Chapter 54

414K 8.5K 1.7K
                                    

Chapter 54

Sitti's P.O.V

Ilang araw na ang nakakalipas pero ganoon pa din yung trato ng mga schoolmate at classmate kong babae kay Margaret.

Lagi syang binubully.

Sa totoo lang, naaawa talaga ako sa kanya. Inaaway na nga sya, wala pa syang kaibigan na nakakasama.

Kahit yung mga alipores nyang pusit iniwan sya. Lagi na lang sya nag-iisa ngayon.

Tapos yung mga kaklase kong lalaki? Ayun! Gumagawa ng edited pictures ni Margaret na medyo sexy tapos pinopost nila sa internet at tinatag pa sya! Grabe!

Alam kong may iba sa amin na nag-iisip na bagay lang kay Margaret ang mga ganito kasi sya yung nangbubully dati. Na siguro karma nya ito.

Pero sa tingin ko sobra na 'to! Kahit na alam kong ganito din ginagawa ni Margaret sa akin dati, di ko pa din kayang makita at mapanuod yung ibang tao na inaapi gaya nung pang-aapi na naranasan ko noon.

At siguro, kapag sinabi ko ng malakas yung mga naiisip ko, may mga taong dadampot sa akin saka ako dadalhin sa Luneta para barilin dahil sa sobrang martir at bobo ko.

Felicity Sandoval. Ang susunod na babarilin sa Luneta. Bow.

"Grabe naman sila kay Margaret!"

Napalingon ako sa tabi nang marinig kong magsalita si Patty.

"Pinagsasabihan na namin sila at binigyan ng warning slip pero wala pa din. Ang hindi ko pa maintindihan, bakit parang okay lang sa school administration yung mga ganitong incidents sa school natin?!"

Napapatango na lang ako saka binalik ko yung tingin ko kay Margaret na mag-isang kumakain dito sa school cafeteria.

Maganda pa din naman sya kahit mag-isa na lang sya. Kaya lang parang nabawasan na yung kinang nya nang maalis sya sa pwesto nya bilang Queen Bee.

Kahit walang magsabi, alam na ng lahat na yung dating posisyon ni Margaret ay wala na sa kanya.

Na hindi na si Margaret yung dating Margaret na kilala ng lahat. Yung kinatatakutan ng buong Eastton.

"HAHAHAHAHA!!!"

Nanlaki mata ko nang may bigla na lang magtapon ng juice sa ulo ni Margaret. Nang sundan ko ng tingin yung nagmamay-ari ng tinapong juice na iyon, nakita ko yung isa sa mga alipores nya.

"Oops! Sorry! Nandyan ka pala?" sabi nung pogita sabay tawa at umalis na.

Pinanood ko yung susunod na gagawin ni Margaret.

Yung dating Margaret na kilala ko, palaban, mataray at masungit.

Pero wala syang ibang ginawa kundi tapunan ng masamang tingin yung dati nyang kasa-kasama sabay tumayo at naglakad na palabas ng cafeteria.

Sinusundan ko pa din sya ng tingin. Hanggang sa makita ko na nagkabanggaan sila ni MM doon sa may pintuan.

"UMALIS KA NGA DYAN!" sabi ni Margaret sabay malakas na tulak kay MM palayo sa daraanan nito.

'Yan yung Margaret na kilala ko!

'Pero bakit hindi sya gumanti doon sa nagtapon ng juice sa kanya?' sa isip ko.

Isa pa sa napapansin ko nitong nakaraang araw, kapag yung mga dating kasa-kasama ni Margaret yung gagawa ng masama sa kanya, hindi nya ginagantihan. Pero kapag iba naman, lumalaban sya.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon