Chapter 44

3.3K 217 130
                                    

'Wow! Sperm donor! Big time!' di ko mapigilang maki-virgin clap. 'Bes...' nilingon ko si Kisses na tulala pa rin sa rebelasyon 'Narinig mo ba? Sperm donor oh.' boses ko sa sobrang mangha and with touch of sarcasm of course. Actually not just touch but an entirely loaded sarcasm. Ibinalik ko ang aking tingin kay Edward. 'Kailan ka pa naging taga-donate ng punla? Kung alam ko lang noon, e, nagpadonate na lang sana ako kaysa nagpakahirap pa ako doon sa ano.... alam mo... iyong doon.'

'Saan Te May?'

'Cover your ears K.' Dagli kong nilingon si K at bumalik rin kaagad kay Edward. 'Isang tanong lang Edward...... kusa mo bang ibinigay kay Heaven ang iyong.... punla?'

'May, you have---'

'Yes or No lang Edwardo. Ganun lang kasimple. Simple lang naman sana ang buhay e pero mahilig ka sa kumplikado. Baka bukas makalawa hindi lang si Heaven ang pinunlaan mo---'

'Please let me—'

'Yes or No?'

'Y-y-yes.'

'Okay. Everything ends here. Umalis ka na dito baka may magawa pa akong pagsisisihan ko pagkatapos.'

'May you have to hear me out.'

'Anong pakikinggan ko? Kung gaano mo kamahal si Heaven at nagawa mong bigyan siya ng sperm? Ayokong malaman pa Edwardo. Dahil dalawa lang naman iyan e, it's either you love her or you like her. Whichever, isa lang ang bottom line diyan, may pagtingin ka talaga sa kanya. Tapos ang usapan. Siguro, totoong you never break my trust sa aspetong wala kang nagalaw na ibang babae maliban sa akin... pero iyong pagbigay mo ng punla, it's still a trust issue Edward. Dugo't laman mo si CJ, hindi lang ako ang pinaglihiman mo, pati anak mo. Kapatid niya iyon at nakuha mong itago sa kanya, sa amin. Sana sinabi mo sa akin noong una tayong nagkita after eight years, baka maipagpaliban ko lang. Pero wala e. Intentional ang paggawa mong paglihim---'

'Dahil alam kong kapag nalaman mo, I'm going to loose the chance of winning you back---'

'Do you think there could ever be "US" if you hide something from me?'

'Hindi ko alam ang gagawin May. Gusto ko mang sabihin sa iyo but... I know you... alam kong kamumuhian mo ako.'

'And you think hindi kita kamuhian dahil itinago mo? At ngayong alam ko na, do you think hindi mo nasira ang pagtitiwala ko?'

'Please May, I'm sorry. Alam kong mali. Maling-mali. Sabihin ko man o itago, I know exactly what you're going to do – leave me. I purposely kept it from you hoping I can still make a positive turn until such time I can feel that you're ready... until such time I can make myself ready.'

'Leave now Edward. You're not the same person na nakilala ko sa loob ng bahay ni Kuya noon. Ibang-iba ka na. I don't think I can trust you with my life anymore. More so with my son.'

'You know I won't give us up without a fight, don't you?'

'Ang alam ko... sumuko ka noon. Nagawa mo na minsan kaya alam kong magawa mo rin ulit.'

Iyon lang at tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob.

~~~~~

Alas diyes na ng gabi at di pa rin ako makatulog kaya naisipan kong lumabas ng kwarto. I saw Kisses stirring a glass of milk.

'Inumin mo.' Sabay abot sa akin.

'Sa iyo iyan. Magtimpla na lang ako.'

'Hindi. Sa iyo talaga iyan. Alam ko mahirapan ka sa pagtulog sa mga pinagdadaanan mo ngayon.'

'Gamay na gamay mo na talaga ako.'

'Pasaan ba't best friend kita. Kilala kita kaya alam ko kung bakit ka naka-sunglasses nang hinarap mo kanina si Edward.'

OUTFOXED (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon