Chapter 47

3.4K 244 180
                                    

'Buntis?' Posible nga. Diyos ko, sana mali si Kisses.

'Yes, buntis ka Te May. Nagsẽx ba kayo ni Edward?'

'Ikaw ang virgin sa lahat ng virgins na kung magsalita parang nabiak na. Parang staple food mo lang ang sėx na iyan ah.'

'Yes or No?'

'Fyi, hindi ako accused at hindi ako witness sa courtroom---'

'Gotcha. You don't have to answer anyway. It's like asking Edward if he masturbatës or not.'

'May pagnanasa ka kay Edward ano?'

'What? No! Noon lang iyon. At alam mong one week lang iyon. Bakit parang naamoy ko ang selos sa paligid?'

'Pwede ibaon na natin si Edward sa limot?' Giit ko sa kanya habang patuloy sa pagnguya sa pickles. Deep inside malaki ang takot ko na baka tama si Kisses.

'Your wish is my wish too. Parang nag-crave ako ng ice creaaaaammm!'

'Ikaw yata 'tong buntis e.'

'Diyan ka lang muna at bibili ako ng ice cream.' Sabi niya ng matapos ito sa paghugas ng pinggan at mga kalderong na-empty na.

Pumuwesto na lang ako sa couch habang pinagpatuloy kong pinanood ang Dances with Wolves na hindi namin natapos kagabi. Sa totoo lang di ko masyadong naintindihan pero gusto ko iyong role ng asukal at kape para mabuo ang pagkakaibigan. Despite the language barrier, nabuo ang isang samahan dahil sa pagbibigayan. Nang nagbigay ang bida ng asukal at kape, days after that binigyan din siya ng kumot na gawa sa balat ng toro. Iyon ang pumatak sa isip ko... that... that people can read kindness when they see one.

I continued watching in silence while eating chocolate cake nang lumabas sa kwarto ang anak ko.

'Mama...'

'Hey baby, akala ko tulog ka na paglabas ko.'

'I can't sleep Mama.'

'You want?' tinutukoy ko ang cake na nasa platito na hawak ko.

'I want Papa.'

Meged, kinurot ang puso ko. Nasanay ka na anak, di ba? Ba't kailangan mo pang hanapin?

'Tulog na si Papa ngayon. Dahil buong araw siyang busy sa trabaho.'

'I want to talk to him Mama please.'

Diyos ko Lord, paano ba 'to?

'Baby, pagod si Papa kaya tsaka na lang natin tawagan kung hindi na siya pagod, okay?'

He didn't say a word.

'You want Mama to read you a story?'

'Yes Mama.'

Kinuha ko iyong book na bigay ng Papa niya, "A Journey to the Center of the Earth". Habang binasa ko sa kanya ang libro, napagtanto ko kung gaano kahirap para sa kanya ang nangyayari sa amin ngayon. Siguro tama si Edward na magpaka-selfish din ako minsan. Pero hindi ko talaga kaya. Hindi rin ako magiging masaya kung may isang Celestine na sobrang maaapektuhan. And one more thing that bothered me most ay kung mahal nga niya talaga ako. Mahal ba niya ako or gusto lang niyang may makasama sa pagtanda niya?

Nasa pangatlong pahina na ako ng namatyagan kong tulog na ang anak ko kaya tinigil ko na ang pagbabasa. Lumabas ako para icheck si Kisses kung dumating na. At saka gusto ko ring kumain ng ice cream.

'Ows, di man lang kumatok kung dumating na siya.' Nasa couch na siya at pinagpatuloy ang panonood at sumubo-subo ng ice cream. Naglaway tuloy ako.

'Narinig ko kasing nagbabasa ka kaya kumain na lang ako.'

OUTFOXED (Completed) Where stories live. Discover now