Chapter 26 (second part)

4.5K 269 138
                                    

A/N Please play the clipped song "If This Is Love" by Melissa Manchester. I first heard this from a dear friend, Rovs. She sang it beautifully during Maam Nette's (our mentor) birthday.

~~~~~~~~~

Kung hanggang kailan ako napatulala sa nangyari kani-kanina lang ay hindi ko na alam. Nang mahimasmasan ako ay pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga natitirang gamit sa maleta at bag. Nang sa huli ay nasilayan ko ang dalawang supot ng wet tissue. Baliw ka talaga Mary Dale, nagawa mo pang dalhin ang mga 'to. Walang nang silbi 'to. Kinuha ko ito sa bag at lalabas na sana para itapon... ngunit napaisip kong pwede naman 'to gamitin sa ibang paraan. Tama si Edward, this is not for lovemaking alone. Pero mali bang isipin na gusto ko lang gamitin 'to for that purpose alone? Hayyyy, sige na nga di ko na itapon. Inayos ko na lang ito sa cabinet kung saan nakalagay ang mga books ng anak ko. I arranged it properly para maganda naman tingnan. Pakitingnan niyo na lang 'to para di ma-stress ang braincells niyo kakaisip kung anong cabinet.

 Pakitingnan niyo na lang 'to para di ma-stress ang braincells niyo kakaisip kung anong cabinet

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa pinakatuktok ko nilagay para di ko masilayan palagi. Nakakamiss din kasi.

Bumaba ako ng alas tres para mag-snacks. Nakakagutom din pala ang sasalang sa confrontation, pero at least nailabas ko man lang ang fraction ng galit ko.... which means hindi pa iyon buo. Yup... ang dami kong kinimkim poot sa puso ko na sadya kong pinigilan dahil ayaw kong malagay sa alanganin ang buhay ng anak ko. Kaya kong kimkimin ang lahat para sa anak ko... gusto ko siyang lumaki na kasama ang ama niya. Kahit na hindi ako kayang mahalin ni Edward, alam kong kaya niyang ibigay iyon sa anak ko. Masaya na ako nun, basta masaya ang dalawang lalaking pinakamahalaga sa buhay ko.

Pagdating ng alas kuwatro y medya ay nagpaalam ako kay Ate Loreng na susunduin ko si JD. Nakasanayan ko nang maglakad papunta doon kaya ninanamnam ko ang preskong hangin na dala ng maraming kahoy sa paligid. Hmmmmmnnnn, ang sarap. Parang nasa probinsiya lang ako. It feels homey... dito sa labas.... Sana darating din ang panahon na homey din sa loob ng bahay ni Edward. Wish lang naman.

Pagdating ko ng school ay dumiretso ako sa room ni JD at nakita ko kung paanong nagbulung-bulungan ang mga nanay sa paligid. Then it hit me... shet, ba't andito siya? Siya iyan alam ko. Kahit split ends lang ng buhok niya ang makikita ko, alam kong siya talaga. Lumingon sa akin ang mga babae pati na si Kaish at Aly G at huli na para itago ang sarili ko nang lumingon din si Edward sa gawi ko.

Shet na malagkit... feeling ko para akong isang teenager na nakikilig na nilingon ng crush niya.

Lumapit ako para di naman mahalata ng iba na hindi kami close. Pero hindi naman masyadong malapit.

'Hi!' bati niya sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Shettt! Hweg nemeng genete Edwerd....

'Hello.' sana nag blush-on man lang ako papunta rito. 'Hmmmm....'

'Mama, Papa...' naputol tuloy ang gusto ko pang sabihin. Di maitago ang tuwa sa mukha ng anak ko. First time kasing kaming dalawa ni Edward ang sumundo sa kanya.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now