Chapter 14 - Western Wall

16.2K 754 52
                                    

POV Sienna

Time: 1:00 PM (Saturday)


Sinunod namin si Kio sa mga plans niya at mabilis kami pumunta sa kitchen na nasa ground floor ng dormitory. Kilala siya bilang isang strategist sa mundo ng online gaming. He is my best friend and I trust him. Napaka liit ng chance ng survival namin pero gagawin namin lahat para makaligtas.


Nakakuha kami ni Sav ng baseball bats loob ng rooms. Mas prefer namin na maging Harley Quinn dahil di namin afford gumamit ng knife. Si Herschel at Jordan, nagbaon ng ilang ceramic knives na nasa kitchen. Samantalang si Kio, may dalang wooden rod na galing sa binaling floor mop.


"Paglabas natin, turn left until you reach the western wall. Walk fast and quietly. JC and I will go first followed by Sav and Sienna. Che, please guard the back," Kio whispered.


Dahan dahan na binuksan ni Herschel ang entrance steel gate ng dormitory at sumunod kami kay Jordan at Kio papunta sa West Section. Nagsimula kaming maglakad sa makipot na daan sa pagitan ng western wall at computer laboratory. So far so good, nalampasan namin ang mga science labs ng walang kahirap hirap.

We are almost halfway papunta sa gilid ng library nang biglang tumigil si Jordan at sumenyas na tumahimik. Lahat kami ay napasandal sa wall ng library building at nagpipigil ng hininga.


*Rrrrrrrrrhhhhh Rrrrrrrrrhhhhh Rrrrrrrrrhhhhh*


Isang zombie student na naka basketball shirt ang naglalakad papunta derecho ng western wall. Duguan at tanggal na ang kanyang left na kamay na parang kinagat ng alligator. Napakapit si Sav sa braso ko sa sobrang takot.

Napansin ko na napapikit din si Jordan, kilala niya siguro ang zombie napapalapit sa amin. This zombie is probably his basketball team mate.

Mukhang bulag na ang zombie dahil lakad lang ng lakad hanggang bumangga sa wall. Umikot ang zombie at aktong lalakad papunta sa direction namin pero mabilis na pumulot ng bato si Kio at hinagis palayo.

Tulad sa zombie movies, sinundan ng zombie ang tunog ng bato dahil sensitive sila sa sounds. Mabilis naman na sumenyas si Jordan na dumerecho ng lakad nang makalayo na ang zombie.


"Bilisan mo maglakad, napaka bagal mo pa naman," bulong sa akin ni Herschel at muntik na akong mapatigil sa paglakad dahil napaka lapit ng labi niya sa tenga ko.

"Wag mo ko pikunin dahil babagalan ko talaga maglakad para maiwan ka dyan sa likod," mahina kong sagot sa kanya habang naglalakad sa harapan niya. Single file lang kami dahil makipot ang daanan sa gilid ng western wall.

"Sienna, kapag kinain ako ng zombie, sisiguraduhin ko na hihilahin kita palapit sa akin para damay ka."

"Herchel, kapag naging zombie ako, kakainin ko lahat ng parte ng katawan mo hanggang bones na lang ang matira sayo!"

"I kinda like it, actually. I told you, just make sure to eat me in the right places," bulong na naman niya sa akin. This time, I felt his lips brushed my earlobes.

"Shut up!"

"You are blushing. Don't tell me that you are imagining dirty thoughts about me inside your dirty mind. Nasa zombie apocalypse tayo, Sienna. Wala tayo sa isang romantic movie. Wag kang umasa na papatulan kita," mahina niyang sabi sa akin.


I quickly stopped and raised my middle finger in front of his face. He is teasing me at para akong nasa roller coaster ride of emotions sa mga pinagsasabi niya.

Akala ko gagayahin niya ko, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. He intertwined his fingers into mine and he motioned me to walk again. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko palayo sa kanya, pero mahigpit ang hawak ni Herschel sa akin.

Hindi ko alam kung gusto niya ng holding hands or wala siyang tiwala sa akin dahil clumsy ako.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora