Chapter 79 - Vet

10K 413 33
                                    

POV Sienna

Time: 8:30 AM (Tuesday)


Lumiko pakanan si Herschel at tinahak ang isa pang maliit na daan. Mukhang walang walkers dito, pero may paisa-isang nakaharang na sasakyan at kailangan pa namin iwasan.


"Herschel, malapit na tayo sa Aldridge Medical City. We can get some medical supplies sa hospital para sa sugat ni Jordan," sabi ko kay Herschel.

"Negative, Sienna! Ang medical city ay malapit sa Central Business District. Maraming zombies doon. Hospital is one of places na ayoko puntahan sa mga oras na ito. Kio, any good veterinary clinic along this street?"

"Wala na akong internet connection. Wala na akong visibility sa mga pwede natin daanan. But I know there is actually one in this area. Turn right sa susunod na kanto."

"Malabong mahanap din tyo ng BVG dito. I doubt na makikipag sapalaran sila dito sa city para habulin tayo," mahinang sabi ko kay Herschel.

"I think so too. Mag focus muna tayo kay JC. He needs medical attention dahil baka maraming mawala na dugo sa kanya.


After a few minutes, pinarked ni Herschel ang delivery van sa parking space ng vet clinic. Mabilis kami lumabas ng van pero dahan dahan kami pumasok sa clinic. Buti walang tao or zombies sa paligid.


"Sav, continue to apply pressure on JC's wound. Kio, ikaw muna ang look out. Hahanap lang kami ni Sienna ng medical tools," sabi ni Herschel habang inaalalayan si JC na umupo sa isang bench.


Malaki ang vet clinic na napasukan namin. Mukhang mga rich ang clients ng clinic na ito dahil sophisticated ang interiors at mamahalin ang mga gamit. Mabilis naman nakukuha si Herchel ng mga medical gauze, antiseptic at sterilized needles and thread.


"Wala akong mahanap na anaesthetic. You have to deal with the pain, bro," sabi ni Herschel habang nililinis ang sugat ni Jordan.


Napansin ko na daplis lang ang tama ng baril sa braso ni Jordan, pero may malaki siyang hiwa sa braso. Kailangan talaga itong tahiin dahil open wound at baka ma-infect.

Herschel was able to stitch his wound carefully and accurately. Hindi ko akalain na marunong siya sa ganitong klaseng first-aid. Kung ako ata ang gagawa nito, baka himatayin ako sa takot.


"Sienna, alam ko crush mo ko, pero wag mo naman masyado ipahalata sa kanila na bilib na bilib ka sa boyfriend mo," nakangiti na sabi ni Herschel habang nilalagyan ng antibiotic ointment ang sugat ni Jordan. Napansin siguro niya na namamangha ako sa paglagay niya ng sutures sa sugat ni Jordan.

"Excuse me?"

"Ang sabi ko, kung gusto mo ko pagsamantalahan, later na lang," sabi niya as he winked at me.


Nasa life and death situation na kami, harot pa rin ang nasa isip nitong lalaking ito!


"Shen, Che may be in the Research and Development Team of Aldridge City military, pero may alam din siya sa medicine. His mother is a doctor at nag changed lang ng profession dahil sa daddy niya," sabi ni JC.

"Well, ano pa ba ang aasahan ko sa isang Mr. Perfect? Hindi na nga ako magtataka kung marunong siyang gumawa ng time machine eh," inis kong sagot sa kanya sabay talikod.


Di ko alam kung maiinis ako o matutuwa ako sa sinasabi ni Herschel. He is flirting with me sa harap mismo ni Jordan, Sav at Kio.


Nakakaloka ang lalaking ito!


Pumunta ko sa likuran na bahagi ng clinic sa bandang kitchen section para mag check ng mga supplies na pwede namin magamit. Sa bandang dulo, napansin ko ang isang sako ng dogfood na nakatumba at nakakalat. May malalaking tear sa sako as if someone ripped it apart with force.


"Sienna, anong problema?" tanong ni Herschel na kasunod ko na pala.

"Herschel, I don't think we are alone. Tignan mo yung sako, may mga ragged holes. I think may zombie dito sa loob ng vet clinic."

"It looks like it has been teared apart by sharp claws."

"Herschel, tingin mo may zombie na hayop dito sa loob?"

"I hope not. Zombified animals are the last thing on my mind right now--"


Napaatras ako bigla nang biglang lumitaw ang isang maitim na creature mula sa kusina ng clinic. Kulang na lang ay atakihin ako sa puso at mapasigaw ako sa nakita ko....





---

Please don't forget to VOTE and leave your COMMENTS!

- Chi Summers

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Där berättelser lever. Upptäck nu