Chapter 64 - Crimson

12.3K 446 10
                                    

POV Sienna

Time: 11:00 PM (Saturday)


Tulog na si Jordan, Kio at Sav sa likuran ng sasakyan pero gising pa din kami ni Herschel. We are looking at each other habang nakahiga sa aming seat.


"Mahihirapan ka maglakad bukas. You are wearing these fucking high heels," bulong niya habang nakatingin sa akin.

"I am fine. Maliit na bagay," sabi ko sabay haplos sa mukha niya. May galos pa din siya sa pisngi dahil sa pag gulong nila ni Jordan sa bundok.

"Sienna, you look beautiful in your black dress," sabi niya sabay halik sa kamay ko.

"Sige na, mukha ka ng prinsipe sa suit mo," namumula kong sagot sa kanya.

"But you know what? You look better when you are naked---"


Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka may makarinig sa kanya, pero mukhang malalim na ang tulog nilang tatlo sa likod.


"Sienna, matulog ka na, I will be on the look out. Kailangan fully charge ka bukas," mahinang sabi ni Herschel na unti unting binababa ang bintana.


Kahit walang aircon, malamig sa bahagi na ito ng bundok. I just nodded at him para matulog. Tomorrow is another day for us. Hindi ko binitawan ang kamay ni Herschel hanggang makatulog ako. Alam ko na may zombie apocalypse na nagaganap, and yet his touch can make me feel safe.


Nang namulat ako, may bahagyang liwanag na. Tulog si Hershcel pero gising na si Jordan at Kio. Sav is still sleeping sa lap ni Jordan.


"Guys, I'm hungry. Would you like to grab some breakfast? Treat ko!" natatawa kong biro sa kanila.


It's good to be back with these people pero di ko akalain na may zombie apocalypse na naman sa muli namin pagkikita.


"She's right. We need some food first. I checked the live feeds at maraming horde along the First Avenue. Kailangan natin maglakad eventually sa bundok and we can't do that if we are hungry," pag sang-ayon ni Kio sa akin.

"How about the Crimson Hotel na malapit sa Redwood High? Have you checked kung marami zombies doon?" tanong ni Jordan.


After a few minutes, Kio confirmed that there are only several zombies sa hotel. Malamang mga guests na nastuck or yung mga na attract sa ingay at liwanag ng hotel. Pagka gising ni Herschel, mabilis kaming pumunta sa hotel paakyat sa Redwood Access Road.

Bukas ang main gate ng hotel at walang security. This is a small five star hotel sa taas ng bundok at overlooking sa buong Aldridge City. I parked Jordan's car sa looban na bahagi ng hotel na nasa tapat ng security cam para madali namin makita.


Sabay sabay kami pumasok sa hotel at napansin namin na may ilang zombies na nasa swimming pool at di makaalis. Ang main target namin ay ang kitchen. Dahil may floor plan si Kio ng hotel, mabilis namin ito napasok. We locked all the entrance at exit sa kitchen at nagsimulang maghanap ng food.


Si Kio ay nakaharap pa rin sa laptop niya habang nagchecheck kung may tao o zombie na paparating. Kami naman ni Sav ay kumukuha ng ilang bread at drinks para gamitin namin. Nagsimula din magluto si Jordan at si Herschel ng breakfast gamit ang mga ingredients na nasa fridge.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now