Chapter 37

4.3K 216 134
                                    

KINAUMAGAHAN...

I woke up early at pagkagising ko pa lang, alaala ng pabulong niyang ILOVEYOU kagabi ang nanumbalik sa isip ko. Pabulong man ito ngunit sobrang saya ang dulot nito. Sa sobrang saya, hindi ko napigilang umiyak.

Kinuha ko ang engagement ring na nakatago sa pinakataas na patong ng aparador ni JD. Tiningnan ko itong mabuti. Maganda ito, kasing ganda ng ILOVEYOU niya kagabi. Siguro oras na para suotin ko ito.

And so I did.

Waaaaahhhhwwww! Swak na swak! I love you too Edward. Ang galing mo talaga sa sukatan. It's perfect! Wait... totoo kaya ang sinabi niya kagabi? Rinig ko, oo, pero ang tanong... totoo kaya iyon? Sana sinabi niya sa harap ko para makita ko kung sincere ba ito o hindi. Baka nasabi lang niya iyon dahil trip lang niya, malay ko di ba? Mahilig pa naman iyon mang-prank. Sana... lumabas din ako at hinarap siya nang marinig ko ang matamis niyang bulong. Pero nakakaasiwa naman kasi dahil baka mali din ang pandinig ko, malay ko IHATEYOU pala iyon at dahil sa sabik akong marinig ang ILOVEYOU ay pilit kong pinaniwala ang sarili kong ILOVEYOU talaga imbes na IHATEYOU. Yeaahhhh, baka mali lang talaga ako. Paano ko malaman kung totoo ang sinabi niya? Ayyy tama, tatanungin ko siya.

Hinubad ko ang singsing at itinago ulit. I decided to wear it pag confirm ko nang totoo nga ang sinabi niya. Takot ko lang mabara.

Pagbaba namin ng hagdan ay nakita na namin si Edward na nasa mesa at nagbasa ng diyaryo. Mahilig pa rin siya magbasa ng diyaryo kahit na lahat ng news ay available na online. Ganyan na siguro pag nagkaedad na, hindi na mahilig sa celphone, kahit ako.

Bakit ba kinabahan ako? Syet, ang kaba ko ang taas ng lundag. At dumagdag pa ang hiya. Lintek na hiya bakit sumanib bigla. Bakit bumabalik iyong feeling na ayaw kong madaanan ang kanto kung saan nakatayo ang aking crush? At ngayon, parang ayaw kong lumapit sa mesa kung saan siya nakaupo.

'Good morning Papa.' sabay halik nito sa Papa niya.

'Good morning son. Let's eat.'

Hahalik din kaya ako? Pwede kaya? Parang hindi, dahil di man lang ako pinansin.

Umupo na lang ako sa aking pwesto. Samyo ko ang bango niya. Syet ang aga-aga nagpasaway agad ang hormones ko.

Busy ang kwentuhan ng mag-ama. Gusto ko mang sumali pero ang isip ko ay ginugol ko sa pagdidisesyon kung dapat ko bang tanungin si Edward sa bulong niya kagabi. Base sa mga aksyon niya, wala na mang kakaiba... as if everything was normal. Buti pa siya parang wala lang sa kanya, samantalang ako parang hindi ko maikilos ng tama ang buo kong katawan. Gusto kong sumulyap sa kanya pero dinaig ako ng hiya. Gusto ko ngang titigan siya pero paano, sulyap nga lang di ko pa magawa-gawa. IsoHATEmyself.

'May kumain ka na ba?' dinig ko from Edward.

'Huhhhh?' wala talaga sa isip ko na hindi ko pala nagalaw ang pagkain sa aking plato. 'Ah...hhhmmm wala pa. Hmmmmn Edward...'

'Akala ko kumain ka na. Kain na at male-late na si JD.' utos nito.

Diretsahang tanong na sana iyon e, pinutol pa talaga niya. Akala ko pa naman, kain na para di ako mangayayat... iyon pala. Hmmmp. Pero totoo ngang ma-late na kami kapag titigan ko lang ang aking plato kaya sumubo na rin ako.

Nakasakay na lang kami ng sasakyan papuntang school ngunit ang mahiwagang tanong ay nanatili pa rin sa dulo ng aking dila. Di ko mailabas-labas. Bushak. Nakakagigil. Iyong may gusto kang itanong pero nag-aalangan ka dahil baka mali ang nasa isip mo. Naalala ko tuloy noong panahong nag-aral pa ako. Hindi ko talaga love ang oral recitation. Maingay ako sa klase dahil mahilig talaga ako nuon magpatawa at gawin ang sariling katawa-tawa pero pag oral recitation na, ayun, biglang sarado ang aking bunganga dahil takot akong maging mali ang aking sagot. Datapwat sa ilang beses na hindi ako nagtaas ng kamay para sumagot, tama pala ang nasa isip ko. At nung isang beses namang nagkalakas loob ako'y biglas bumuhos naman ang malas dahil, ayun, mali ako. The irony in life! Kung kailan pakiramdam moy tama ka, maling-mali pala at iyan ang pumipigil sa akin sa gusto kong gawin ngayon. Takot akong palaisipan lang ang nahagip ng aking tenga kagabi.

OUTFOXED (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon