayapa ang isip at katawan ko. Knowing he's home safe, sapat na sa akin iyon kahit hindi na niya iabsorb ang baha. Hehehe. Pasensya, baliw talaga ako. Baliw na baliw sa nag-iisang Edwardo ng buhay ko. Katukin ko na lang siya mamaya pagdating sa bahay.

Pagpasok ko ng gate, wala pa rin ang sasakyan niya. Nakita ko si Ate Loreng sa garden, tinanong ko kung namataan niya si Edward, wala din daw. Pagpasok ko ng loob ng bahay, tinanaw ko ang kwarto niya na makita lang sa baba ang pinto, tahimik ito. Imbes na kumatok sa pinto niya, dumiretso ako sa kusina para uminom ng kape ulit. I need more coffee para magising ang diwa ko. Kailangang gising ang buo kong sistema sa muli naming paghaharap. Marami akong tanong at saka preparation na rin baka may mangyaring absorption. Ang tanong, kaya ko kaya ngayong wala akong tulog? Hmmmmm....kakayanin, alang-alang sa baha.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now