Chapter 68 - Wall

11.9K 444 27
                                    

POV Sienna

Time: 3:00 PM (Sunday)


It is almost three in the afternoon nang magising ako. Kung hindi pa ako ginising ni Herschel, malamang kinabukasan pa ko magigising. Napansin ko din na may damit na ako. Binihisan siguro ako ni Herschel in case pumasok si Sav or si Kio sa kwarto.

I found out from Herschel na gumawa sila ni Jordan ng schedule para mag monitor ng camera feeds sa loob ng hotel compound at kahit sa labas. Hindi kami pwedeng mag relax habang andito.

Jordan and Sav will monitor the feeds from three in the afternoon hanggang three in the morning. Kami naman ni Herschel ang bahala mula madaling araw hanggang sa hapon. Kio will replace us from to time to time.


For about a week, para kaming nasa isang vacation getaway with rotating shift. Wala kaming internet connection, but thanks to the BluRay disc collections ng owner ng Crimson Hotel, hindi kami nababagot.

Kio is also bothered dahil wala kaming contact sa Aquinas Island, but we assured him na we can contact Harold pagdating namin sa yacht ni Herschel. Kahit ako ay nababahala sa mga nangyayari. May mabigat na reason kung bakit hindi kami kinakausap ni Harold...


After one week...

Time: 8:00 AM (Monday)


Nag-aalala na siguro si Kuya Blare at ang parents ko dahil hindi ko sila nakakausap. Kahit si Herschel at Jordan ay nag-aalala na rin sa parents niya. Sigurado ako na may kababalaghan na nangyayari sa Aquinas Island.


"Our supplies can only last up to tomorrow. Do you think it is safe to go out now?" tanong ko kay Herschel habang nasa living room kami.


Jordan and Sav are still sleeping after their shift, while Kio is sitting beside me na nakaharap sa laptop. He is getting intermittent internet connection and he is trying to obtain security footages kung saan ang best na daan papunta sa marina dock.


"Wala pa rin tayo phone line at internet connection kaya tingin ko, there are still horde of zombies out there. Good news is, they may be slower and weaker due to the deterioration of their flesh. Pwede na natin sila takbuhan," sabi ni Herschel humiga sa balikat ko.

"Prepared na naman ang mga backpacks natin in case we need to go. Do you think nasa good condition pa ang yacht mo sa marina dock?"

"The yacht itself is safe with high technology security system. As for the dock, sa isang isolated part naka park ang yacht at secured din ang buong area. Alam mo ba kung anong name ng yacht ko?" tanong niya sa akin sabay lapit ng mukha sa akin.

"Sienna?"

"Feelingera ka pala. Feeling mo naman ipapangalan ko sayo ang yacht ko? Swerte mo naman. Girlfriend kita, pero di pa kita asawa ha?" nakangiti na sabi ni Herschel while kissing my nose.


Sa sobrang inis ko, tinulak ko siya palayo sa akin. Herschel tried to kiss me again pero hinaharangan ko siya ng kamay ko. Nakakainis kaya na sabihan niya ko ng feelingera. Minsan insensitive din itong lalaking ito.


"Wag ka na magalit. Binibiro lang kita," sabi ni Herschel sabay halik sa pisngi ko.

"Anong nga name ng yacht mo? Wag mong sabihin na Misty ang name niyan, di talaga ako sasakay kahit kainin ako ng zombies!"

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now