Chapter 43 - Addict

14.3K 599 71
                                    

POV Sienna

Time: 7:00 PM (Sunday)


Kiyoshi Kobayashi Reyes, my half Japanese half Filipino bestfriend. Aside from Herschel, si Kio lang ang kilala ko na genius. His specialty is computer related programs and software. Hindi na ako magtataka kung hingin ng Aquinas Island military team ang tulong niya.


"Kanina ka pa tahimik. Gusto mo ba ng isa pang kiss?" bulong ni Herschel sa akin habang nag-aayos ako ng gamit sa loob ng guest room.


Unlike Herschel's bag, hindi waterproof of backpack ko. Nabasa lahat ng damit na dala ko. Buti na lang at may high-end na washer dito sa suite ni General Regalado.


"Bakit ka nandito? Ano na lang sasabihin sa atin ni Stella? Lumabas ka nga!" inis kong sabi sa kanya dahil naramdaman ko na naman ang labi niya na dumampi sa tenga ko.


Naiinis na ako kay Herschel dahil parang laro lang sa kanya ang lahat. Samantalang ako, naguguluhan na ako kung mahal ko ba siya o hindi. In other words, confused!


"You don't know? I already told Stella that we will be using the same room," sabi niya sabay higa sa kama.

"What? Bakit ikaw ang katabi ko matulog? Dapat si Sav di ba?"


Ayokong katabi ang lalaking ito. Malamang dilat ang mga mata ko buong gabi at hindi ako makakatulog kapag nagkataon.


"Saan mo gusto? Sa left side ng bed or sa right side? Baka naman gusto mo sa top ko?" nakakaloko niyang sabi sabay hila sa kamay ko palapit sa kanya.


I ended up landing on top of his chest. Babangon sana ko pero bigla akong niyakap ni Herschel ng mahigpit para di ako makawala. His strong arms are now imprisoning me.


"Nag-eenjoy ka talaga na pinaglalaruan ako noh?" bulong ko sa kanya habang nakahiga sa dibdib niya.

"Sienna, I would be lying if I say no. Alam mo naman na gusto kong pinaglaruan ang mga basura."

"Wag ka masyado lumapit sa basura na tulad ko, baka maging amoy basura ka na din."

"If I will acquire your scent, I really don't mind," bulong niya sa akin sabay halik sa ulo ko.


What the fuck Herschel? Bakit mo hinahalikan yung ulo ko? Hindi tayo mag jowa!


Buti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko sa mga oras na ito, kundi malalaman niya na color red na ako. Mas minabuti ko tumahimik kaysa sumagot sa kanya. Simula ng halikan niya ko kanina sa sewer, halo halong emosyon ang gumugulo sa akin.

Malamang kapag nilagay ko sa Google ang mga symptoms na nararamdaman ko, isang result lang ang lalabas. Mukhang tinamaan na ata ako ng love fever dahil sa walang hiyang lalaking ito.


"Sienna, kung magiging awkward ka sa akin, kalimutan mo na yung nangyari sa sewer," seryosong sabi ni Herschel after ng mahabang katahimikan.


Gusto niyang kalimutan ko yung first kiss ko? Hindi ko nga alam kung makaka tulog pa ako after nun eh! Nakakagalit ang lalaking ito!


"Herschel, wag ka mag-alala. Wala akong naaalala na nangyari kanina sa sewer---"


Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, Herschel rolled me on the other side of the bed. Magsasalita pa sana ako pero naramdaman ko na naman ako labi niya sa mga labi ko to stop me from saying anything.


Ayan tayo eh! Hahalikan mo ko tapos gusto mo kalimutan ko? Nakaka yamot ka!


"Naalala mo na, Sienna?" nakangiti na tanong niya after our passionate kiss.


Sigurado na ako sa mga oras na ito na mahal ko na talaga ang lalaking ito. Kung bakit ko siya minahal kahit napaka bully niya sa akin, hindi ko alam. Isang mystery na hindi ko na ata malalaman ang sagot kahit kailan.


"Herschel, wala talaga ko maalala. As in blanko lahat," nakangiti din na sagot ko sa kanya.


Paki paalala mo nga sa akin ulit? Isa pa nga na kiss?


Tama si Kio, yummy si Herschel. I can kiss him hanggang matapos ang zombie apocalypse. He is about to kiss me again, pero narinig niya na kumakatok si Jordan sa pinto. Sumisigaw ito at sinasabing handa na yung dinner. Buti na lang at hindi binuksan ni Jordan ang pinto dahil makikita niya na nasa ibabaw ko si Herschel. It will be an awkward situation kapag nagkataon.


"Remind me to kill JC later," sabi ni Herschel na bumangon sa kama at hinila niya ang kamay ko patayo.

"I can't, my amnesia ako di ba?"

"You are surely asking for another kiss, Sienna Adelaide Ramos. Don't tell me, na addict ka na?"

"Shut up, Herschel. Hindi ka good kisser para ma-addict ako sayo."


Hindi sumagot si Herschel at tumawa lang ng malakas habang lumalabas kami ng pinto. Hindi siguro siya naniniwala sa sinabi ko. Alam niya na parang alipin niya na ako once he kissed me. Kahit si Sav at Jordan ay napatingin sa kanya dahil tumatawa siya ng parang baliw.


"Sienna, ilan beses ko ba sasabihin sayo na madali ako kausap. All you need to do is ask," sabi niya habang nasa dining room kami.


Ask? Aba gusto pa niya na mag-ask ako ng kiss sa kanya? Ang laki din ng ulo ng lalaking ito eh!


"Anong pinag-uusapan niyo? Care to share?" taas kilay na tanong ni Jordan sa amin.

"Ang sabi ko kay Sienna, madali ako kausap. Kung gusto niya ko katabi matulog, all she needs to do is ask," sagot ni Herschel.

"Wala akong balak matulog ngayong gabi. Adik nga ko di ba?" sagot ko sa kanya sabay irap, pero tinawanan niya lang uli ako.


Jordan and Sav looked at each other dahil hindi sila maka relate sa pinag-uusapan namin ni Herschel. I can't tell them that we are casually talking about kissing each other again. 


Adik sayo, mukhang iyon na ang awit na para sa akin dahil nakaka addict ang halik ng gagong ito!

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now