Chapter 103 - Forgive

10.3K 378 11
                                    

POV Sienna

Time: 11:20 AM (Thursday)


Kasabay ng pag guho ng Aquinas Island building ay ang pag guho ng pangarap ko na makasama si Herschel habang buhay. Nakatingin lang ako sa headquarters na ngayon ay isang piles of rocks and rubbles na.

Ilang minuto pa lang kami sa Aquinas Island at dumating na agad ang air support helicopter ni Captain Phillip. Sinakay agad nila ang walang malay na si Stella at si General Regalado.


"Sienna..." nakangiti na sabi sa akin ni Sir Hercules habang nakatingin ako sa ruined headquarters.


Bakit masaya ang daddy ni Herschel? Reverse psychology? Is this his way of dealing about his son's death?


"Sir Hercules?" sagot ko sa kanya habang humihikbi.

"I hope you can forgive my son," sabi niya sabay hawak sa balikat ko.


He knows that Herschel was inside the ruined headquarters. Alam niya na unlikely na makaligtas si Herschel sa explosion at pag collapsed ng building, pero di ko alam kung bakit siya nakangiti.


"Forgive your son? Ano po ibig mong sabihin?"

"Don't cry. You will find out soon," sabi niya sabay tapik balikat ko.


Lumakad na siya papunta sa helicopter at mukhang hindi nabobother sa nangyari sa anak niya.


"Sir Hercules, hindi ko po kayo ma gets?"

"Call me daddy from now on. Welcome to our family, Sienna," sagot niya sa akin habang kumakaway pasakay sa helicopter.


Magtatanong pa sana ako nang biglang may yumakap sa likod ko at humalik sa pisngi ko. Kahit di ko nakikita kung sino yun, alam ko na si Herschel yun based sa perfume niya. Alam na alam ko ang amoy ng lalaking ito.


"Bakit ka umiiyak dyan? Mukha kang kawawa," sabi niya habang hinahalikan ang pisngi ko.

"Herschel?" tanong ko sabay harap sa kanya.

"Pahiran mo yung sipon mo, turn off. Di kita papakasalan pag tulo sipon mo."


I touched his cheeks and his lips. Nakakasigurado ako na buhay ang Herschel na kaharap ko at hindi gawa ng mapaglaro ko na imagination. Sinubukan ko pitikin ang ilong niya and he frowned at me. It only means na hindi nga ako nananaginip.


"What the fuck, Sienna? Bakit mo ginawa yun?"

"Pinagtitripan mo ba ko?"

"What do you mean?"

"What do you mean ka dyan? Alam ng daddy mo na buhay ka at buong akala ko natabunan ka ng tonetoneladang bato. Si Kio at Harold, obvious na nasa loving loving mode. Hindi din nabobother na hindi kayo nakalabas ni Jordan. Niloloko niyo ba kami ni Savannah?"

"Anong pinagsasabi mo? Wala ba man lang akong kiss dahil nakalabas akong buhay?" nakangiti na tanong niya sa akin sabay yakap sa bewang ko.

"Umamin ka, magagalit talaga ko sayo!"

"Fine, fine! We pretended that we were inside the building when it collapsed. Nakalabas na kami ni Jordan bago pa mangyari yun. I contacted Kio and dad in advance to let them know that we are safe."

"Pinaglalaruan mo na naman ako? Kaya ba may parang goodbye message ka kanina saken?"

"Sorry na. I just want to surprise you. Di ba dapat matuwa ka dahil buhay ako? Bakit ka nagagalit saken? Don't tell me buntis ka?"

"Ewan ko sayo! Wag mo ko kausapin!" sabi ko sa kanya sabay akyat sa yacht papunta sa upper deck.


Kung kami ni Herschel ay nag-aaway, Savannah is so happy to see Jordan alive. I guess wala siyang kamalay malay na planado na ng dalawang mokong ang mga nangyari.


"Huy, Sienna, nagtatampo ka ba?" tanong niya habang nakaupo kami sa sofa ng living room. 


Ang dalawang couple na sina Jordan at Sav, saka si Kio at si Harold naman ay nasa upper deck ng yacht kasama si Blabby, ang Black Labrador Baby.


"Hindi ako nagtatampo. Ang saya saya ko di ba?"

"Sorry na nga. Ano ba gusto mo gawin ko para mapatawad mo ko? Kailangan ko ba na tumuwad para mapatawad?" malambing na tanong niya habang hinahalikan ang tenga ko.

"Wag mo ko kausapin, Herschel. Di ako natutuwa sa ginagawa mo," mahina kong sagot sa kanya dahil unti niya kong niyayakap.

"Nagagalit ka ba dahil gusto mo ng make-up se---"


Tinulak ko siya ng bahagya at tinitigan sa mata. Walang kapaguran ang lalaking ito. Pero kahit ilang zombie apocalypse pa ang dumaan, siya lang ata ang lalaki na mamahalin ko. 

Bigla ko hinawakan ang dalawang pisngi niya and inangkin ang mga labi niya. Hindi niya alam na sobrang saya ko dahil ligtas siya.


"I am sorry for making you worry, Sienna. I just want to surprise you," bulong ni Herschel na hindi pa rin binibitawan ang mga labi ko.

"Not forgiven. Matagal ako magpatawad," sagot ko sa kanya while I am still kissing him.

"Yung totoo, Sienna? Mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ang magandang katawan ko?"

"Pwedeng both?"

"Sabihin mo sa akin yan kapag nasa loob na tayo ng kwarto," sabi ni Herschel na bigla akong binuhat pababa sa lower deck papunta sa cabin.


Do I have to narrate what happened next or I think alam niyo na?

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon