Chapter 39 - Saint Thomas Port

13.6K 571 33
                                    

POV Jordan

Time: 2:30 PM (Sunday)


After namin mapahiwalay kay Shen at Che, medyo dahan dahan na din kami maglakad dahil sa pag-iingat. Alam ko din na masakit ang binti ni Savannah pero di siya nagsasalita.


"Kio, asan na kaya sila Che?" tanong ko sa kanya ng marating namin ang sewer exit.


Ginamit namin ang steel ladder paakyat at lumabas kami sa ilalim ng isang tulay. Natatanaw na namin ang Aldridge Bay mula dito. Di pa rin ako mapakali dahil nahihirapan maglakad si Sav. Kahit bwiset ako sa kanya, nahihirapan pa din ako makita na nasasaktan siya sa bawat hakbang niya. I want to hug her and comfort her, pero wala na akong karapatan na gawin yun.


"Hintayin natin sila dito sa main exit ng sewer. Dito din malamang sila lalabas. Sabay sabay na tayo mag walkathon papunta sa Saint Thomas port," sagot ni Kio sa akin.


Malamig ang hangin sa ilalim ng tulay. Naamoy na namin ang tubig alat ng dagat. Tahimik at walang signs ng tao o zombies sa lugar na ito. Si Sav ay tahimik na nakaupo at nakasandal sa pader, samantalang si Kio ay sinimulan na buksan ang laptop para kausapin ang kanyang contact sa Aquinas Island.

Naghintay kami ng ilang minuto at naramdaman namin na may papaakyat ng steel ladder. Dali dali kong sinilip kung sino ang umaakyat at andun nga si Shen at Che.


"Bakit namumutla ka?" tanong ko kay Sienna.

"May nakita kami Z Class zombie ni Herschel. Akala ko pupuntahan nila kayo. Buti nauna kayo sa amin."

"Mabuti pa, kumembot na tayo paalis dito. Hindi safe dito kung ganun," sabi ni Kio sabay turo sa isang matarik na sementado na stairs paakyat ng main road.


Sa di kalayuan, napaka daming empty na sasakyan ang nakahilera sa kahabaan ng Saint Thomas Boulevard. Sinimulan namin maglakad papasok sa Saint Thomas Port area.


"Walang tao dito. Wala din walkers. Ang weird. Expect ko madami tao pa rin ang papunta dito. Kio normal ba to?" tanong ni Sav.


Tahimik si Shen at si Che. They look awkward at parang nahihiya sa isa't isa. Kung di ako nagkakamali, something critical happened habang nasa sewer sila.


"Sabi ni Dark Shadows, successful ang evacuation kahapon, pero iilan lang sa mga civilians ang naka survive. About a quarter ng population ng Aldridge City ay considered walkers na," sagot ni Kio habang naglalakad.

"Dun ba tayo sasakay?" turo ni Sav sa isang malaking naval ship sa port.

"Malamang, yan lang naman ang natitirang military ship sa port. Pero bakit walang sumasalubong sa atin?" tanong ko kay Kio.


Bago pa makasagot si Kio ay biglang may pumutok na baril sa likuran namin. Muntik na akong tamaan sa balikat.


"Guys, take cover!" sigaw ni Kio.


Paglingon ko sa likod, dalawang military men ang naglalakad palapit sa amin. Duguan sila at kakaibang maglakad. Kung walang sugat ang braso nila, malamang tinamaan kami ng baril.


"Z Class yan! Yan yung nakita namin kanina ni Sienna! Pumasok tayo sa loob nung port terminal building!" sigaw ni Che.


Marunong gumamit ng baril ang Z Class? What the hell!


Di na ko nag-isip pa at hinila ko si Savannah. Alam ko mahihirapan siya tumakbo ng mabilis. Si Shen naman ay mabilis na hinawakan sa braso ni Che papalayo sa mga Z Class. Patuloy pa din kami sa pagtakbo and at the same time, nagtatago kami para di tamaan ng bala.

Hindi pa rin tumitigil ng kakabaril ang dalawang Z Class zombies. They may have awareness pero hindi sila asintado dahil heavily wounded ang kanilang mga braso.


"Pagpasok niyo sa loob ng building, derecho lang sa kabilang side. Andoon na yung platform papunta sa ship!" sigaw ni Kio habang tumatakbo.


Pagpasok namin ng white building na nagsisilbing port office, tatlong military zombies ang sumalubong sa amin ni Sav. They look like regular zombies dahil hindi pula ang mata nila. Mabilis na ginamit ni Che ang pistol niya at tinamaan niya ang tatlo ng mabilis sa ulo.


"Nice shot, bro. Thank you!" sabi ko sa kanya.


Alam ko na sumasali sa gun shooting tournament si Che noon pa, pero ngayon ko lang nasaksihan ang galing niya. His shots were perfect at tumama sa space between the eyes.


"Don't thank me yet," sabi ni Che habang nakaturo sa mga papalapit zombies sa amin.

"Mga friendship, faster! Dito may daan!" sigaw ni Kio na biglang kumanan palayo sa mga zombies.


Sinundan namin si Kio at paglabas namin ng office building, nakarating kami sa may port platform na malapit sa tubig. Kaso, ang mismong bridge na nagdudugtong sa ship at sa sementadong port at nakataas.


What the hell is happening? Bakit may zombies sa Saint Thomas Port? Bakit walang military men dito?


"Hello? Anyone there?" sigaw ni Sav sa harap ng entrance ng naval ship.

"Tulungan niyo kami!" dagdag ni Shen.


Kinuha naman ni Kio ang laptop niya at nagsimulang kumontak kay Dark Shadows. All of us are waiting for help, pero mukhang stranded kami sa dito.


"Kio, waterproof ba yung laptop mo?" tanong ko kay Kio.

"Malamang hindi, pero yung laptop case ko, oo. Bakit?"

"Uhmmm. Mukhang kailangan natin tumalon sa tubig..." I smiled at him bitterly.


Sooner or later, maaabutan kami ng mga zombies na humahabol sa amin. Wala kaming choice kundi tumalon sa tubig...


Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon