Chapter 41 - Aquinas Island

14.2K 598 33
                                    

POV Sienna

Time: 4:05 PM (Sunday)


Nahirapan kami lumangoy dahil na rin sa mga backpacks na dala namin. Napansin ko si Herschel na tinutulungan si Kio na lumangoy sa di kalayuan. Nakalimutan ko na di pala marunong lumangoy ang beshie ko.

Jordan tried to start the speedboat engine. Buti naman at nagwowork pa. Tahimik kami na nakasakay sa speedboat papunta sa Aquinas Island na tanaw na mula sa Saint Thomas Port.


"I don't mean to sound like a pervert, but it is better to remove your wet clothes. May araw pa at mabilis na matutuyo yan kaysa magkasakit kayo," sabi ni Herschel nang mapansin niya na nanginginig ako sa lamig.


Mabilis na nag hubad ng shirts si Kio at Herschel at tumalikod sa amin ni Sav. Si Jordan naman ang siyang nag nagdridrive ng speedboat.


"Walang titingin ah?" sabi ni Sav habang hinuhubad ang kanyang wet shirt at mini skirt.


Wala naman akong choice kundi sundin si Herschel. Sinimulan ko hubaran ang shirt ko at pants. Piniga ko mabuti ang mga damit para mabilis na matuyo. Ang sikat ng araw sa kanluran ang nagsisilbing init sa katawan namin pero maginaw pa din dahil sa malakas na hangin.


"Punasan mo yung katawan mo. Kanina ka pa nanginginig, para kang basang sisiw," sabi ni Herschel sabay bigay ng maliit na face towel.


Mukhang waterproof ang dala na bag ni Herschel dahil tuyo pa rin ang face towel niya. Buti na lang at iniwan ko sa bahay nila ang laptop ko.

Nakatalikod pa rin siya sa akin at wala atang balak humarap. Sabagay, nakakahiya naman na makita niya na naka bra lang ako. Medyo awkward pa rin ako sa nangyari sa amin sa sewer. Di ko alam kung paano siya kakausapin after ng mga pangyayari.


Almost isang oras din ang aming nilakbay papuntang Aquinas Island. Nakatulog ako ng di ko namamalayan dala na din ng pagod sa paglalakad. Di rin ako nakatulog ng maayos kagabi kina Herschel.


"Sienna, gising na. Magbihis ka na, malapit na tayo," sabi ni Sav.

"Asan na ba tayo? Aquinas Island na ba yan?" sagot ko habang nagbibihis ng shirt.

"Nasa isang secluded port tayo ng Aquinas Island. My friend will meet us here," sagot ni Kio.

"Kio, bakit kaya walang tao dun sa ship? Bakit di nila tayo tinulungan?" tanong ni Sav.

"We'll find out soon from Dark Shadows. Anything that you can remember sa Z Class zombie? Di ko masyado natitigan dahil natakot na ko agad," tanong ni Kio na inaayos ang kanyang laptop. Tanaw na namin ang port ng island.

"Parang normal zombie but with red eyes na parang may blood na lumalabas sa mata nila. Kakaiba din maglakad na parang pilay na ewan. Teka, may kumakaway sa port, kilala niyo ba yun?" sagot ni Sav.


Pinatigil ni Jordan ang motorboat at sinalubong kami ng isang batang military personnel na may eyeglasses. Mukhang nerd din, pero hindi maitatago na good looking ang lalaking ito. He has a light brown hair with a pair of green eyes.


"Welcome to Aquinas Island. I am Lieutenant Harold Greer or maybe kilala niyo ko sa ID na Dark Shadows."

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon