Chapter 91 - Charles

10K 373 18
                                    

POV Sienna

Time: 7:20 AM (Wednesday)


Warning: Charot! Wala ng warning! Back to present day na tayo!


Sumakay kami ni Herschel sa isang military helicopter na magdadala sa amin sa mommy niya. Hawak niya ang kamay ko sa buong duration ng travel, pero hindi ako tumitingin sa kanya. Medyo asar pa din ako sa babaeng nakaupo sa bandang harapan namin also known as Stephanie Marquez.

After a few minutes of endless sea, natanaw ko na ang isang malaking supercarrier ship na may malawak na flight deck. Isang dambuhalang warship sa gitna ng dagat.

Nang mag landing ang helicopter sa ibabaw ng warship, namangha ako sa laki ng flight deck kung saan may ilang aircraft at helicopters na nakaparada.


"Is this the Charles Aldridge aircraft carrier warship?" tanong ni Herschel kay Stephanie habang pumapasok kami sa loob.


Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit, pero inirapan ko lang siya. Di pa rin kami bati sa mga oras na ito.


"Yes, that's right, Che. This supercarrier is using nuclear propulsion. If I am not mistaken, this can carry more than seventy aircrafts and four thousands personnels. This is the largest warship of the Aldridge City Navy Team," paliwanag ni Stephanie.


Ikaw na ang maraming alam! Baka gusto mo rin ipaliwanag ang maximum speed in knots at dimensions ng warship na ito? Tsk!


The interior of the ship is not appealing, pero alam ko na high-tech facilities pa rin ang gamit ng supercarrier na ito. Medyo masikip ang bawat daan at feeling ko maliligaw ako sa lugar na ito.


"Steph, where is my mother?"

"She's waiting for you inside her room," sagot ni Stephanie na kumatok sa isang room sa dulo ng corridor.

"Thanks, Steph. We will take it from here."

"You're welcome, Che. Let me know if you need anything," malambing na sabi ni Stephanie at hinaplos pa ang braso ni Herschel bago tuluyan na umalis.


Kailangan talaga haplusin mo si Herschel bago ka umalis? Nakakagigil kang babae ka eh!


"Sienna, wag ka na magselos. Umuusok na ilong mo. Tandaan mo, ikaw ang girlfriend ko hindi siya," malambing na sabi ni Herschel saka hinalikan ang kamay ko.


Bumukas ang pinto ng kwarto at ang isang middle-age woman with eye glasses ang sumalubong sa amin. Niyakap niya agad si Herschel at hindi na niya maitago ang luha sa mga mata niya.


"I am sorry, ang drama ko. Come in. Welcome to my temporary abode," sabi ng mommy ni Herschel at pinapasok kami sa loob ng kwarto niya.


It is a simple bedroom at walang kahit anong gamit, pero malinis ang mukhang maayos naman.


"Mommy, this is my girlfriend. Sienna, this my mother Marishiella Rivera," pakilala sa akin ni Herschel at mabilis naman aking niyakap ng mommy niya.

"Sienna, you look more beautiful in person. Sa video call lang kita nakakausap. Please take a seat. I am glad na pareho kayong ligtas. When I found out from Phillip na nasa Alexius Island kayo, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. I trust that my son can survive this zombie bruhaha, pero di ko pa rin maiwasan ang mag-alala."

"Mom, I am happy that you are also safe, pero nasaan ang daddy?" seryosong tanong ni Herschel.


Umupo siya sa tabi ng mother niya at ako naman ay sa kalapit na upuan. Hinawakan ni Herschel ang kamay ng mommy niya, pero bigla itong humagulgol ng iyak. Hindi ko din aasahan na biglang iiyak ang mommy ni Herschel sa harapan namin.


"When Jorge ordered an emergency evacuation, Hercules told me to go with the Research and Development Team..." nakatungo na sabi ng mommy ni Herschel.

"He is with the general right now and he is still in Aquinas Island tulad ng theory ni Captain Phillip. Is that right?"


Tumango lang ang mommy ni Herschel habang pinapahid ang luha niya. I can see from her lovely face na stressed siya dahil napaka jolly niya nung huli ko siya nakausap sa video call. She is very bubbly at nag jojoke pa kahit corny.


"Mommy, bakit naiwan ang daddy sa Aquinas Island? Are they being held as captives?"


His mother gasped as if tama ang sinabi ni Herschel. It is clear to me that she does not want to involve her son to this mess, pero kilala niya ang anak niya. Alam niya na mapilit ito at hindi titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.


"Mommy, I need to know the truth or ako mismo ang pupunta sa Aquinas Island."

"No, Che. Delikado dun. Why do you think inutos ni Jorge ang mass evacuation? Aquinas Island is far from safe."

"I need answers, mommy. Please tell me everything."


Tumango lang uli ang mommy ni Herschel. She looks older dahil sa pag-aalala sa asawa niya at sa anak niya.


Kung tama si Captain Phillip, Doctor RE is also in Aquinas Island right now...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon