Chapter 20

4.5K 231 136
                                    

A/N Sorry po natagalan.

Oh, how I hate that “urgent” word right now.

Hiring of Secretary - urgent.

Ang pagbalik ng family niya to Germany - urgent.

Ang pag-yes ni Heaven sa offer niya - urgent.

Napa-urgent tuloy ang paghinto ng tibok ng heart ko.

Namanhid... namanhid ang buo kong katawan. Gusto kong umiyak pero ni isang butil ay walang naglakas loob na pumatak.

‘Ma eat your food.’ pagpukaw ni JD sa akin.

‘Ah… yeah.’ subo na lang ako ng subo. Ganyan ako pag emotionally-stressed, sa pagkain ibubunton lahat. Buti na lang malakas metabolism ko.‘Hmmmmnn, siyanga pala, kailan nag-start si Heaven?’ dugtong tanong ko.

‘Just yesterday.’ Hmmmn, kaya pala nagmamadali siya kahapon.

‘Na-train na pala siya ni Ms. Novah?’ subo pa rin ako ng subo habang nagtatanong na parang normal lang ang nangyari sa paligid. Na ni katiting hindi ako naapektuhan.

‘She’s supposed to be trained for a week but Ms. Novah needs to fly back to Germany so she was left with lists of instructions. But they keep in touch. They do the transition online.’

‘Ahhh…’ mangha ako sa kakayahan niyang di na kailangan ng training. Bilib si ako.

‘Heaven is smart so she can be perfectly fine with the process.’

Ouch! Ibinida pa niya huh.. Kung makapagbitaw ng “perfect”.... grrrhh! grrhhh!

‘Yeah, she’s indeed smart…. pretty…. and sexy. She fits perfectly as your secretary.’ sana hindi niya nahalata ang panginginig ng boses ko. At sana di rin niya nakita na tabingi na ang pagkakapasok ng pagkain sa bunganga ko.

‘By the way I’ll be late tonight so... ikaw na magsundo ni JD after school.’ manhid talaga ang loko.

‘Ah okay, wala naman akong gagawin. Ako na lang susundo sa kanya everyday hanggang sa makakita ako ng trabaho.’ sagot ko naman.

‘I told you… you don’t need to work. I can provide for you both.’

‘Mangangamoy ihi ako dito pag sa bahay lang.’

‘Simple… take a bath para di ka mangamoy ihi.’

‘Tatamarin akong maligo pag sa bahay lang ako.’

‘Kung gusto mo ako magpaligo sa iyo.’ sambit niya. Feeling close kung makapagbiro. Siguro di rin niya inaasahan na lalabas iyon sa kanyang bibig base sa reaksiyon niyang nakaawang pa ang bibig. Kung noon ay biglang bigay ako sa mga pasaring niya, ngayon waley na. Tinitigan ko pa siya ng masama. At ni hindi man lang natinag.

He dropped us to school at dumiretso na siya sa work.

Pagdating namin sa room… ay nandun pa ang mga Nanay at mga bata sa labas kasi di pa daw tapos mag-meeting ang mga teachers…. kaya nahalubilo ko ang ibang nanay doon at mga chikiting nila.

Namataan ko sina Aly G. at Kakaish kaya ang saya ko. At omg! kamukhang kamukha nga ni Sir Daniel ang anak nila Kaishy.

We greeted each other and the chika started.

‘Hello veyb.’ biglang bati ni Chandria kay JD. Nakyukyutan si ako. Hehehe

Ngunit ang anak kou nakasimangot lang.

‘Chandy stop that veyb-veyb okay. Kung makaharot ‘to parang ako lang.’ bulyaw naman ni Kaish.

At nagtawanan kaming lahat.

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now