Chapter 78 - Gun wound

9.8K 387 7
                                    

POV Sienna

Time: 8:20 AM (Tuesday)


Pag labas namin ng vacant lot, nakaparada dito ang ilang mga sasakyan at ang dalawang delivery van. Sumakay kami ni Herschel sa harapan ng isang Mistubishi Canter Van samantalang si Kio, Sav at Jordan ay pumasok sa likuran ng van.


"Please hurry, Che," sabi ni Sav na nakasilip sa maliit na window between the driver seat at sa loob ng van.


Kung dati ako pinag dadrive ni Herschel, ngayon siya na ang nakaupo sa mismong driver seat. Hawak ko ang plastic container na may laman na mga susi.


"I'm trying, Sav. Please don't pressure me. Kio, Can you find out where exactly are they?" tanong ni Herschel habang sinusubukan ang ilang mga susi kung gagana.


"They already opened the aluminum roll-up door sa parking lot. Umiikot sila ngayon sa buong first floor," sagot ni Kio habang nakaharap sa laptop. Meron pa siguro siyang access sa security camera sa loob ng The Glaze using wireless connection.

"How many are they? Damn it! Ayaw gumana!" Herschel said in frustration.

"Six men and another four are coming out of the van. Plan B is to run," sagot ni Kio.

"JC, if these keys will not work, be ready to exchange fire with them. Sienna, roll down the windows beside you. Look for my gun."


Sinunod ko naman si Herschel at nilabas ang dalawang baril niya. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil ilang susi na ang hindi gumagana. I'm already anticipating a shootout between us and the BVG members.


"Fuck! They are near the exit door already! Che, there's no more time!" sigaw ni Kio.


Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko na biglang bumukas ang exit door sa di kalayuan Alam ko na nandito na ang BVG and in a few seconds, they can already see us.


"Sienna, duck your head! JC, now!" sigaw ni Herschel at mabilis akong yumuko habang nakakapit sa binti niya.


Lumabas si Jordan at nagkaroon ng ilang palitan ng putok  sa pagitan namin at ng anim na lalaki. Buti na lang may silencer ang baril ni Herschel dahil kung wala, malamang bingi na ako sa ilang putok na malapit lang sa tenga ko.


This is probably our last minute on earth as we only have limited ammunitions. Hindi high powered guns ang dala namin katulad ng mga members ng BVG. It is either they will kill us on the spot or torture us.

Habang nakayuko ako, sinubukan ko ang natitirang isang susi kung gagana. To my surprise, nagstart ang engine.


"JC, get in and close the fucking door! Sienna hawakan mo ang steering wheel," sigaw ni Herschel sa akin.


Pinaandar ni Hershel ang van while shooting the BVG. Mabilis umatras ang van at dahil nakayuko ako, hindi ko alam kung saan liliko ang steering wheel. Umaasa lang ako sa utos ni Herschel.


"Sienna, slowly turn right habang nagrereverse ako and quickly turn left," utos ni Herschel habang nakatingin pa din sa labas.


He is reversing the van at siya ang nakatapak sa gas while I'm controlling the steering wheel kahit wala akong visibility sa road dahil nakayuko ako. Herschel is multi tasking dahil hindi pa rin siya tumigil sa pag paputok ng baril.


After ng ilang minuto, maramdaman ko na wala ng nag papaulan sa amin ng bala at hawak na ni Herschel ang steering wheel. Nang mabilis na din ang takbo ng van at mukhang nasa main road na kami, saka lang ako umayos ng upo sa pagkakayuko ko.


"You did a good job, Sienna," mahinang sabi ni Herschel while tapping my head.


He looks as if he is about to cry but he's smiling. He's probably scared dahil akala niya ay katapusan na namin.


"Guys, may tama si Jordan ng bala!" sigaw ni Sav sa likod ng van.

"Damn it! JC, are you okay? Saan ka tinamaan?" nag-aalalang tanong ni Herschel habang nakatutok sa daan at nagdadrive.

"Che, sa braso lang. I think daplis lang naman but I need stitches."

"Sav, put pressure on his arm. May medical equipments sa yacht ko. Nasa First Avenue na tayo. Within thirty minutes, we can reach the marina yacht port."

"Herschel, I don't think we can do it in thirty minutes," sabi ko sa kanya sabay turo ng mga nakaharang na sasakyan sa di kalayuan.


May ilang walkers din na naglalakad towards our direction. This will surely prolong our journey papunta sa yacht ni Herschel...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now