Chapter 80 - Black

9.7K 403 36
                                    

POV Sienna

Time: 8:50 AM (Tuesday)


Napaatras ako dahil sa gulat nang makita ang isang maliit at maitim na creature. Kumakawag ang buntot nito at biglang lumapit sa amin.


"Black Labrador puppy? Anong ginagawa ng cute na dogee dito?" tanong ko kay Herschel.

"Baka naiwan ng vet sa pagmamadali. Now we know who is the cute culprit," sabi niya na biglang binuhat ang puppy at dinilaan siya sa mukha nito.


Mukhang healthy at mabigat naman ang puppy dahil sagana sa pagkain. Sobrang smooth at shiny din ng coat nito kahit ilang araw na hindi naligo.


"Herschel, we can't leave this adorable puppy here."

"Safe naman siya dito sa loob clinic. Marami siyang food. Mahihirapan tayo kapag may dala tayong aso. Naka survived nga siya ng mahigit isang linggo dito."

"Hindi ko siya kayang iwan dito na mag-isa. Kawawa naman siya, wala siya kasama. Isama na natin siya please?" pakiusap ko kay Herschel sabay kuha ng puppy sa kanya.

"Di ba dapat ako ang nasusunod sa ating dalawa?"

"Please, President Herschel Rivera? I am begging you as your Vice President?" malamabing kong sabi sa kanya while gently kissing his chin.


Herschel just sighed in surrender. Alam niya na hindi ko iiwan ang aso na ito na nag-iisa sa vet clinic.


"Hindi pa kita asawa, under na ako sayo."

"Please please please? Promise gagawin ko lahat ng gusto mo," sabi ko sabay bahagyang kagat sa labi niya.

"Ikaw na ang masusunod, Sienna. Kukuha lang ako ng dog food dahil wala siyang pagkain sa yacht ko," sagot ni Herschel sa akin.

"Thanks, Herschel! You are the best Herschel ever!" masayang sabi ko sa kanya.


Kumuha kami ni Herschel ng ilang gamit ng aso tulad ng shampoo at dog leash. Binuhat din niya ang isang sako ng dog food sa balikat niya. 


"What the fuck, bro! Anong gagawin mo sa napakaraming dog food?" gulat na tanong ni Jordan kay Herschel paglabas namin.

"Tanungin mo ang magaling mong kaibigan."

"Bakit may puppy dito? Come here, baby. Come to mama!" sabi ni Kio sabay kuha sa akin ng Labrador puppy.


Dinilaan ng puppy si Kio sa mukha at mukhang enjoy na enjoy ito kay Kio. I doubt na iiwan pa namin itong aso na ito.


"We found it at the back. Naiwan siguro ng vet or ng owner. Kio, clear na ba tayo?" tanong ni Herschel.

"Yes, I think so. Walang signs ng walkers or tao sa labas. Let's go!"

"Pumunta lang kayo ni Shen sa likod, paglabas niyo may anak na kayo? Tinde mo, bro. Kaya mahaba tulog ni Shen, pinapagod mo palagi eh," dagdag ni Jordan.

"Hoy Jordan, naririnig kita ah? Kahit may sugat ka, kukurutin kita," inis kong sabi sa kanya dahil alam ko na bastos na pinag-uusapan nila.

"War freak ka pa din. Wala ka ba awa sa akin? Injured ako."

"Injured mo mukha mo! Kapag nasa yacht na tayo, ihuhulog ko kayo ni Herschel sa gitna ng dagat. Akala niyo nakalimutan ko na yung pagtatago niya about kay Misty at kay Crystal?"


Ilang chapters na ang nakakaraan, di pa din ako maka move-on kay Misty at kay Crystal! 


"Bro, sabi ko talong mo ang ipakain mo sa girlfriend mo hindi ampalaya," bulong ni Jordan kay Herschel.

"Talong? Anong talong pinagsasabi mo? Ang bastos mo talaga hanggang ngayon!" sabi ko kay Jordan sabay hampas sa kabila niyang braso na walang sugat.


Naalala ko tuloy nung high school kami, madalas ako asarin ni Jordan ng mga bastos na jokes. Kahit below the belt, palagi pa rin ako binubully.


"Aray, aray. Joke lang. Savannah, pigilan mo naman si Sienna! Physical assault to!"

"Tama lang sayo yan. You did not bother to tell me about Crystal nung nasa Alexius Island tayo," natatawa na sagot ni Sav.

"Bro, kung papakasalan mo si Sienna, ngayon pa lang umatras ka na! Babaeng amazona ang kaibigan ko, magiging under ka sa kanya!"

"Don't worry, magiging under ka din kay Savannah someday," nakangiti na sagot ni Herschel habang nilalagay ang dog food sa likuran ng van.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora