Chapter 25 (second part)

4K 214 118
                                    

A/N Need to chop Chapter 25 into three parts.... kaya may isa pa kayong aabangan. Short din po ito. Kailangan ko lang talagang paghandaan ang third part. 

Paki-play na rin po ng video, Mahal Mo Ba'y Di Ako by Roselle Nava

~~~~~

Mabilis ang hakbang na ginawa ko... imbes na sa elevator ay dinala ako ng paa ko sa hagdanan. Ang bilis ng pagbaba ko... di ko na inalintana ang katawan kong halos nawalan ng lakas sa aking nasaksihan.

'May..' rinig ko ang boses ni Edward. 'Fvck... Mary Dale stop..' sigaw pa rin niya. At ramdam kong sumunod siya.

Huminto ako saglit at tumingin sa kung saan galing ang boses. Saktong kita ko ang anyo niya sa di kalayuan... at huminto din ito.

'Huwag kang lalapit sa akin Edwardo...' mata ko'y nanlilisik sa galit at sigurado akong ramdam din niya sa boses ko.

Pero humakbang pa rin ito.

'Isang hakbang mo at tatalon ako sa hagdanang ito.' pagbabanta ko sa kanya.

'Fvck!!!' sabay suntok sa pader... at ginamit na naman niya ang kanang kamay. Shet! Butya na tuloy ang kamay niya. Kahit kailan ang engot talaga.

Tinalikuran ko siya at humakbang ulit pababa. Hindi ko na inalintana ang lahat ng sakit... ang gusto ko lang ay makalayo sa gusaling kinaroroonan ko at malayo kay Edward.

Di ko na ramdam ang yapak niya pero ang phone ko naman ang nag-iingay. Panay ang ring nito pero di ko pinansin... Gusto kong makaalis agad-agad.

Paglabas ko ay sakto namang may taxing bakante kaya sumakay ako kaagad.

'Saan tayo Maam?' tanong ng driver.

'Di ko pa po alam Manong pero alis na tayo dito pleaseee....'

Nagsimulang mag-drive si Manong Driver. Panay pa rin ang ring ng phone ko... si Edward nga, kaya nireject ko ang tawag niya. Ang kapal ng mukhang tumawag. Ngayon lang talaga? Nakalimutan na nga ng diwa kong may phone pala siya dahil ni minsan di 'ito tumawag.

I dialed Kisses' number...

'K, uuwi ako ng condo...'

'Miss mo ako?' ramdam ko ang ngiti niya na sadyang walang alam sa pinagdadaanan ko.

'Hmmm.. kukunin ko lahat ng gamit ko.'

'Wooohhhh.... I'm so happy for you Te May. Wait hindi ako happy na magkahiwalay tayo ha. Happy ako dahil feeling ko hiyang ka na sa buhay may asawa. Heheheh. May susi ka pa di ba? Punta ka lang doon. Wish ko lang makauwi ako kaagad pero may kliyente ako e.'

'Okay na'ng ako lang. Salamat bff.'

'Ingat ka...'

'Salamat. Bye.'

Ibinigay ko kay Manong ang address ng condo ni K.

My phone kept on ringing. At si Edward na naman.

I turned it off. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan at pumikit.

Ang buo kong sistema ay gustong umiyak pero sadyang pinigilan ko. Parang walang saysay ang luha ko kung ganun naman pala ang ganap nila sa likod ko. Kung di ako pumunta doon di ko malaman na buong araw pala silang magkasama sa loob ng office ni Edward. Sa buong araw, imposibleng... shet! Grrrrrr.... Ako nga na hindi umabot ng isang oras sa opisina niya, nakuha niyang paapawin ang libido ko. Iyon pa kaya na buong araw sila sa loob.... shetttt.... ang iksi pa talaga ng palda ni Langit. Kitang-kita ko nga ang singit nito kahit nakatalikod ako, si Edward pa kaya. GRRRRRRRRR!!!!!

'Manong, pwede bang suntukin itong upuan?'

'Okay lang. Di naman siguro kayang butasin ng kamay mo, ano?' ngiting sagot ni manong.

'Salamat po.' kaya sinuntok ko ang katabing upuan, sa likod kasi ako umupo.'Aray...' ang sakit pala, how much more ang pader na sinuntok ni Edward. Hayyyy, pwede ba isip erase muna si Edward kahit ngayon lang?

'Kung gusto niyo po, ako na lang suntukin niyo.' suhestion ni Manong Drayber.

'Sure po?' kaya napangiti ako ng konti. 'Huwag na po manong. Maraming salamat at pinagaan niyo ang loob ko.'

Ini-on ko ulit ang cellphone ko at dinial ang number ni Marco.

'Marco busy ka?'

'Bakit Te May?'

'Kung pwede sana puntahan mo ako sa condo ni K.'

Di naglaon narating ko ang condo at inayos ko lahat ng aking gamit. Tinawagan ko ulit si K kung pwede gamitin ang dalalwa niyang maleta, okay naman daw kaya pinagkasya ko ang lahat sa dalawang maleta at sa dalawa kong duffle bag. Dinala ko na ang lahat kong damit at sapatos at ang laptop ko. Namataan ko ang dalawang supot ng wet tissue. Ewan pero dinala ko na rin, sayang din naman kasi... as per Edward, di naman to exclusive for love making. That love making... sana love nga ang naramdaman niya...pero deep inside alam kong hindi.... with Heaven around, imposibleng mangyari iyon.

Nang malapit na akong matapos ay dumating si Marco.

'Wow....' bati niya agad sa akin nang makita niya ang dalawang maleta. 'Road to forever na'to... Heheheh. Iingatan mo ang kaibigan ko ha.'

Ako dapat ang iingatan niya.. baliw, sa isip ko lang naman.

'Bakit alam mo ba kung saan ako pupunta?'

'Alam na alam ko...sa bahay niyo ni Edward, may iba pa ba? Buti nauntog kayong dalawa at naisipan niyong magsama na habang buhay.'

Sus, kung alam mo lang Marco. Impyerno ang kinaroroonan ko, pero di ko na isinatinig pa dahil ayaw kong siraan si Edward sa harap niya.

Kinuha ko ang dalawang duffle bag sa kwarto at bumaba na kami papunta sa kanyang car.

Nagsimula itong magdrive at binaybay ang daan patungo sa bahay ni Edward.

'Hindi diyan ang daan Marco...' sabi ko sa kanya.

'May iba pa bang daan?'

'Ihatid mo ako sa bahay ni Enrique...'

Nag-break siya ng biglaan kaya napauntog tuloy ako.

'Whaaaat?' tanong niya na puno ng pagtataka.

A/N Excited na ba kayo sa pagtatapos ng outfoxed?

Please vote and comment po... Thanks!



OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now