Chapter 35 - Firestation

14K 636 44
                                    

POV Sienna

Time: 8:30 AM (Sunday)


Empty ang parking lot at walang signs ng mga fire trucks. Wala din tao sa loob ng building pero magulo ang loob, parang may nangyaring chaos at commotion.

Nagsimula namin gamitin ang hagdan pababa sa lower ground floor. Tumigil si Kio sa tapat ng isang kwarto na nasa dulo ng corridor.


"We need to open this maintenance room. Andito ang short cut papunta sa Narnia. We can use the sewers and then after ng ilang oras na tumbling, hello Saint Thomas port," sabi ni Kio at binuksan niya ang knob, pero mukhang naka locked.


Nag zombie apocalypse lang, lumabas na ang kabaklaan!


"Wala bang axe? Sa mga fire extinguisher section di ba madalas may axe? Let's find anything sharp para mabuksan ang pinto!" utos ni Jordan at mabilis kami nag hanap ng malapit na fire extinguisher.

"No need guys!" confident na sabi ni Herschel.


May napulot siyang dalawang matulis na wire clips. Sinubukan niyang gamitin ito sa door knob ng maintenance room na parang isang bihasang magnanakaw.


"Yung totoo, akyat bahay ka ba dati?" bulong ko kay Herschel.

"Sienna, ang tawag dito, talent," nakangisi niyang sabi after niyang ma-unlock ang pinto.


Naka smile na siya ngayon at wala ng sapi ng demons from The Exorcist. May extreme mood disorder talaga ang lalaking ito.

Sa loob ng maintenance room, may mga naglalakihan na steel pipes. Konektado ang mga ito sa city water supply at yung iba naman ay sa sewer. Dahan dahan kaming lumakad sa mala maze na maintenance room hanggang marating ang dulo na may spiral stair case.

Pagbaba ng stairs, ginamit na naman ni Herschel ang kanyang picklocking talent para mabuksan ang pinto palabas ng sewer.


"Mga becki, malaki ang chance na maligaw tayo dito. May directional signs sa brick walls, just keep going west. Yung dulo nito ay malapit na sa Aldridge Bay," bulong ni Kio habang naglalakad sa gilid ng sewer.


Single file lang kami dahil makipot ang daan. Sa kanan namin ay ang sewer brick walls na medyo madulas at mossy. Sa kaliwa naman ang sewer water na galing sa mga buildings at resident houses ng Aldridge City.

Kio motioned us to be quiet dahil umeecho ang boses namin sa loob ng sewer. Walang kahit anong zombie dito, pero baka maattract sila sa sound galing sa amin.


Tama si Kio, parang maze ang underground sewer dahil kahit ako, di ko na alam kung saan kami nagmula or saan kami papunta. Lumiko si Kio sa isang daan at di niya napansin agad ang isang zombie na naka uniform ang lumitaw sa harap na niya. Nahawakan agad ng zombie si Kio sa leeg at pinipilit niyang ilayo ang ulo nito para di siya makagat.

Si Jordan naman na nasa likod niya ay mabilis na nailabas ang pistol at binaril sa ulo ang zombie.


*Baaaaaaaaaaaaannnng!*


My eyes widened when we all realized na walang silencer ang baril ni Jordan. He must have removed it kanina kaya umalingawngaw ang putok ng baril.

Sampung zombies ang mabilis na lumitaw at mabilis na naglakad patungo sa direksyon namin. Lahat sila ay naka-uniform. Mga maintenance or constructions workers siguro ng sewer system.

Dahil nasa likod kami ni Herschel, mabilis niya kinuha ang kamay ko at hinila patawid sa isang makipot na daan. Hindi ako lumilingon at ang tangi kong nasa isip ay tumakbo palayo sa zombies.

Akala ko, kasunod ko pa rin si Sav at Jordan, pero di ko namalayan na wala na sila sa likuran namin.


"Herschel, wait. Nahiwalay tayo!" hingal kong sabi sa kanya.


Nanlaki ang mata ni Herchel nang makita niya na dalawa na lang kami na tumatakbo. Hindi niya din siguro inaasahan na wala na kaming kasunod.


"Where the fuck are they?"

"Ang alam ko, tumatakbo tayo palayo dun sa mga walkers pero paglingon ko, di ko na kasunod si Sav," kinakabahan ko na sagot sa kanya.


He just cupped my face para hindi mag-alala. The five us are now separated in this huge underground sewer. It is next to impossible na magkakitaan pa kami.


"Hey, don't worry. Kasama nila si Kio. Sigurado ako na makakarating sila sa dulo ng sewer. We just have to find our own way para makarating sa Aldridge Bay. Do you trust me Sienna?"


Tumango lang ako sa kanya pero di mapigilan ng mga labi ko ang manginig sa takot. Di ko alam kung anong nangyari kay Jordan, kay Kio at kay Sav. Naiisip ko pa lang na napahamak sila ay naiiyak na ako.


"Just go west di ba?" bulong ko sa kanya.

"Yep, just go west and follow the water on the drainage. Lahat yan papunta sa Aldridge Bay," sabi ni Herschel sabay kuha sa kamay ko.

"Herschel..."

"Just focus, Sienna. Wag ka bibitaw sa kamay ko kahit anong mangyari. Be alert and check your back kung may nakasunod sa atin. We can't survive this kung wala ang full attention at concentration mo. Am I making myself clear?"


Tumango lang uli ako sa kanya. Dalawa na lang kami ni Herschel sa gitna ng malawak at madilim na sewer. Gusto ko maiyak sa kaba dahil nahiwalay kami sa kasama namin, pero nagulat na lang ako nang biglang hinila ni Herschel ang kamay ko papalapit sa kanya. Bigla niya hinalikan ang noo ko as if he is comforting me.

Dapat matakot ako dahil wala na kaming kasama pero bakit nawala lahat ng pangamba ko sa ginawa ni Herschel. It is as if his kiss soothed and calmed me.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon